CHAPTER 31 – Back to New York, Back into your Arms

3934 Words

“Natutuwa akong muli kang makita dito!” Salubong ni Lito saka sabik na niyakap si Maricon ng mabungaran siya nito sa pintuan ng bahay ni Gilbert. “Ako man, kumusta na?” Malawak ang ngiting tugon ni Maricon. “Ganoon parin kagaya ng dati, abala sa iba’t-ibang trasactions. Hindi ako magtatanong kung anong dahilan ng pagbabalik mo dito. Pero alam kong makatutulong ito kay boss,” masayang wika ni Lito. “Asan siya?” Nasasabik na tanong ni Maricon saka agad iginawi ang tingin sa home office at maging sa mataas na hagdanan paakyat. “Bihirang maglagi dito si boss, alam mo bang pagkagaling ni boss sa Pilipinas, isang linggo siyang hindi nagtrabaho at hindi lumalabas ng kanyang kuwarto panay ang shots ng wine. Hindi ko alam kung anong nangyari pero noon ko lang siya nakitang ganoon ka-depressed.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD