Bumukas ang malaking iron-gate ngValle dela Luna Rojo para sa papasok na sportscar ni Kristian. Inside that haven, they had their own government, their own rules, and their own lives.
Ang buhay nila sa labas ng club ay isang palabas lamang. Para sa kanya ay ang loob ng Valle ang tunay niyang mundo. They could live freely. Sa loob niyon ay normal siya.
Sinaluduhan siya ng mga night sentinels na nagbabantay doon. They were sanguis as well under Kristoff’s clan. Kristoff was one of the three clan leaders of rojo. Nabuhay ito sa mga huling panahon ng pamamayagpag ng Venetian Doge noong 1790’s. Ang mga ninuno nito ay nagmula pa sa mga bampira nang nagsisimula pa lang lumawak ang Imperyo ng Roma. Ito ang humahawak ng security ng Valle pati na rin ng kapakanan ng lahat ng bampirang sakop nito kapag nasa labas ng Valle. Ito ang pumoprotekta pati sa mga business interest nila.
Ipinarada niya ang kotse sa harap ng main mansion na siyang nagsisilbing headquarters din ng Valle. Pag-aari iyon ni Pinunong Kaptan Maharlika. Sa ilalim ng clan nito siya kabilang. Hawak nito ang ilan sa malalaking negosyo di lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa at may malakas na kapit ito sa mga matatas na posisyon sa gobyerno.
He was the oldest sanguis and considered as the strongest one. Nabuhay na ito wala pang panahon ng mga Kastila. Anak ito ng isang rajah at ng diwata ng buwan.
Matalik na kaibigan ng mga magulang niya ang mga Majarlika. Sa kasamaang-palad ay namatay ang mga magulang niya nang sunugin ng tiyuhin niyang sumapi sa Umbra ang ancestral house nila sa Bacolod mahigit isang daang taon na ang nakakaraan. Hindi siya umuwi nang Paskong iyon sa kabila ng pakiusap ng mga magulang niya. He was too busy enjoying his life in United States. Sa halip na mag-aral noon ay mas gusto niyang magpakasarap sa buhay. Hindi niya sineseryoso ang buhay niya. Nang bumalik siya sa Pilipinas ay wala na pala siyang babalikan pa.
Young and out for revenge, mag-isa siyang sumugod sa kuta ng tiyuhin niya. Sumunod sa kanya ang kaibigan niyang si Arturo kasama ang mga miyembro ng rojo. Napatay ni Pinunong Kaptan ang tiyuhin nila at ang marami pang Umbra ngunit kasamang nagbuwis ng buhay si Arturo dahil na rin sa kanyang kapusukan.
Sa tulong ni Pinunong Kaptan ay muli niyang naibangon ang sarili niya. Ginawa rin siyang bahagi ng Valle dela Luna Rojo. Hindi siya nito ginawang legal na anak nito subalit itinuring siyang anak nito. He owed his allegiance to him.
Binigyan siya nito ng bagong buhay. Ginamit din niya ang bagong buhay na iyon para buhayin ang alaala ng namayapa niyang magulang. At kailangan din niyang mabuhay para alagaan si Atrisha. He owed it to Arturo.
Sinalubong siya ng isang babaeng nasa 5’3” ang taas. Morena ito at may mahaba at itim na itim na buhok. “Hello, son!” bati ni Lupita, asawa ni Pinunong Kaptan at siyang tumatayong nanay niya.
She was a daughter of a sultan. A beautiful Malay princess. Kahit na limandaang taon na ito mahigit ay napapalingon pa rin ang mga kalalakihan dito, tao man o bampira. Siguro dahil na rin sa natural nitong ganda. She could carry the grace of a true princess.
Kinintalan niya ito ng halik sa pisngi. “Nasaan po si Tatay?” tukoy niya kay Pinunong Kaptan.
“Nasa opisina niya at kausap si Kristoff.”
“Perfect. Gusto ko po silang makausap.”
Hinawakan nito ang balikat niya. “Don’t tell me it’s about business again. Nandito si Atrisha kanina. Tinatanong niya kung may ka-date ka daw na ibang babae.”
“No. It’s business. I am scouting for possible models for the sports line. But for now, I need to seriously talk to Tatay and Padrone Kristoff.”
The main mansion was like a grand hotel and resort. May limampung silid ang mga iyon. May sariling restaurant, game room, casino at mini-theater. May iba pang mansion na pag-aari ng consejo doon at ng iba pang miyembro na nakakalat sa may isandaang ektarya ng Valle. It was the perfect haven. Puro puno ang mga iyon at may mga hot and cold spring sa paligid.
Nabubuhay ang tahimik na lugar na iyon sa gabi. They even had their own golf course. Subalit mas gusto ng mga miyembro na sa gabi maglaro dahil may allergy sila sa araw. Di naman sila basta-basta nasusunog sa araw pero nagkaka-rashes sila sa matagal na pagbababad sa init ng araw. Kaya naman tumuklas ng proteksiyon para mas makatagal ang gaya niya sa init ng araw. A special sunscreen for sanguis. Hindi na sila basta-basta nagkaka-rashes ngayon sa init ng araw.
“Gusto kong makausap sila Padrone Kristoff at si Master Pinunong Kaptan,” pormal niyang wika nang lapitan ang nakabantay sa security office.
Bago siya papasukin ay dalawang security ang lumapit sa kanya para sa security check. Kahit na itinuturing siyang anak ni Pinunong Kaptan ay naroon pa rin ang banta sa seguridad.
Naroon ang lahat ng operasyon. Naroon ang high-tech monitor at control para sa security ng buong area. Pati ang database computer ay naroon din kaya maingat ang lahat ng pumapasok doon. Di lahat ng bampira ay basta-basta makakapasok doon bilang miyembro. At kahit pa miyembro ay di basta-basta papapasukin hangga’t di dumadaan sa mahigpit na security check. Marami silang mga kalaban kaya dapat lang na maging maingat sila.
Nang pumasok siya ay mukhang seryoso sina Kristoff at Pinunong Kaptan sa pinag-uusapan ng mga ito. “Trouble brewing?” tanong niya.
“Malaki talaga ang problema,” sabi ni Kristoff at bumuntong-hininga. “The Umbras strike again. They transformed another mezzo.”
“Hinahanap nila ang mga mezzo para gawing umbra. Iyon ang paraan nila para lalong mapalakas ang pwersa nila,” dagdag ni Pinunong Kaptan.
Ang Umbra ay grupo ng mga bampira na gustong maghasik ng lagim sa mundo at pagharian ito. Para sa mga ito ay pagkain lang ang mga tao. Pinamumunuan ang mga ito ng isang esclavo. They kill human beings by draining. Pumipili ang mga ito ng malalakas na tao para gawing bampira.
Ang mga mezzo gaya ng mga sanguis ay ipinapanganak bilang normal na tao. Mabilis ding gumaling ang sugat ng mga ito at mabilis kaysa sa karaniwang tao. Nagkaka-rashes kapag tumagal sa init ng araw. Mas matagal din ang buhay ng mga ito at tumatagal ng mahigit isandaang taon subalit di tulad ng mga bampira na immortal.
“Kinakabahan ako na baka pamangkin ko iyon,” sabi ni Kristoff.
Romeo de Angelis was a wild sanguinare. Napaka-playboy nito at iresponsable. Ni hindi na nito masundan ang mga babaeng nakarelasyon ng kapatid. Namatay si Romeo nang i-ambush ito ng mga kalabang bampira. Lalo lang tumindi ang laban sa pagitan ng mga Umbra at ng grupo nila. Ang ikinatatakot nila ngayon ay mapunta ang mga mezzo sa kamay ng mga Umbra. May malakas nang alas ang mga ito sa kanila dahil nasa mga ito na ang mezzo na itinakda. Delikado iyon sa balanse ng mundo lalo na sa mga tao.
“May nakilala akong isang babae kanina sa party. Alam niya kung ano ako,” pagsisimula niya at nakuha niya ang atensiyon ng mga ito.
“Alam niyang sanguis ka?” tanong ni Pinunong Kaptan at nadagdagan ang alalahanin nito.
“Nang hawakan daw niya ako nakita niya na naging bampira ako. Sa palagay ko hindi masyadong gumana ang pag-hypnotize ko sa kanya. Noon lang iyon nangyari sa akin,” nag-aalala niyang wika. “Takot na takot siya sa akin.”
Umupo si Kristoff sa harap ng computer nito. “Who is this girl?”
“Alta Kintanar,” wika niya at nagsimulang mag-type si Kristoff sa keyboard. Lumabas sa malaking LED screen ang lahat ng input nito sa computer.
Maya maya pa ay lumabas na sa LED monitor ang resulta ng pag-search nito sa internet. “She’s an athlete. Kapapanalo lang niya sa SEA Games. Six gold medals in Athletics. Na-break niya ang Olympic record. Everyone has high hopes that she’d bring home the Olympic gold,” wika ni Kristoff.
Tumango-tango si Pinunong Kaptan. “Pretty young girl. And promising, too.”
Hinaplos niya ang baba. “Nagawa niyang i-deflect ang mind control na ginawa ko sa kanya.”
“Pwede namang i-deflect ng normal na tao ang kapangyarihan natin kung malakas na malakas ang brain power nila.” Ikiniling ni Pinunong Kaptan ang ulo na parang inaanalisa si Alta. “She can be a mezzo with that speed. At malakas din ang hinala ko na mezzo siya dahil sa kakayahan niyang kontrahin ang hypnotism mo. Ano sa palagay mo, Kristoff?”
Ngumisi si Kristoff. “Posible bang siya ang itinakdang mezzo? Ang heroine mo? She’s about that age.”
“Hindi siya ipinanganak nang winter solstice,” paalala ni Kristian.
“Dalawang bagay lang ang naiisip ko - pwedeng isa siyang seer gaya ni Jermaine. Pero nangyayari lang iyan minsan sa isang milenyo. At ang isang posibilidad, pwedeng siya ang soulmate mo.”
Hindi rin siya naniniwala na may soulmate siya. He didn’t have a soul. Kaya wala ring babae na pwedeng umangkin sa kanya. Sa tinagal-tagal niyang nabuhay sa mundo ay di pa niya natatagpuan ang babaeng iyon kung may soulmate man siya.
Ipinilig niya ang ulo. “No way! She’s not my type.”
“Hindi mo naman napipili ang soulmate mo. Look at me and Olivia. Pinunong Kaptan and Lupita. Sa palagay mo ba pinili namin ang mga asawa namin? Ako ang huling lalaking gugusthin ni Olivia. But one kiss and she’s a goner,” sabi ni Kristoff at humalakhak.
Humalukipkip si Kristian.” May nakita rin ako nang itulak niya ako. Nakatingin daw siya sa buwan na may bahaghari sa paligid. Biglang naging pula ang buwan. Then she had a crescent moon mark at the side of her neck. Katulad sa prophecy.”
“Ibig mong sabihin baka siya ang pamangkin ko?” tanong ni Kristoff at muling tiningnan ang picture ni Alta Kintanar sa screen.
“No offense meant. Sa dami ng nakarelasyon ni Master Romeo, hindi natin alam kung paano pa ite-trace iyon.”
Napansin niya na tahimik si Pinunong Kaptan na parang malalim ang iniisip. “Pinapunta ko na dito si Aleaja,” anito at ginamit nito ang telephatic powers nito para tawagin si Aleaja. “She’s still in Hong Kong. The moon is not yet full but I hope she can teleport here.” May kakayahang mag-teleport ang mga clan leaders na di nagagawa ng ibang uri ng bampira. “Kristoff, ipa-observe mo kay Hideo kung isang mezzo si Alta Kintanar o kung anuman siya. I also want a background check on her.” Si Hideo ay isang dating Japanese ninja. He had The inner eye. Nagagawa nitong makita kung tao ba, bampira, werewolf o taong nahaluan ng dugo ng bampira o lobo. Nagagamit nila iyon para di mapagbintangang bampira o kalaban ang isang tao. Nakikita rin nito kung ano ang nahinaan ng kalaban nila.
“Bukas pa dadating si Hideo galing sa Tokyo. Dinalaw niya ang girlfriend niya,” wika ni Kristoff. Ang nobyang dinalaw ni Hideo ay matagal nang patay at ngayon ay hindi pa rin nito makalimutan kahit na dalawang daang taon nang patay. “Sasabihan ko na lang siyang may meeting kayo at ikaw na ang susundo sa airport.”
“How about Enricus and Jermaine?” tanong naman ni Kristian.
Bumuntong-hininga si Kristoff. “Nasa Bali sila ngayon. Kailangan ni Jermaine na mag-relax at makalayo dito. She’s pregnant right now. Habang nagsusulat siya tungkol sa atin, parang nauubos din daw ang lakas niya.”
“Pero kailangan natin sila ngayon,” giit ni Kristian. “Kung ipapabasa lang sana ni Jermaine sa atin ang naisulat na niya baka makatulong iyon.”
Gusto niyang malaman kung ano ang ibig sabihin ng nakita niya. Kung katulad din iyon ng isinulat ng babae. Ang alam niya, naging emosyonal si Jermaine dahil may ibang mga rojo na hindi gusto ang presensiya nito kahit na asawa pa ito ni Enricus. Na ayaw paniwalaan ang mga hula nito dahil ito mismo ay di iyon sineseryoso. He was guilty in a way. Isa siya sa mga di makatanggap sa katotohanan ng isinulat nito. Pero mas kailangan nila ang patnubay nito ngayon. Lalo na siya.
“Itinigil muna niya ang pagsusulat. Ayaw daw niyang makagulo. Kaya hindi ang vampire series ang isinusulat niya ngayon. Pero susubukan natin kahit ang mga nagawa na niyang manuscript.” Tinapik ni Pinunong Kaptan ang balikat niya. “She’s pretty,” tukoy nito kay Alta. “Perfect siya sa advertisement mo sa sports apparel. Pwede mo ring maging cover iyon para maobserbahan siya. If she’s a mezzo, she’s also in danger. Baka nasa paligid lang ang mga Umbra para kunin siya.”
Tumango na lang siya bilang pagsang-ayon kay Pinunong Kaptan. Sana ay hindi isang mezzo si Alta. Sana ay may pagkakataon siyang burahin ang alaala nito. At higit sa lahat, sana ay hindi ito ang soulmate niya. Hindi niya kailangan ng soulmate niya. Iba ang plano niya sa buhay.
Pero kung may ibig sabihin ang pangitain niya tungkol sa marka sa leeg nito, baka may ibang plano ang tadhana para sa kanila. At maaring may koneksyon ito sa mismong itinakda. Nararamdaman niya na tuluyan nang magkakasanga-sanga ang tadhana nila ng dalaga. Mukhang di siya makakatakas sa itinakda.
Hindi rin nakatulog si Kristian kahit nagsisimula nang sumabog ang liwanag sa langit. Di siya nakatiis at nag-message kay Enricus sa secret Messenger App nila na para lang sa mga rojo. What is the best time to call? I need to talk to your wife.
Pagka-send niya ng mensahe ay nag-ring agad ang phone niya. “I was supposed to call you. Kanina pa ako ginigising ni Jermaine para tawagan ka. Akala ko nga noong una may gusto lang siyang kainin dahil naglilihi.”
“How is she?”
“She’s weak right now. Maselan ang pagbubuntis niya. Gusto ka niyang…”
“Kristian! Kristian, kagabi ang party ninyo, ‘di ba? Kumusta? Nakilala mo na ba siya?” excited na tanong ni Jermaine na mukhang inagaw ang cellphone kay Enricus para makausap siya. Bakas pa ang panghihina sa boses nito.
“Alam mo kung sino,” she said a sotto voice.
Sinapo niya ang noo at pinagmasdan ang painting sa kisame ng isang mayari na bumababa mula sa kalangitan, sa likod nito ay ang malaking bilog na buwan. “So, there’s this athlete during the party…” Ikinuwento niya dito ang nangyari.
“Yes! Sabi na nga ba magkikita na kayo sa wakas. Katulad sa novel ko. She’s pretty, right? May spark?”
Umungol siya. More than spark. Animo’y may magneto ang babae na nakukuha nito ang atensyon niya kahit na may iba namang magandang babae sa party. “Hindi ito tungkol sa love life ko. Tungkol ito sa pangitain na nakita niya. Paano ipapaliwanag ang marka sa leeg niya na katulad sa description ng itinakda sa oculus? At kung siya ang itinakda, bakit iba ang birthday niya? She was supposed to be born during winter solstice at iba ang birthday ni Alta. Twenty-one na siya. I had her background checked. Ordinaryong babae lang siya na ulila sa nanay niya.”
“Ipapaliwanag ang lahat sa tamang panahon.”
“Bakit hindi pa ngayon?” angil niya. “Alam mo na pala kung ano ang nangyayari pero ayaw mo pang sabihin.”
“Because I want you to enjoy the moment. Gusto kong magdesisyon ka ayon sa tinitibok ng puso mo at hindi mo isipin na gumagalaw ka lang dahil iyon ang nakatakda para sa iyo. Hindi ka tau-tauhan sa nobela ko na dapat gumalaw sa script. Dahil kahit si Bathala, ayaw Niya na mawala ang free will mo.”
“Ano pa ang silbi ng mga hula kung ganoon?”
“Mangyayari rin ang mga bagay sa tamang panahon. Gusto ko lang na protektahan mo si Alta Kintanar. Kung nasa mga mga umbra ang tamang version ng oculus, ibig sabihin alam na rin ng mga umbra ang alam ko. Malaki ang gagampanan ni Alta, kung tama ang nasa kwento ko. At sa palagay ko, may mga umbra nang nakamata sa kanya. Huwag mo siyang pakakawalan…”
Narinig niya ang pagbagsak ng cellphone sa sahig at kasunod niyon ay ang papalayong yabag. Then he heard violent retching.
“Hello, Kristian. I am sorry. May morning sickness si Jermaine. Hindi muna siya makakausap ngayon,” ani Enricus.
“It is okay, man. Attend to your wife.”
At kailangan na rin niyang ipahinga ang isip niya. Kahit pa nga mas marami ang tanong na nakuha niya kaysa sa kasagutan.
Isa lang ang malinaw - nakatakdang maging parte si Alta Kintanar ng buhay niya. Kailangan nito ang proteksyon niya.
Hello, everyone! This is a VIP story. You can read the first five chapters for free but you have to use coins to read the other chapters until the end.
There are two ways to get coins:
1. Free coins - Go to Earn Rewards and do the tasks to get coins.
Go to Youtube and search Dreame Free coins if you want to watch the tutorial on how to get free coins.
2. Buy coins - go to Store and buy coins via load (Smart or Globe billing), Paypal, Gcash, credit card. This varies on the phone model and country.
Thank you and happy reading!