Mabilis kong sinipa ang punching bag nang maalala ko na naman ang pakialamerong mukha ni Thaddeus. Ilang araw na akong ginugulo sa aking isipan lalo na iyong part na binigyan niya ako ng mami. Kung makapag-order, akala mo ay siya balak niyang kainin iyon pero ipapakain pala sa akin. Nandito ako sa practice room ng hideout namin. Minabuti kong mag-ensayo muna mag-isa bago ako mag-hire ng magtuturo sa akin para i-enhance ang skills ko sa self defense. Aminado kasi akong mas magaling si Thaddeus. Hindi maikakaila iyon lalo na at minsan hindi ko maramdaman ang presensya niya. Magugulat na lamang ako na nasa likod ko na siya o hindi kaya ay nasa tabi. Ganoon siya kagaling magtago ng presensya niya. Kaya ngayon lang ako nakaramdam ng takot lalo pa at bigatin ang may sala sa pagkamatay ng k

