“Jenna,” tawag sa akin ni Daddy nang makapasok ako ng aming bahay. Bumungad ang pagod na mukha ni Daddy na nagpaangat ng aking kilay. May edad na si Daddy pero may ibubuga pa rin naman ang kaniyang katawan at kaguwapuhan. Alagang-alaga ng mga magulang ko ang kanilang katawan. Ultimo mga pagkain nila ay healthy rin. Kaya marami ang nagugulat kapag nalalaman nila kung ilang taon na ang mga magulang ko. Sobrang bata kasi ng mukha at katawan nila pero kung ang edad naman nila ay malalaman ng iba, magugulat talaga sila nang sobra. “Dad,” bati ko sa kaniya at mabilis na lumapit sa kaniya para halikan ang kaniyang pisngi. “How’s your trip?” tanong niya sa akin nang makalayo ako sa kaniya. Trip talaga ang nangyari dahil naging ilang buwan ang pamamalagi ko sa ibang bansa para lang makapagpah

