Imbis na makapagtrabaho ako nang tahimik rito sa office ko, hindi ko nagawa dahil sa presensya ni Thaddeus. Kanina ko pa siya pinapaalis. Siguro inabot na kami nang ilang oras pero hindi pa rin siya umaalis. Talagang nandito pa rin siya at ginugulo ako hanggang sa sinamaan ko na lang siya ng tingin ngunit hindi man lang siya naapektuhan sa aking masamang titig. “Can’t you just leave me alone?” bulalas ko nang tinaasan niya ako ng kilay. Hindi ko alam kung paano ko siya natititigan nang hindi man lang nagpapaapekto sa kaniyang mga titig na ipinupukol. May mga sinasabi ang kaniyang mga mata na hindi ko malaman. Gusto kong magalit. Gusto kong kalmutin at burahin ang mga emosyon sa kaniyang mga mata. Ngunit kahit anong laban ko, nanghihina pa rin talaga ako. What the f**k? What’s wrong

