CAPITOLO SETTE

828 Words
CAPITOLO SETTE - SECRETS Hara's POV SIMULA kahapon iba na ang kinikilos ni Xyra. Ang lalim nang iniisip niya at kung may bakante man kaming oras ay aalis siya. Alam kong may nalaman siya, pinagkakatiwalaan ko ang kaibigan ko pero gusto kong malaman rin iyon. Ilang saglit pa ay dumating na si sir Nalson at as usual ay taas noo itong naglakad patungo sa gitna nang silid at marahang inilapag ang mga librong dala nito. "Good morning class" bati pa ni Sir kaya naman ay tumayo kami at bahagyang yumuko at bumati rin. "You may take you seat. I have a special announcement" panimula pa niya na ikinagulat namin. "A week from now, ay gaganapin ang isang acquaintance party sa ating paaralan at inaasahan na ang lahat ay dadalo" halos napuno nang mga reaksyon ang silid dahil sa balitang narinig. Hindi ko rin sila masisi, acquaintance party? Hindi ko ata feel dumalo sa party na yan alam kong ganoon rin ang nararamdaman nang iba dahil na rin sa sunod sunod na nangyari. "Sir, hindi po kami nakakasigurado tungkol sa pagdalo dahil na rin ay iilang araw pa rin ang nangyaring insidente" pagpapaliwanag pa nila Vhan. "Alam kong nahihirapan pa kayo sa mga nangyayari. Pero ito ay utos mismo ng ating punong guro, isang acquaintance party ang idiriwang para sa pagbibigay halaga sa mga alaala nang mga taong ating pinapahalagahan. Huwag niyo ring kakalimutan na sa likod nang sakit na nararamdaman ninyo ngayon ay estudyante pa rin kayo nang Pandemonium East High at isa ito sa mga pagkakataong inyong maranasan bilang mga estudyante" pagpapaliwanag pa ni Sir Nalson sa aming lahat. "Magmimistula itong Grand Gala kung saan gaganapin ay sa ating Gymnasium, kaya paghandaan niyo na ito kung saan ay ang theme ay Gold, Silver and Black" dagdag pa niya. Narinig ko pang umangal ang iilan sa amin pero kung utos ito mismo ni Miss Eva wala na kaming magagawa pero hindi ko pa rin alam kung talaga bang ayos lang na dumalo sa magiging acquaintance party na mangyayari. Hindi ko alam kong maituturing ko pa ba ang balitang ito na special. Xyra's POV KAILANGAN kong makausap muli si Miss Quarez ni hindi ako makatulog nang maayos sa kakaisip nang mga sinabi niya kahapon. Habang tinatahak ko ang daan papuntang library ay bigla bigla nalang humarang si Nyzil sa aking harapan. Ano naman ang ginagawa niya rito? Alam kong isa siya sa mga officer nang Supreme Student Government dito sa school. "At saan ka pupunta, Miss Xyra?" bungad pa niya habang isang nakakakilabot na ngiti ang kaniyang iginawad. Isnag ngiti na para bang nagbibigay nang kakaibang pakiramdam sa akin. "Pwede ba, Nyzil padaanin muna ko" aniko nang humarang siyang muli sa daanan, napairap ako sa kaniya. "Hinahanap mo ba si Miss Quarez?" napatigil ako bigla nang banggitin niya ang pangalan ni Miss Quarez, paano niya nalaman? No, more importantly ano ang alam niya? "Bingo!" masaya pa niyang turo sa akin at ngumiti. She's really creeping me out. "Alam mo, Miss Xyra. Sometimes too much information isn't good because you may lost the essence of valuing the truth behind illusions and lies" nanliit naman ang mga mata kong tumingin sa kaniya. Why is she saying all these stuffs to me? "Anyways, wala si Miss Quarez she's out for the main time for school purposes" dagdag pa niya at ngumiti sa akin. "P-Paano mo nalaman na si Miss Quarez ang hinahanap ko? Anong alam mo, Nyzil? " hindi nako nakapagpigil pa, alam kong may tinatago siya at kung bakit ganoon na lang ang mga kinikilos niya. "I have eyes and ears, Miss Xyra I suggest you use them as well" napakuyom naman ako sa binitawan niyang salita. Kahit kailan ay wala man lang siyang pakialam sa mga sinasabi niya sa iba. "Kung may alam ka, please I need to know" aniko. "No, not yet. Hindi ako dapat ang magsabi sa iyo, sundin niyo ang batas at maaaring maiwasan pa ang pagdanak nang dugo. Malapit nang lumabas ang katotohanan, Miss Xyra, malapit na" sundin ang batas? Anong pinagsasabi niyang pagdanak nang dugo? She's insane! "Your insane! Walang dadanak na dugo" asik ko. "Wala nga ba? " tugon niya habang nakangiti at nakatinging diretso sa aking mga mata na tila ba nangungusap ito pero bakas sa kaniya ang pagkagalak. "Tandaan mo, Miss Xyra. Death is just a glimpse of the answers you seek. Death follows the path in our lives, we can't escape it" at muli isang ngiti ang kaniyang ipinakita at isang nakakatakot na tawa ang kumawala sa kaniyang bibig. Hindi ko alam pero hindi ko magawang maaalis ang tingin ko sa kaniya na para bang napako ako sa mismo kong kinatatayuan. "Nagsisimula pa lang tandaan mo" No, this woman she's lying. How would she know? Pero bakit ganito kahit pilit kong kalimutan ang mag sinasabi niya ay paulit ulit itong tumatakbo sa isipan ko. Someone's POV NAGSISIMULA pa lang akong maglaro, kaya huwag niyo sana akong biguin. "Who will be next?" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD