Kagaya nga ng sinabi ni Lexus, dumiretso ako sa hideout namin. Wala naman na kasi akong gagawin at magpapahinga na dapat talaga sana ako kaso nga ay bigla na lang siyang lumitaw sa earpiece ko. Wala tuloy akong choice kung hindi i-delay muna ang lahat para malutas ko ang problemang kinakaharap ko. Madalas namang ganito kasi kapag may problema ako. It’s either malalaman nila o hindi kara ay mararamdaman na lang nila na may problema ulit ako. Hindi na matapos-tapos ang problema ko ngayon. Sa katunayan nga ay napapagod na ako pero ano nga ba ang magagawa ko kung patuloy ko lang hahayaan ang lahat? Dapat ko na ring bawasan kaysa patuloy lamang ako sa pagtakbo dahil lang takot akong harapin ang isang bagay. Ang pangit din kasi noon. Kung alam ko sa sarili ko na kaya ko, bakit hindi ko subu

