“Listen to me, Jenna. They’re just—” “Shut to f**k up, Thaddeus. I don’t want to hear anything from you again,” pagpuputol ko sa kaniyang sasabihin at mabilis na kumawala sa kaniyang yakap. Mabilis ko siyang tinalikuran at hindi na pinansin kung sasama ba siya sa akin o hindi. Ang tanging nasa isip ko na lang kasi ngayon ay magpunta sa dapat kong puntahan. Marami akong kailangang gawin at hindi dapat ito itigil. Hindi rin puwedeng mahuli ako kahit boss ako. Mahalaga ang bawat oras sa akin at kung guguluhin ako ni Thaddeus sa hindi malamang dahilan, sana tumigil na lamang siya dahil wala akong oras para makipag-usap sa kaniya. Mas lalo lamang akong nanggagalaiti sa tuwing nakikita ko siya. Gusto ko siyang patayin. Gusto kong burahin ang mga titig niya na alam kong kaunti na lang ay mah

