Padabog kong ibinaba ang aking cellphone sa mesa nang hindi ko maintindihan ang document na binabasa ko. Sinubukan ko na ring maghanap nang magandang music para pakinggan habang nagbabasa ng document. Gusto ko kasing i-divert ang atensyon ko sa ibang bagay pero paano ko magagawa kung hanggang ngayon ay nalilito ako at namomoblema sa mga tanong sa isip ko? Kahapon pa ako nagtataka kung bakit susulpot na lang bigla ang lalaking iyon sa aking earpiece pero kapag magsasalita na ako, bigla siyang mawawala. Balak ko na ngang itapon sana ang earpiece na suot ko dahil baka mamaya ay kalaban ko ang lalaking iyon pero papaano? “Ma’am Levine, good morning po,” bati nang kung sino. Lumingon ako sa bandang pintuan para hanapin kung sino ang nagtangkang pumasok nang hindi man lang ako kinausap sa

