CAPITOLO SIX

1250 Words
CAPITOLO SIX - ISSUE and CLUES Xyra's POV NANINIBAGO man kaming lahat sa nangyari pero wala na kaming magawa pa. Hindi na namin maibabalik pa ang nangyari. Kahit sa nangyaring iyon ay patuloy lang ang naging klase at tila ba walang nanyari. Habang naglalakad ako sa hallway nakita kong halos nakatingin silang lahat sa akin. Tss. "What you all looking at" kaagad naman akong napatingin sa nagsalita. It was Nami along with Dave and Matthew. "You okay?" may pag-aalang tanong nila sa akin. "I'm fine" nauna naman akong maglakad sa kanila. Nang mapansin namin ang iilang kalalakihan na abalang nakatutok sa kanilang mga cellphone sa tabi nang daan. Nang mapadaan kami bigla nalang itong ngumisi at biglang humarang sa aming dinadaanan kaagad naman akong hinila nila Nami. "Look who's here. Do you know anything about this? " tinarayan ko naman ang mokong nato. Nang iharap niya ang cellphone niya sa mismo naming harapan at isang video ang nakaplay rito pero ang babaeng nasa video ang siyang kumuha nang aking atensyon. "W-Wha" hindi nako nakapagsalita pang agawin nila Dave ang cellphone nito at tila hindi makapaniwal rin sa nakita. "Where did you get this?!" asik bigla ni Nami na siyang ikinagulat ko. Ganoon rin sina Dave. "Dave, Nami, Matthew tama na yan" nakuha naman ang aming atensyon. Sina Cyril kasama ang grupo nila Vhan. "Cyril, alam niyo ba ang tungkol rito?!" inis na bungad ni Matthew. "Yes, sa classroom na natin iyan pag usapan" may awtoridad na wika ni Cyril. Sumunod naman kaagad kami nang nagpaiwan sina Matthew at Dave at walang awang na itinapon ang cellphone nang lalaki. "Dave!" pagtawag ko. Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya sa lalaking kaharap niya na walang magawa. Kaagad ko siyang nilapitan. "That's enough! Tara na" paghila ko sa kaniya. Mabuti nalang at sumunod naman sila. Kaya nang makarating kami sa classroom ay kaagad kaming tinawag nila Cyril. "Ipaliwanag niyo nga ang nangyayari rito" wika pa ni Nami. "We will, okay. Pero tandaan niyo, kakaunti lang ang nakakaalam sa bagay na iyon and we like to keep it that way" wika pa ni Vhan. Sumang ayon naman kami. "Please tell me I'm wrong nang makita si Lumaran sa videong iyon" wika ko. Umiwas naman nang tingin sina vhan nang lumapit sa akin si Hara. "Bhes" aniya. Kung ganoon, hindi nga ako nagkakamali. "I know it's been just few days since she." Kaagad kaming tumango, masyadong masakit para sabihin ang bagay na iyon. "Alam kong nakita niyo na ang video na iyon. Please keep it among to yourselves, just please" nabigla naman kami sa sumingit, si Ricci ito na maluha luha. Hindi rin ako makapaniwal, hindi ko man nakita nang buo ang video pero isa iyong video na naglalaman nang eskandalo. Pero hindi ko maisip na ang babae roon mismo ay si, no it must been a fake. Matapos ang naging pag uusap namin ay nalaman naming wala naman palang teacher na papasok dahil may biglaang meeting ang naganap. Kaya kaniya kaniyang nagsialisan ang mga kaklase namin, naisipan naman namin nila Hara at Charity na pumunta na lamang sa library at magbasa ng mga libro. Tahimik pa roon kung tutuusin. "Hindi pa rin ako makapaniwala" biglang wika ni Charity. "Seriously, ni hindi ko man lang nalaman. Kung hindi ko narinig kanina aba malamang mukha akong tanga" wika pa niya habang pumipili nang libro. Nakaupo lang kami malapit sa gilid nang bintana ni Hara habang nagbabasa at nakikinig kay Charity. "Pasensiya na, alam mo naman na ayaw na naming kumalat pa at saka, aksidente lang ring nakita namin iyon" wika ko pa. "Alam ko, naiintindihan ko naman iyon. Para na rin sa kalagayan nang kaklase natin" wika pa ni Charity. Nanatili lang kami sa library at iilang sandali pa ay napansin kong tila may nakamasid sa amin. Inilibot ko ang aking paningin, nakita ko ang pigura ni Miss Quarez na nakatingin sa amin at tila nangungusap ang kaniyang mga tingin. "Bhes, hindi ba si Luther iyon ang President ng SSG? " wika pa ni Hara kaya napatingin naman ako sa direksyong itinuro niya at nakita ko nga si Luther na seryosong nagbabasa nang libro. Nakabalik na pala siya. "Kahit isang taon ang tanda niya sa atin wala akong pakialam. Ang gwapo niya talaga kahit napakaseryoso. Omg, his black hair complimenting his white skin tone and oh don't get me started with his lips, damn" natatawa pang wika ni Hara. "Alangan naman, half Italian and half Filipino kaya yan bhes" wika pa ni Charity kaya inirapan lang siya ni Hara. Teka, nang ibalik ko ang tingin ko sa kinatatayuan ni Moss Quarez kanina ay nandoon pa rin ito pero nang mapansin kong umalis ito ay tila ba may sariling pag iisip ang paa ko at kusa akong tumayo at sinundan siya. "Bhes?" ani Hara. "Ibabalik ko lang 'to" pagpapalusot ko at kaagad nang sinundan si Miss Quarez. Hindi ko alam pero nang pumasok si Miss Quarez sa pribadong bahagi nang library ay kinabahan ako bigla. Pero hindi ako nagdalawang isip na sundan parin siya. May bumabagabag sa isipan ko na para bang mabibigyang kasagutan iyon ni Miss Quarez. Nang tuluyan akong makapasok kaagad na bumungad sa akin ang pigura ni Miss Quarez na tila naghihintay. "Xura, hindi ba?" panimula niyang wika na ikinataka ko. "Nakita ko sa listahan. Huwag kang mag-alala. Hindi ako kalaban o anuman ang iniisip mo nandito ako para balaan kayo" aniya. "Balaan? Saan?" sunod sunod kong pagtatanong sa kaniya. Balaan saan? At bakit? "Binalaan na kayo ni Miss Joy, tandaan mo ang lahat nang sinabi niya. Tandaan niyo, huwag na huwag niyong kakalimutan. Isa na iyon sa palatandaan sa mga maaaring mangyari" nang hawakan niya ang kamay ko, napakalamig nang kamay niya at nanginginig ito kaya nang titigan ko siya, puno nang takot, awa at pagsisisi ang emosyong nakita ko. "Miss Quarez, hindi ko po mainindihan. Bakit, ano po ba ang mangyayari?" inalalayan ko na siya dahil bigla bigla na lamang siyang nanghina at bigla biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Nanganganib ang buhay ninyo" hindi ko alam kong lalayuan ko ba siya pero hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nanganganib? Bakit? "N-Nanganganib? Bakit?" kinakabahan ako, kinakabahan sa mga maaari kong malaman at marinig. Akma na sana siyang sasagot nang bigla siyang tumigil at nakatuon lamang ang kaniyang atensyon sa aking likuran. "Miss Quarez" ang boses na iyon. Nang malingon ko, hindi ako nagkakamali si Luther nga. Anong ginagawa niya rito? "P-Pasensiya na Xyra at naabala pa kita. Salamat" bigla bigla nalang umayos nang pagkakatayo si Miss Quarez at ngumiti at hindi na nag aksayang umalis. Susundan ko pa sana siya nang bigla akong pigilan ni Luther. "Miss Ramos, sometimes curiosity isn't the answer through everything. Some is best to be kept alone" iyon ang kaniyang mga binitawang salita bago tuluyang binitawan ang braso ko. Nakatayo pa rin ako sa kinaroroonan ko at tanging pagsunod lamang nang tingin sa kaniyang papalayong bulto ang nagawa ko. sometimes curiosity isn't the answer through everything. Some is best to be kept alone. Bwisit, paulit ulit na tumatakbo iyon sa isipan ko. May alam ba siya sa sinabi ni Miss Quarez? Narinig ba niya? Ano bang pinagsasabi ni Miss Quarez sa simula palang, lalo na ang parteng binitawan niya  na nanganganib ang buhay namin? Binalaan na kayo ni Miss Joy, tandaan mo ang lahat nang sinabi niya. Tandaan niyo, huwag na huwag niyong kakalimutan. Isa na iyon sa palatandaan sa mga maaaring mangyari. Palatandaan nang ano? f**k. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD