Nagtayuan ang mga balahibo ni Alta. Naalala niya ang pangitain niya tungkol kay Kristian. Nakakapangilabot na pangitain. Ito ba ang katumbas ng pangitaing iyon? May totoong mga bampira? Hindi siya basta-basta naniniwala sa mga nuno sa punso, aswang at mga multo. Para sa kanya ay resulta lamang iyon ng malilikot na imahinasyon ng mga tao. Sa pagkakataong ito ay handa na siyang paniwalaan ang lahat lalo na’t mukhang handang manila ng buhay ang mga lalaking nasa harap nila. "Homer, tumakas na tayo. Mga bampira sila. Papatayin nila tayo,” aniya at pilit na hinatak ang braso nito. Nauna na siyang tumakbo sa pag-asang susunod sa kanya si Homer. Nararamdaman niya ang pagragasa ng dugo sa ugat niya na parang buhay na buhay dahil sa matinding takot. Kailangan niyang makaligtas at lumayo. Inubos

