Ilang araw rin akong nakakatanggap ng mga gamit sa kung sino. Ultimo pagkain ay hindi rin niya pinalampas. Hindi ako sigurado kung tama ba ang iniisip ko pero base sa mga ginagawa ng aking employees, lahat sila ay natatakot sa kung sino. Sa tuwing ginugulo nila ako para ibigay ang mga regalo o pagkain, kita sa kanilang mga mata ang takot. Hindi ko nga lang sigurado kung sa akin ba sila takot o sa taong nag-uutos sa kanila para bigyan ako ng mga kung ano. Kinakain ko naman ang mga ibinibigay nila sa aking pagkain. Kaso dahil nga marami, inaaya ko na rin silang kumain. Hindi ko naman kasi iyon mauubos. Kaya nga matapos ang pangyayaring iyon, unti-unting lumiit ang pagkain na ibinibigay sa akin hanggang sa sakto na lamang sa iisang tao. Weird. Iniisip kong si Thaddeus ito pero mukhang

