Nagmamadali akong lumabas ng aking sasakyan nang ma-i-park ko ito. Today is my big day. Bubuksan na kasi ang aking clothing line na matagal ko nang hinihintay. Noong isang araw pa ako nakarating dito sa Russia kasama ang mga magulang, kaibigan at ang kanilang mga magulang. Hindi puwede kasing mawala sila sa mismong araw ng aking grand opening. Bagong branch kasi ito dahil naging successful ang aking business na clothing line. Lahat ng mga naiisip kong design sa mga damit, nakukuha ng mga na-hire kong designer. Sasabihin ko lang sa kanila kung ano ang navi-visualize ko tapos automatic na kaagad na makukuha nila. Bigla akong bumuga ng hangin nang maramdaman ko pa rin hanggang ngayon ang kaba. Nangangatal din ang aking mga palad sa takot at nerbyos. Sa katunayan nga ay kahit matagal na ak

