CAPITOLO CINQUE

1156 Words
CAPITOLO CINQUE- OBEYING THE RULES Jessa's POV BAKIT mo kami iniwan? Bakit?! Nanginginig ang buo kong katawan. Wala na kong maintindihan sa mga pinagsasabi nila Cyril at nang iba pa naming kaklase. How could I accept this?! "Bakit ba tayo nandito?" asik ko. Gusto kong puntahan ang kaibigan ko. Kailangan niya kami. "Pansamantala muna kayong mananatili rito. Kailangan nating makasigurado dahil na rin sa nangyari" napatingin kami sa taong nagsalita. Ang headmistress. "Para saan pa? Kailangan ako nang kaibigan ko! Kailangan ko siyang makita, please" pagmamakaawa ko. Hindi ko na natigilan pa ang mga luha ko. "Alam namin iyon. Pero hindi pa sa ngayon. Nag iimbestiga pa ang mga pulis at gusto ko rin kayong tanungin ng iilang katanungan. Alam kong mahirap pero ganoon rin kami" dagdag pa niya. "May nalaman na po ba kayo?" rinig kong pag uusisa ni Honey. Nang matandaan kong kahapon pa siya nakatingin at nagmamasid kay Lumaran. "Isa ka pa! How plastic can you be! Alam kong napansin mo ang kalagayan nang kaibigan ko kahapon. Bakit, bakit hindi niyo kami tinulungan pakiusapan siya!" lumapit ako sa kaniya at walang pasubaling mahigpit siyang hinawakan sa pulsuhan. "I-I'm sorry" nakayuko pa nitong wika. Mas lalo lang akong nainis sa inasal niya. How, how could they not help us. This wouldn't happen. "H-How could you all do this!" pagsisigaw ko. I look at them, lahat sila ay nakayuko at nagluluksa. No, they're all fake. They should've help us. "Jessa, tama na" rinig kong wika ni Medidas. "Nasaktan rin kami. Nawalan rin kami nang kaklase, hindi lang kayo. Kaya please" dagdag pa nito. Nasaktan? Tss, hindi ko na kaya ang mga naririnig ko. "Talaga? Kung makaasta kayo ang babait niyo? Kung sa bagay, diyan kayo magaling ang magkunwari. You think kaya niyong itago ang mga nakaraan niyo? Puwes hindi. Huwag ako ang lukohin ninyo" kahit pa paulit ulit nilang tinatawag ang pangalan ko wala na kong pakialam at lumabas sa opisinang iyon. This should've happened. Ricci's POV DAYS have passed pero wala pa rin kaming balita kay Jessa. At pagbibigay respeto sa nangyari kay Khryzzia, iilan ring estudyante ang nag alay nang mga bulaklak sa may veranda nang mismo naming building, napakasakit kong iisipin na isa sa matalik kong kaibigan ang wala na at isa sa aming kaklase ang nawala. Simula nang magkasagutan sa opisina ni Miss Eva ay ni hindi namin siya nakita. Ni hindi rin ito pumunta at bumisita sa pamilya ni Lumaran para makiramay. I know she's in pain, we all are. Ni wala ring kaming halos makuhang impormasyon sa mga pulis. Ang tanging alam namin ay suicide ang nangyari dahil sa hindi malamang kadahilanan. Gusto man naming malinawagan ang mga magulang ni Lumaran pero hindi rin namin magawa. Kailangan naming sumunod sa batas. Ang batas na maaaring maging rason at batas na magpapahirap sa aming lahat. Flashback. "Jessa!" pagtawag ko pero ganoon na lang ang pagtigil sa amin ni Miss Eva. "Hayaan niyo muna siya " aniya. Wala kaming nagawa kundi ang manahimik at damdamin ang sakit na aming nararamdaman. "Khryzzia" napatingin kami sa gawi ni Miss Eva na napakaseryosong nakaupo sa kaniyang puwesto. "That was her name. May alam ba kayong magiging rason kung bakit ito nangyari?" panimula pa ni Miss Eva pero lahat kami ay natahimik. Walang nakakaalam sa amin kung bakit at sa anong rason niya iyon nagawa. Maski kaming mga kaibigan niya ay nabigla ni wala kaming nagawa. "W-Wala ho kaming alam, Miss Eva" aniko. "Ganoon ba. Lubos kong ikinalulungkot ang nangyari. Ayokong maulit pa ang nangyaring ito, kaya kung maaari ay sundin niyo ang batas para sa inyong ikabubuti. This rules was implemented years ago, for your class alone. Mahirap man pero para ito sa inyong kaligtasan" Rules? Nang maalala ko ang handbook na ibinigay nila sa amin nang mapabilang kami sa class S. "Iyon po bang nasa handbook?" wika ni Cyril. "Yes, and please obey the rules" wika pa ni miss Eva habang matiim na nakatingin sa aming lahat. "Obey the rules and your safe" dagdag pa niya. Bakit iba ang nararamdaman ko. "Lubos na ipinagbabawal ang pagbibigay nang impormasyon lalo na sa labas nang eskwelahang ito. What happens here and what you know will stay inside this campus no matter the cost. Not even your family outside in this campus. "You can never trust anyone. Obey those rules and you'll be safe and so is your family. The less they know the better" we can't even trust our parents now? Anong klaseng batas ba ito? "Pero hindi ba mas mabuti kung alam nila ang nangyayari sa loob nang campus?" wika pa nila Vhan. "May punto ka pero ang batas ay batas. You can never questions these rules. This is for your own sake, I suggest you follow it" iyon lang ang naging pagpapaliwanag na narinig namin kay Miss Eva. Lahat kami ay hindi makapaniwala at hindi maintindihan kung bakit ganoon ang mga batas. Para saan ba talaga iyon? Bakit kailangan naming maglihim. "This is bullshit!" asik ni Dave nang makalabas kami sa opisina ni Miss Eva. "Bakit kailangan nating maglihim sa mga magulang natin?! f**k those rules!" dagdag pa nila Mathew. "Ano bang ikinatatakot nila na lumabas ang balitang hindi nila kayang panindigan ang pagbabantay sa kanilang mga estudyante at nangyari ang mga bagay na ito?! Takot ba silang masira ang reputasyon nila? " asik pa nila Vhan. Tama sila. How could they make up those rules just for their sake. This isn't right. End of Flashback. SIMULA  noon ay halos hindi na namin maikuwento at makausap nang maayos ang mga magulang namin tuwing maitatanong nila ang tungkol sa nangyayari sa loob nang paaralan. Tama ba talaga ito? Ang paglilihim? Walang imik akong tumulong sa pagliligpit sa mga basong nagamit nang iilang bisita sa pakikrramay nang iba. Ganoon rin ang ginagawa nang iba naming kaklase. Nang makarating ako sa kusina, nakita kong masinsinang nag uusap ang mga magulang ni Lumaran kaya hindi ko magawang pumasok kaagad. "Malaki laki rin ang makukuha natin" ani pa ng Papa ni Khryzzia. "Oo, kahit ganoon ang batang iyon may pakinabang rin naman pala ang isang iyon. Hahaha, hindi nasayang pagpapakamatay niya" doon ako natauhan, halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bakit ganoon? Totoo ba ang mga narinig ko? H-Hindi maaari! "Ricci?" napatingin naman ako sa nagsalita. Hindi ko na napigilan pa ang luhang namumuo sa aking mga mata at walang pasubaling yumakap sa kaniya. "Shhh, ano bang nangyayari sayo? Ayos ka lang ba?" ni hindi nako nakasagot. Mas humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya at umiyak na lamang. No, it has to be a lie! Hindi namatay ang kaibigan namin para lang sa perang makukuha nang pamilya niya! Hindi! She didn't die in vain! She didn't! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD