Lumingon ang lalaking mahaba ang buhok na may hawak kay Alta at ngumisi. “Homer, ikaw muna ang bahala sa mezzo. Patatahimikin ko lang ang pakialamerong rojo na ito.” Naglatang ang galit sa mata nito nang pumailanlang ang sigaw ng dalawa sa mga Umbra na kalaban ni Hideo. “Master Dexter!” sigaw ng isa sa mga Umbra. “Hindi!” bulalas ni Dexter. Hindi na niya kailangan pang lingunin para malaman kung anong nangyari. Ibig sabihin ay abo na ang dalawa sa mga alagad nito. Binitiwan ni Dexter si Alta at sumugod sa kanya. He was faster than the other four Umbras who were fighting against Hideo. Mas mabilis ito, mas malakas at mas bihasa sa pakikipaglaban. Mas matindi din ang kasamaang bumabalot dito. Hindi lang basta dugo ang nais nito. Nais din nito ng kapangyarihan at maraming kamatayan di lam

