Pagka uwi namin ni Ate Beth natulog muna kami mahaba pa naman ang oras mga 5 pa naman kami aalis para pumasok. Ang work ko sa bar ay di mahirap di pa ako expose sa mga guest na gusto akong eh table, dati kasi open yung cashier area na yun, Pero nung ako na ang humawak dun naka closed na siya iaabot na lang sa maliit ng window yung payment, parang room yung pwesto ko.
May tip naman ako 1k mahigit sa Isang araw kasi lagi talagang may nag iiwan ng tip sa lagayan may naka note pa na for cashier, di ko na tinanong kung kanino galing, Pero laking tulong ito sa mga projects ko sa school at nakakapadala pa ako samin, kaya napabato ko ang bahay namin. Kalaban ko lang talaga puyat, 3pm ang out ko lagi sa bar tapos ang pasok ko naman sa school ay 7am -12 kaya naman sa loob ng 4 years yun ang naging routine ko. Na survive ko naman, nakakalungkot lang talaga kasi never pa akong nag bakasyon samin, ayaw ko din kasi, kailangan kung mag work everyday dahil ayaw kung magutom ang magulang ko.
Naranasan ko na kasi kung gano kahirap ang manirahan sa probencya 18 yrs akong naghirap dun, ayaw kung maranasan ng kapatid ko ulit ang walang wala. Mas masaya din ako pag tumatawag sila Mama at Papa na nakangiti na alam kung di sila nahihirapan sa buhay, Hindi na sila kagaya dati na laging namomoblema sa pang araw araw nilang pagkain. Balita ko din sa Mama ko di na raw sila masyadong minamaliit ng mga kapitbahay at kamag-anak namin.
Pero wala akong naipon, halos lahat napapadala ko, kung nag ipon lang sana ako kahit pa kunti Kunti sana may pang gastos ako ngayon Kay Papa. Di ko kasi naisip ang emergency fund, inuubos ko kasi lahat, Mali pala yun. Ngayon pati kaluluwa ko gusto ko ng ibenta maligtas lng si Papa.
" Ara di ka natulog? " nagising kasi si ate Beth paglingon niya sa higaan ko dilat na ang mata ko sa pagbaliktanaw ng mga naranasan ko. Malaki kasi ang apartment at dalawang bed nakalagay kaya tig isa kami, one room lang kasi ang apartment namin pero malaki naman ito, di rin kasi ako sanay na mag isa sa kwarto.
" Ate natulog ako nagising lang ako 4pm na kasi. " sagot ko dito.
" kakain ka pa ba? " tanong nito
" Hindi na ate coffee nalang busog pa ako. "
" Ayan ka na naman baka ikaw naman magkasakit kakatipid mo. "
" Sa work nalang ako kakain ate. "
" Sabagay para tipid, madami namang pagkain dun. oh siya magkape nalang tayo. "
Mama Mila
" Pedring ok ka lang ba? kaya pa ba anong nararamdaman mo? "
" Ayos lang ako Mila, Si Alden kaya kumusta kaya yung anak mo, naiwanang mag isa sa bahay. "
" ok lang yun kaya na nun ang sarili niya may pagkain naman dun, malaki na Yun kaya na nung magluto. Ang sarili mo ang isipin mo ikaw ng may sakit. malapit kanang
operahan. "
" Yun na nga naawa ako sa anak natin Mila naawa ako Kay Ara na todo kayod para satin, pano di ako nakapag aral grade 1 lang natapos ko, pangalan ko lang Kaya kung isulat , Kaya di makapaghanap ng magandang trabaho. "
" Wag ka munang mag isip ng mga ganyan, Si Ara mabait na bata Yun, isipin mo dati hirap na hirap tayo Tas sa kamalig lang tayo nakatira ngayon maganda na yung bahay natin bato na. "
" Mila bat ba kasi pumatol ka sakin na walang pinag-aralan ikaw kahit papano nakatapos ka ng high school makakilala ka siguro ng mga big time na lalaki tas ang ganda mo pa. "
" Nako ayan na naman siya, tumigil ka nga magpagaling ka nalang. kahit ganyan ka syempre di kita ipagpapalit kahit kanino man. kung di ako swerte sayo edi sana wala akong maganda at gwapong anak, di naman ako nag sisi mahal kita eh. " Biglang naluha ang asawa ko sa sinabi ko sa kanya.
" Bat naiyak ka dyan? " tanong ko dito.
" Napaka swerte ko kasi sa asawa at sa mga anak, lalo na Kay Ara. Pero ngayon nakadagdag ako sa problema niya Mila, naawa ako sa anak natin baka sagad na sagad na yun sa pagkayod. Ni minsan nga di pa umuwi yun mula nung lumuwas. "
" Kahit naman ako naawa sa anak natin, Pero ayaw niya talagang magpapigil sa ginagawa niya, gusto niya daw di tayo mahirapan sa buhay kagaya dati. "
" Napakabait ng anak natin Mila, Sana bantayan siya lagi ng angel niya para di siya mapahamak. "
" Ipagdasal natin Pedring at ipagdasal din natin na sana gumaling kana, at sana maayos ang operasyon na gagawin sayo. "
" Sana nga gusto ko pa kayong makasama ng matagal, at gusto ko pang makasama ang anak natin na si Ara, apat na taon na makakapagtapos na din siya. nakaka proud ang anak natin Mila. "
" Sobrang nakaka proud Pedring at di na tayo minamata ng mga kamag anak natin mula nung nakapatayo na tayo ng bahay. Na kahit sa panaginip di ko naisip na magagawa ni Ara yun , ang bata pa niya pero siya ang umahon satin sa lupa. " Sabi ko.
" Naalala ko pa dati nanghiram ako ng bigas sa kapatid mo kahit Isang takal lang dahil may lagnat si Ara at gagawan ko lang sana ng lugaw para may makain ang anak natin, Pero di ako pinag bigyan dinuro duro pa at nilait lait pa tayo. Mamatay daw tayong dilat ang mata, dahil wala daw tayong kwenta, narinig pa yun ni Ara, kaya umiiyak siya habang inaalipusta tayo ng kapatid mo. "
" Masama talaga ang ugali ng kapatid ko na Yun, ipagdadasal nalang natin sila at hayaan na natin na ang karma na ang maniningil sa kanya. " anito
" Sarili niyang pamangkin pinagdadamutan niya, sarili niyang kapatid inaalipusta niya, napakasama ng ugali. " Sabi ko
" tayo ang may malawak na Pag iisip tayo nalang ang umintindi. "