“Lexus, I can’t,” pahayag ko nang makauwi ako sa hideout namin. Wala pa ang mga kaibigan namin dahil busy yata sila sa kanilang mga trabaho. Ako naman, hindi ako makagalaw kanina masyado dahil nakabantay sa akin buong maghapon si Thaddeus. Sabay kaming kumain pero hindi naman ako nakakain nang maayos dahil waka akong gana sa tuwing nasa paligid ko siya. I hate his presence. Napipikon ako na hindi ko maintindihan. Kaya ang ginawa ko lang ay ilang beses lang akong sumubo tapos hindi ko na itinuloy. Ang kinaiinisan ko lang na part ay iyong siya ang kumain ng sobra ko at hindi itinapon. Lumundag ang puso ko, yes. Pero that doesn’t mean, bibigay na ako sa kaniya kahit malakas ang epekto niya sa akin. Hindi ko kayang hayaan ang sarili kong maging masaya. I hate him. Salubong ang kilay ni

