So bumaba si Thaddeus sa sasakyan niya para makialam? Funny. Hindi naman dapat kailangan na nakikialam siya sa mga ganitong bagay. Laban ko ito pero nandito siya, nanggugulo. Paanong hindi ako mapipikon sa mga kagaya niya? Pinatay na nga niya kaibigan ko, manggugulo pa sa buhay ko. Hindi ba siya marunong makuntento? Imbis na pansinin ang presensya ni Thaddeus sa aking likuran, mas pinili ko na lang tingnan ang mga lalaking nasa harapan ko. “We’ll play later. I-schedule na lang natin. May pakialamero kasi,” paalam ko at ngitian sila nang malamig. “What the hell are you talking about?” Hindi ko siya pinansin at mabilis na binuksan ang pinto ng aking sasakyan para makaalis na sa lugar na ito. Hahanap na lang ako ng ibang daan para magpunta sa dagat. Kailangan ko munang iwasan ito mga

