CAPITOLO UNO - CLASS PICTURES AND. Questions
Vhan's POV
SECOND day of class nag anonsyo na magkakaroon nang class pictorial, kaya naman kaniya kaniya kaming paghahanda.
"Class S, tayo ang mauuna kaya maghanda na kayo at siguraduhing nakaayos na ang lahat. Cyril, do make sure everyone is present and prepared before the pictorial will start" pagpapaalala pa ni Si Nalson.
"Guys, narinig niyo si sir. Maghanda na kayo tayo ang mauuna" pag uulit pa ni Cyril. Kaya naman konting pulbos at konting pag aayos nang buhok at pagpapapula nang labi, ayos na. Medyo nagkakagulong pa nga kami dahil dalawa lang ang salamin at hindi pa ganoon kalaki kaya naman halos magsiksikan na kami.
"Omg, excited nako mag pictorial" aniko.
"Oo nga e, tapos ilalagay pa na natin sa board ang magiging pictures natin kagaya nang mga naunang batch sa atin" ani pa ni Lealin. Oo nga, pero kakasya pa ba? Sa tingin ko ay puno na ang nasa board dahil ang iba ay naglalakihan ang litrato. Doon ko lang napansin na tig dadalawang taon lang tumatagal ang nagiging adviser nang Class S at napapalitan kaagad ito.
"Vhan! Tara na daw!" pagtawag pa nil Justine at Kayla sa akin kaya naman isinawalang bahala ko na lang iyon.
"Teka, sa open field pala tayo kukunan? " aniko. Dahil nasa labas lang kami nang building at nakahilira na rin ang mga bangko sa tapat nang malaking puno na malapit sa building mismo namin. Ako lang ba o napakaweird nang background namin. Just think an old tree as our background? Di bale na nga.
"Okay, girls dito sa mga bangko. And boys, sa likod kayo bigyan niyo nang espasyo sa gitna si sir" pag uutos pa ni Cyril. Kaagad namin kaming nagkaniya kaniyang pumunta sa mga puwesto namin.
"Handa na ba sir?" pagtatanong nang photographer.
"Sandali lang po" ani pa ni sir at siniguradong present ang lahat at nakaayos.
"Nakakaexcite naman" masaya pang wika ni Elgane. Ilang sandali pa ay nagsimula nang kumuha nang litrato.
"Isa pa" ani ng photographer.
"Okay, ayos na po ba?" pagtatanong nito kay Sir.
"Isa pa, oh anong gusto niyong pose?" pagtatanong pa ni sir na ikinatuwa namin.
"Wacky!" suhestiyon pa nila Dave.
"Hahaha, sige sige tapos Almadin pose tayo !" dagdag pa nila. Napatawa nalang kami at naging wacky nga ang susunod naming mga pose sa litrato.
"Okay, salamat po" wika pa ni Sir. Aalis na sana kami nang sunod sunod na nagflash ang camera.
"What the!"
"Ano bang nangyayari?" sunod sunod naming reklamo ang sakit na sa mata.
"Pasensiya na pero nagluko bigla ang camera" natatarantang wika nang photographer at nakita naming mabilis na tinulungan ito ni Sir. Halos hindi kami makagalaw sa kinatatayuan namin at napatabon sa aming mga mata. Tumagal rin ito nang ilang segundo bago pa nawala.
"What was that?" aniko.
"Ayos lang ba kayo?" pagtatanong ni sir. Tumango naman kami.
"P-Pasensiya na talaga" paghingi pa nang tawad nang photographer. Naging maayos naman ang kinalabasan nang class picture namin kahit na nagloko ang camera kanina. Ang cute nga namin nong nag wacky na kami, ang sasaya namin tignan lahat ay nakangiti. Doon ko lang napansin, nakapulang T-Shirt lang si sir kaya agaw pansin talaga ito na nagbubukod tangi. Di bale, finally we have our class picture.
###
GRABE ilang araw palang namin pero kung makabigay ng mag requirements at activities ang mga subject teachers namin ay wagas. Naku, nasisira ang beauty ko mga litse kasi e. Tapos PE pa namin ngayon na halos tirik na tirik ang araw.
"Omg, is that Nami?"
"Oo nga, nandoon rin sina Dave, Trever at Matthew"
Rinig kong nagtitilian ang mga babae sa ibang class. Base from their PE uniform class D sila. This is unusual na may mga kasabay kami sa mga activities.
Ito namang mga boys namin, hala ayon nagpapacute ang mga gago. Mapansin kong may mga papalapit na mga babae. Hindi nako nagtaka, halos ang mga ito ay nagpapakuha nang litrato kasama sila Nami. Tss.
"Tss, akalain mo nga naman" napalingon naman kaming lahat sa nagsalita. Pagkakatanda ko sa kabilang faculty naka assign ang mga teachers na ito. Mukhang napadaan ata sila rito sa amin. Hindi na rin namin maiwasang marinig ang mga pinagsasabi nila dahil nakasunod lamang kami sa kanila sa paglalakad habang tinatahak namin ang daan papuntang field.
" Mas pipiliin ko ang magturo na lamang sa isang regular class kaysa sa klaseng iyon" dagdag pa nang isang guro.
"That class is doom no matter what. They didn't know that class S is for show. Chosen students my ass" pangungutya pa ng isang guro na tanda ko ay si Mister Patrick. Ang class adviser nang Class E.
"Aba sumosobra na ata sila ah" rinig kong sambit ni Matthew.
"Tabi!" halos mapanganga ako nang makita naming nasa unahan na si Dave at walang pasubaling sinabi ang katagang iyon sa mga guro.
"That idiot!" asik ko. Pero ang hindi namin inaasahan ay ang naging reaksyon ng mga guro nang makita nila ang pogura ni Dave sa kanilang likuran. Akma pang pangangaralan ni Sir Patrick si Dave pero tila ba napako ito at pipi nang makita ang walang emosyon na mga tingin at ekspresyon ni Dave. They mess with the wrong class. It was bad enough na narinig iyon namin.
"Dave! That's enough, let's go" pagtawag pa ni Cyril ang mistulang class President namin. Walang takot niyang hinila si Dave at humingi nang tawad.
"M-Mga walang galang nga naman!" iyon ang huli naming narinig bago tuluyang umalis ang grupo nila sir Patrick.
"Dave, that was--" bago pa man matapos ni Cyril ang sasabihin nito ay nagsalita si Dave.
"Tss, wala akong pakialam sa pangangaral mo ngayon. In the first place, I didn't do it because I didn't respect them, I did it because that was below the belt" kilala namin si Dave, he may be a bad boy but he's the most over protective guy if it's about our class.
Lumipas ang oras at naging payapa naman ang mga sumunod na gawain. Pero bakit ganoon, may bumabagabag sa kaloob-looban ko. Napatingin na lamang ako sa langit na dahan dahang nagdidilim.
FACULTY OFFICE
"Mga walang galang! " pagwawala ng isang guro. Paulit ulit itong nagrereklamo sa harap nang nakakataas.
"Huminahon ka, Mr. Cuen. Kailangan sila nang ating paaralan"
"Head mistress, ang mga estudyanteng iyon ang magdadala nang katapusan sa ating lahat. Naging bulag tayo noon spaat na iyon" suhestiyon nito pero isang seryosong titig lamang ang iginawad nang punong guro kay Mr. Patrick Cuen. Isang titig na may awtoridad.
"This is my order, no one interferes with those students. They are the key...the answer through everything"
Hanneh's POV
TAHIMIK lang ako habang nilalasap ang pagkaing iniorder ko. Kasama ko ngayon si ate sa cafe na tinatrabahuan niya.
"Hanneh?" pagtatanong ni ate dahilan na mapatigil ako sa kakakain.
"Bakit ate?" wika ko. Ilang sandali pa bago siya sumagot.
"Hindi ba nabanggit mo na napasali ka sa Class S?" napakunot naman ang noo ko sa naging tanong niya.
"Oo bakit?" wika ko. Pansin kong tila nagdadalawang isip siyang magsalita. Pero ngumiti lamang siya.
"Ganoon ba" wika niya habang nakangiti.
"Oo nga pala, kamusta na si sir Nalson? Ayos lang ba siya?" wika ni ate. Nakalimutan ko na isa rin si ate na nagtapos sa Pandemonium East High at may kakila rin siyang dating taga Class S, si Kuya Shun.
"Ayos lang naman. I don't know, he's such a neat freak unang araw palang oral na agad" narinig ko pang naoatawa si ate sa sinabi ko pero isang emosiyon ang hindi ko makakalimutan. May bahid nang lungkot ang kaniyang mga mata.
"Ganoon ba, mabuti naman. Hanneh?" wika pa niya.
"hmm?" aniko.
"You and your classmates didn't do anything stupid did you?" napatigil naman ako sa sinabi niya. I don't want to over think what she said, but why do I get the feeling it has more than what she have said.
"Wala naman, bakit ba ate?" nagtataka kong ganti sa kaniya. She just looked at me straight before speaking.
"Wala naman. Be careful okay?" nanliit naman ang mga mata ko kasabay nang pagkunot nang noo ko sa sinabi ni ate. Weird.
"Oh sige, kumain ka muna diyan. Tatapusin ko muna trabaho ko at uuwi na tayo" pagpapaalam ni ate. Kaya naiwan akong malalim ang iniisip o nagiging paranoid lang ako. Ito kasi si ate, may mga ganoon ganoon pang linyahang nalalaman.
Inilabas ko ang manual book nang class namin. Why do we need to follow this rule, even the head mistress herself ruled the meeting earlier. But what bothers me the most is as if the rules doesn't concern us.
Why do we need to follow such rules?
For what purpose?