Kinabukasan, tinawagan niya si Alex upang magpahatid sa bahay ng uwian na. Katulad ng dati, nagtagal pa si Alex sa kanila at nagkuwentuhan pa sila. “Saang simbahan mo ba gustong magpakasal? We need to have the schedule of our wedding para maiayos na natin ang iba pang preparations,” masayang sabi ni Alex. Nahigit ni Maricon ang paghinga niya, bigla siyang nakadama ng pag-aalala. “On this coming weekend, we will visit the church you want to have to celebrate our wedding rites. Then we can go to another patisserie to have cake tasting and check on their designs,” muling sabi ni Alex saka kinuha ang kanyang kamay upang laruin ang mga daliri nito. “I already requested a catalogues of a couple rings so that we can choose,” nakangiting sabi ni Alex saka tumingin sa kanya. Hinawi nito ang bu

