Ginulo talaga ng isip ko ang sinabi ni Lexus. May point naman siya pero hindi ko alam kung papaano ko iyon gagawin. Napahilamos na lamang ako at ipinarada ang aking sasakyan sa gilid ng highway dahil baka kung ano pa ang mangyari sa akin kung itutuloy ko pa ang pagmamaneho. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Gusto kong maglumpasay at umiyak pero hindi ko naman gawain iyon lalo na kung nasaktan talaga ako. Huminga ako nang malalim at pilit iniintindi ang mga nangyayari. Ngunit habang nasa kalagitnaan ako ng aking pag-e-emote, biglang may kumatok sa aking wind shield. Inis na napalingon ako sa aking kaliwa ngunit nagulat ako nang makilala ang taong kumatok na lang bigla. Bumusina na lamang ako para sabihing aalis ako at mabilis na pinaandar ang aking sasakyan nang mapansin kong uma

