" Pero Pedring yang mga kamag-anak mo sana lang talaga magbago na sila, Lalo na ngayon na bagong taon na, tsaka matanda na sila. Sana lang talaga di mangyari sa kanila yung paghihirap natin dati, Yun nalang pinagdadasal ko. "
" Tama na yan Mila baka ikaw naman ang magkasakit dahil sa kakaisip mo sa mga pinagawa nila. "
" Di ka ba nagtatanim ng sama ng loob sa kanila Pedring? "
" Anong mapapala ko kung magtatanim ako ng sama ng loob, eh wala naman silang ambag sa buhay natin, sasakit lang ulo ko sa kanila pag pinatulan ko sila. Ang mahalaga sakin kayong tatlo lang basta wag lang kayong saktan, walang magiging problema, kaya ko silang di pansinin. "
" Sabagay no, wag na nga natin silang Pag usapan. Sigi na magpahinga ka muna para magkaroon ka ng lakas, malapit na ang operasyon mo, kaya kailangan handa yang utak mo at katawan. "
" Salamat Mila sa di Pag Iwan sa'min huh ng mga anak mo, dahil sa totoo lang pwedi mo na kaming iwan dati pa, Pero pinili mong manatili at samahan kami, sa hirap at ginhawa man. "
" Ikaw Pedring kung ano ano nalang sinasabi mo, pinapa Kaba mo ako eh. Sigi na wag ng matigas ang ulo matulog kana. " Pagkasabi ko nun ay pinikit naman niya ang mata niya.
Ara
Pumasok na kami ni ate Beth sa work, nasa bar na kami ngayon kakarating lang namin may 30 mins pa na allowance dahil hindi traffic.
" Ate pag nakita mo ang assistant ni Boss huh, sabihan mo ako. "
" Sigi, kinakabahan ka ba sa mangyayari sa susunod na araw? "
" Oo sobra ate baka kasi scam lang Yun, baka di naman talaga ako babayaran at baka nagpanggap lang yun na mayaman. "
" Yun na nga eh, bigla din akong na alarma. kaya kailangan kung kausapin ang assistant ni Boss para makahiram ka kahit 100k lang. pahingin mo nalang ng tulong sa government ang Mama mo sa mga municipal sa bayan natin alam kung may mga tumutulong sa ganon. "
" Sigi ate tawagan ko si Mama bukas ng umaga. Sigi ate mag ayos at magbihis lang ako. " paalam ko dito at dumiretcho na ako sa locker ko kung san may banyo dun na para samin lang. "
Di ko akalain may nag aabang pa lang panganib sakin sa loob ng locker. Pag pasok ko sa loob wala pang tao sinara ko ang pinto, ngunit nagulat ako na lumabas ang isa sa mga chef namin na nanligaw sakin Pero basted siya dahil ayaw ko pang mag boyfriend at Isa pa may kinakasama na ito.
" Hi Ara. " naka ngising bati nito sakin, parang di siya normal dahil namumula ang mata niya parang lasing parang sabog.
" Hi Danilo. lumabas ka na mag aayos na ako, sa kabila ang locker niyo bat dito ka pumasok? " tanong ko dito, Pero di ko pinapakita na kinakabahan ako, Pero kabadong kabado na talaga ako.
" Kaya nandito ako kasi alam kung maaga Kang pumapasok tsaka gustong gusto na talaga kitang matikman. "
" Anong matikman? Gago ka ba, pwedi ba lumabas ka bago tayo dito magkagulo. "
" Wala Kang laban sakin ikaw lang dito, kaya sorry ka nalang aangkinin na kita ngayon. " Sabay lumapit ito hinawakan bigla ang kamay ko.
" Ang tagal ko ng may pagnanasa sayo. " Sabi nito sabay hablot sakin papalapit sa kanya.
" bitiwan mo ako. " sigaw ko dito, Pero parang bingi ito.
" Alam kung kailangan mo ng pera, pagkatapos ng gagawin ko sayo bibigyan kita 100k, kasi di ba virgin ka, madami akong pera babayaran kita. " Nilabanan ko siya hinahablot ko ang kamay ko, Pero pilit Niya akong niyakap at hinahalik halikan.
" tulong tulong, Danilo parang awa mo na wag mo akong galawin wag mo akong pagsamantahan. " Ngunit nagpatuloy ito sa paghalik sa'kin. kaya sigaw ako ng sigaw dahil pilit na nitong pinupunit ang damit ko pangtaas. Di ako masyadong maririrnig sa labas dahil nag testing na sila ng sounds para mamaya pag may guest na.
" Tulong, tulong. " sigaw ko at tinutulak ko siya ng buong lakas. Natumba na kami sa sahig ngunit di pa din ito tumitigil, punit punit na ang pang itaas ko na damit at hinahalikan na nito ang leeg ko. Nangingilabot ako sa ginawa nito at pilit ko talaga siyang tinutulak.
" Tumigil kana Danilo, tumigil kana parang awa mo na. " Biglang bumukas ang pinto at pumasok si ate Beth kasama ang right hand ng boss namin si SirJonel. kasunod din ang mga bouncer kaya hinatak nila si Danilo na naka ibabaw pa sakin.
" Ate Beth. " umiiyak kung sabi.naghubad ng coat si Sir Jonel at tinakpan ang dibdib kung nakalantad na, bra nalang ang natira sa pang itaas ko. kinaladkad nila si Danilo na bogbog sarado na.
" Ara sorry di ka namin narinig agad, Buti nalang nakita ni Sir Jonel na pinasok ka ni Danilo dito. My God buti nalang naligtas ka. " Nag ring ang cellphone ni Sir Jonel kaya sinagot niya ito, at ok boss ok boss lang ang sinasabi nito.
" Miss Beth dalhin mo si Ara dun sa kwarto malapit sa office ko, yung may nakalagay na off limit. "
" bakit dun Sir? "
" Utos ni Boss para makapagpahinga siya. " iyak lang ako ng iyak di ko na namalayan na may iba na palang tao na nakapasok sa locker namin, may biglang bumuhat sakin, di ako dumilat iyak lang ako ng iyak.
" Boss . " rinig kung Sabi ni Sir Jonel
" Ako na ang bahala sa kanya. " isang makapangyarihan na boses ang narinig ko, lalaking lalaki ito. narinig ko nalang na bumukas ang pinto maya kunti ay may naramdaman na ang likod ko, Isang malambot na higaan.
Dahil sa nangyari di ko mamulat ang mata ko sa kahihiyan na exposed ang dibdib ko, may nakakita na dito. At higit sa lahat yung trauma na binigay sakin ni Danilo.