CAPITOLO QUATRO

1198 Words
CAPITOLO QUATRO - The Beginning Honey's POV ANO BA naman to, malelate nako. Ni hindi ko man lang namalayan yong alarm clock. Dali dali akong nagtungo sa classroom pero napatigil ako nang makita si Lumaran na nakatunganga lamang habang naglalakad sa gitna nang hallway. "Lumaran!" tawag ko. Bahagya lamang siyang lumingon at pilit na ngumiti. Ano naman problema nito? "Ayos ka lang ba? Ang tamlay mo ah?" aniko. "A-Ayos lang ako" hindi ko na rin siya inusisa pa. Hanggang sa makarating kami sa classroom ay napakatahimik niya. Ni hindi siya nakikipagsabayan kina Jessa, Kris, at Ricci. Nasa upuan lang ito at tila napakalalim nang iniisip. "Hoy! Earth to Honey" kaway kaway pa nila Jessmar sa may pagmumukha ko. "Huh, may sinasabi kayo?" pag uulit ko. "Ba't tulala ka ata?" ani pa ni Jossel. "Wala, napansin ko lang na para bang matamlay si Lumaran. Kadalasan naman kasi, masayahin siya at halos napakaenergetic nito" pagpapaliwanag ko pa. "Ahh iyon ba. Mukha kasing may family problem e. Alam mo naman hindi ba" dagdag pa ni Jossel. Tumango naman ako at hinayaan na lamang. "Anyway, asa ba si Ana?" wika ko. "Aba malay ko ba sa babaeng 'yon. Hinahanap ko nga rin e. Hindi ba niya ipinaalam na hindi siya papasok?" wika pa ni Jessmar. "Hindi e. Nakapagtataka" nakapagtataka talaga, hindi naman yon liliban sa klase nang walang sinasabi sa amin e. Mabilis na lumipas ang oras at lunch break na. Pansin kong pinagtitinginan kami nang makarating kami sa mismong cafeteria. Hinayaan na lang namin. Kaagad na kaming bumili nang mga pagkain pansin kong tahimik lang si Dianne habang nakatingin sa gawi nila sir EN, ang aming history teacher. Weird. Hindi ko nalang pinagtuunan nang pansin, nagpatuloy lang ako sa pagkain at bahagyang nag iisip nang susunod kong isusulat estorya. "Tapos kana? " rinig kong usisa nila Jessa kay Lumaran. Dahil nga nasa unahan lang ang table nila sa kinauupuan namin, rinig na rinig namin ang pinag uusapan nila.  Tumango lamang si Lumaran ganoon pa rin matamlay pa rin siya. HOURS passed and it was just an ordinary day until I didn't expect what happen. Hindi ko alam pero may bumabagabag sa isipan ko. Mabuti na rin at tapos na ang klase kaya kaagad akong lumapit sa kinaroroonan nil Jessmar. "Sabay na tayo umuwi, guys" pagyayaya ko. "Sure" napangiti naman ako. Nang matapos na naming ayusin ang mga gamit namin ay umuwi na agad kami. "Kainis ang bruha na yon ah lumiban nang hindi nagsasabi" pagmamaktol ni Jessmar. "Hahaha, hayaan mo na" wika pa ni Jossel. Hindi lang pala ako ang nag iisip kay Ana. "Oo nga pala, yong sa English kanina I'm so proud I got a perfect score!" pagsasay Pa nila Julius. Nang matauhan ako. "Oh s**t! sandali lang muna. Nakalimutan ko isasauli ko nga pala ang librong hiniram ko kahapon sa library" kaagad kong hinanap ang libro sa bag ko at laking pasasalamat kong nabitbit ko iyon. "Ayan kasi" "Shoo, isauli muna ang ingay mo" wika pa nang tatlong bakla. Inirapan ko naman sila at nagpaalam muna. Sandali lang rin naman ito dahil magsasauli lang naman ako nang libro. Habang tinatahak ko ang daanan papuntang library ay may nakita akong estudyanteng papasok sa opisina ni sir EN. Teka, bakit parang familiar ang babaeng iyon. Luminga linga pa ito sa paligid na para bang sinusuri nito ang palagid at naninigurado. f**k, hindi ko makita nang maayos. Naman kasi e, ang layo naman niya pero sa hindi malamang kadahilanan ay dinala ako ng aking mga paa sa opisina mismo ni Sir EN. Ano bang ginagawa ko rito? Nasisiraan na siguro ako ng loob. Aalis na sana ako nang mapansin kong bukas nang bahagya ang pinto at bumungad sa akin ang likuran ng babaeng estudyante habang napakalapit nang mukha ni sir EN rito na bahagyang inaamoy ang buhok nito. What the. Ganoon na rin ang pagkagulat ko nang masilayan ang unipormeng suot nito katulad ito nang sa amin. Kaya hindi ko maiwasang mas lumapit pa sa pinto kaya laking pag iingat ko na hindi nila mapansin pero ganoon na lang ang pagkabigla ko nang mahulog ang librong hawak hawak ko. "f**k" "Sinong nandiyan?!" bakas sa boses ni Sir EN ang pangamba at galit. Pero nakakatakot ang itsura niya, napakaitim nang aura niya at nang pagkataong pinapakita niya. Ibang iba sa nakakasalamuha namin sa klase.Fuck, f**k. Mabilis kong pinulot ang libro at tumakbo papaalis sa lugar na iyon. Walang pakundangang pawis ang tumatagaktak sa aking katawan habang habol habol ko ang aking hininga. Sino ba ang babaeng yon? Magkaaanu-ano sila ni sir EN? "Oy dai" tila ba kumabog nang husto ang puso ko nang may biglang humawak sa braso ko. "waahh!" halos pagpapaluin ko nang libro ang hinayupak. "Aray! Ano ba!" teka, ang boses na yon ah. Nang maimulat ko ang aking mga mata nakita ko si Jessmar na ang sama nang tingin sa akin. "Ang oa mo ah, anong nangyari sayo?" ani ni Julius. "W-Wala. Sorry nga pala don ah, ikaw naman kasi bakla e, nanggugulat ka" wika ko pa. "Gaga, ikaw nga tong nang hahampas nang libro oh" nginitian ko na lamang siya. "Ano, mukhang nakalimutan mo ata ang ipinunta mo sa library. Ano yong palusot mong magsasauli tapos ni hindi mo lang man isinauli" pagtataray pa ni Bengle. Oo nga pala, nakalimutan ko dahil sa pagmamadali ni hindi ko namalayan nakabalik na pala ako sa kinaroroonan ko kanina. "Ah e, hehehe. Bukas nalang sirado na e" pagpapalusot ko. Tinignan lang muna nila ako saglit bago nag aya nang umuwi. Talagang hindi mawala wala sa isipan ko ang eksenang iyon kanina. What was that? HANGGANG sa pagsabit nang umaga akala namin magiging maayos ang takbo nang panahon para sa aming lahat pero isang pangyayaring hinding hindi namin makakalimutan. Isang oangyayaring nagdulot nang sakit at pighati sa aming lahat. "Ahhh!!!" Halos hindi ko mapigilan ang luhang nagbabadya sa aking mga mata. Halos sigaw at paghihinagpis ang mga naririnig ko. "Hindi! Hindi! Lunaran!!!!" pagsisigaw nila Jessa, Kris at Ricci. Halos pinipigilan sila nang mga pulis at iilang guro habang dahan dahang inaalalayan ang walang buhay na katawan nang aming kaklaseng si Lumaran. She was found hanging on the veranda of our building. She was found dead. "Hindi 'to dapat nangyayari" iyon ang wikang lumalabas sa aming mga bibig. "Bakit?" "Hindi 'to totoo" "She was alive yesterday, she was with us. Hindi to maaaring mangyari!" Tama sila, bakit. Bakit to nangyari? Bakit niya to nagawa? Ni hindi ko man lang siya kinausap kahapon. I was stupid! If only I knew! If only! Ako ang nakapansin sa kaniya kahapon, I should've said something to her! This shouldn't happen. Halos napakasakit tignan ang walang buhay niyang pigura na napakaputla at ang iilang sugat na nasa kaniyang kamay. Hindi ko magawa pang tignan siya nang matagal, habang nakapikit ay paulit ulit kong sinisisi ang sarili ko. Napakuyom na lamang ako sa galit at lungkot na nararamdaman ko. "Death is only the beginning" walang pasubali akong napamulat at nabaling ang aking atensyon kay Ana. "She's now gone. We can't change the fate" oo tama ka pero kung may nagawa man lang sana tayo maaaring natigilan pa natin ito. Bakit ba to nangyayari? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD