Pabagsak kong inihiga ang aking katawan sa kama habang nakatingin sa kisame. Pagod ako, aaminin ko. Pero hindi pagod ang mga problema ko dahil patuloy sila sa pagtakbo sa aking isipan. Sinimulan ko na ang training ko para hasain ang skills na mayroon ako dahil kumukulo na talaga ang dugo ko kay Thaddeus. Sinubukan ko ring ipahanap kay Luther kung sino ba ang pumatay kay Nicole at sa mga magulang niya sa underworld pero isa lang lumitaw, si Thaddeus. Kung sasabihin at pipilitin ko si Thaddeus na aminin kung siya ba talaga ang pumatay, sasabihin na naman niyang sinisisi ko na naman ang ibang tao. Hindi ko alam kung binibilog niya ang utak ko o kung ano pero isa lang ang dapat kong gawin. Iyon ay ang pabagsakin siya sa paraang alam ko. Mahirap man gawin ang binabalak kong pabagsakin siya

