CAPITOLO DOS - SUICIDE
Xyra's POV
NAGING abala kami sa mga sunod sunod gawain nitong mga nakalipas na linggo. Mabuti na lang at naisipan nang iilang teacher namin na hindi pumasok.
Mabuti nalang dahil nandito kami ngayon sa library at nakakapagpahinga. Napansin kong tahimik na si Leah na nakasubsob ang mukha sa lamesa, tulog na ata. Si Hara naman abala sa pagbabasa habang si Charity naman walang ganang nagtitipa sa cellphone niya.
"Kukuha lang ako nang bago" pagpapaalam ko. Pansin kong halos kaming seksyon lang ang naririto sa library. Class hours rin kasi nang ibang class. Nang mapadpad ako sa fiction ay nadatnan ko si Miss Joy at ang librarian nang school na nag uusap nabg masinsinan kaya minabuti kong lumayo na lamang pero ang mga katagang narinig ko ay nakapagpatigil sa akin.
" Nagsimula na ito, Nasya" bakas sa boses ni Miss Joy ang pangamba at takot.
"Joy, natigil na iyon. Alam mo yon, wala na ang sinasabi ninyong sumpa! That was long forgotten years ago" halos napako ako sa kinatatayuan ko. Nanatili akong tahimik at nakikinig. Anong sumpa? Nagpapaniwala rin ba si miss Joy sa mga ganoon? Nakalimutan? Psh, dammit!
"Maniwala ka, Nasya. Nagsimula na ang hudyat" teka, hudyat? Anak ng putakte, anong nagsimula? Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa harapan ko.
"Oh, Xy--" kaagad kong tinakpan ang bibig ni Dave. Pinaglihi ba to sa kabote at kung saan saan nanggagaling ang hinayupak na ito.
"Ano bang meron?" aniya nang matanggal ko ang pagkakatakip sa bibig niya.
"W-Wala ka na roon" wika ko. Paulit ulit na sumagi sa isipan ko ang mga binitawang salita ni Miss Joy at ni Miss Nasya.
Nang sumapit ang ala una ay pumasok na kami sa klase, oras na rin sa subject ni Miss Joy. Ibinalewala ko ang mag narinig ko kanina, baka naman may pinapanood silang teleserye ano. Aba malay ko ba.
Ilang minuto pa naming hinintay si miss Joy. Sampung minuto na at wala pa rin siya hanggang sa mapunta ang aming atensyon sa pigurang papasok sa silid.
Tila ba wala siya sa sarili at bakas ang pagod at panghihina sa kaniyang itsura. This is not the usual.
Matapos kaming makabati ay tinapunan niya kami nang tingin isa isa hanggang sa mapunta sa direksyon ko ang kaniyang paningin. Nangungusap ito, halo halong emosyon ang nakita ko pero iilan doon ang aking nakita. Takot at pangamba.
"C-Class" panimula ni Miss Joy.
"Miss Joy, ayos lang po ba kayo?" pagtatanong nang karamihan sa amin. Tumango lamang ito bilang pagtugon sa kanilang mga tanong.
Pero isang nakakatakot na ngiti ang kaniyang ibinungad sa aming lahat.
"Nagsimula na" wika ni Miss Joy. Lahat kami ay napako sa aming mga upuan. Hindi ko maiwasang matakot sa kaniyang mga nanlilisik na mga mata mas lalo pang lumalama ito nang ilang beses niyang paluin nang stick ang black board. Halos umalingawngaw ang ingay nito iilan sa amin ay napatakip nang tainga. Nagsunod sunod pa ito, labinlimang beses niya ito ginawa bago tumigil at inilabas ang iilang papel sa kaniyang folder.
"Papel natin iyon" rinig kong wika ni Pauline.
"Fifteen. Fifteen." paulit ulit na sambit ni Miss Joy.
"M-Miss Joy?" mahina kong wika sa aking kinauupuan. Ano bang nangyayari sa kaniya?
"Hinding hindi niyo na matatakasan pa. Nagsimula na" kasabay nang pagbitaw niya nang mga salitang iyon ang pagpunit nang aming mga papel.
"Miss Joy!" tila ba nawawala na siya sa kaniyang sarili. Halos pinipigilan na siya nila Dave at Matthew.
"Dammit! Tumawag kayo nang makakatulong!" singhal nila Dave. Kaagad naman na tumakbo papalabas sila Cyril at Arlyn.
Halos pinipilit na namin siyang pakalmahin pero ganoon na lang ang pagkagulat ko nang kumawala siya sa pagkakahawak nila Dave at bigla na lamang tumigil sa aking harapan. I can see fear, hopelessness and pain in her eyes.
"Alamin niyo, alamin niyo kung sino siya" napapikit ako sa sakit nang bigla siyang napahawak sa magkabilang braso ko at walang pasubalit na bumaon sa aking braso ang kaniyang kuko.
"Ahh!! Bitiwan niyo po ako!" pagwawaklis ko sa kaniya pero mas lalo lang lumakas ang pagkakahawak niya sa akin.
"Xyra!" mabilis na nahila at naigapos nila Dave si Miss Joy. Pansin ko ring nakarating na ang iilang guwardiya. What was she thinking? Anong pinagsasabi ni Miss Joy?
"Ayos ka lang ba?" kaagad naman akong natauhan nang makita si Nami at sinusuri ako. Tumango na lamang ako. Sa huling beses ay binalingan ko nang tingin si Miss Joy na pinapakalma nang mga guwardiya at naroon na rin ang iilang mga guro na kumakausap sa kaniya.
"Bhes! Ayos ka lang ba?"
"Oh my God! Your shoulder!" sunod sunod nilang wika. Doon ko lang namalayan ang hapdi at iilang sugat dahil sa pagbaon nang kuko ni Miss Joy.
"Pumunta na muna kayo sa clinic at magamot iyan" kaagad naman akong napatango nang makita si sir Nalson sa mismo naming harapan.
"Yes sir" ano bang gustong ipahiwatig ni miss Joy? At saka, ano namang kinalaman nang number 15 sa pinagsasabi niya? At saka, sino ba ang tinutukoy niya?
Aish, nakakainis. At bakit ganoon nalang ang akto niya kanina?
Cyril's POV
HINDI ko maiwasang mag-alala kay Xyra pero alam kong ayos lang naman siya. Rinig ko rin ang iilang ulit na pagmumura ni Dave dahil kanina pa nito gustong umalis. Iilang minuto na rinkaming nanatili rito sa opisina ni Miss Eva ang headmistress nang school na ito.
"Pagpaumanhin niyo ang inasahan niya sa harap niyo. Huwag kayong mag-alala, for now, Miss Joy will be on leave until her condition will be better. Thank you for letting us know sooner" pagpaumahin pa ni Miss Eva. Noon pa man, nagbibigay na talaga nang kakaibang pakiramdam si Miss Eva tuwing nakikita namin siya. All the authority, superior and perfection can be seen.
"W-Walang anuman po, Miss Eva. Nagbigla lang rin kami sa nangyari" wika ko.
"I know, we all do. Thank you, Cyril. You may go now" kaagad naman kaming umalis.
Habang naglalakad sa hallway pansin ko ang iilang guro na nagkukumpulan.
"That's it, Miss Joy is crazy. Ikaw ba naman kasi mapili at maassign sa Class S. "
"Ano ka ba, nagsisimula na naman ang mga kababalaghang nangyayari sa kalseng iyon"
"Akala ko ba natigil na?" iyon ang halos narinig ko sa kanila. Napakunot naman ang noo ko sa mga pinagsasabi nila. Pati ba naman sila? Ni wala man lang silang pag-aalala kay Miss Joy? Ano bang nangyayari?
KINABUKASAN ay tila isang normal lang na araw. Magkasabay kaming dumating ni Arlyn sa school dahil magkalapit lang rin ang bahay namin.
"Cy, sa tingin mo ano bang ibig sabihin ni Miss Joy sa mga pinagsasabi niya?" pagbukas pa nang topiko ni Arlyn.
"Hindi ko alam. Siguro stress lang si ma'am?" wika ko pa.
"Hahaha, ewan ko sayo. Sino na kaya ang papalit pansamantala kay Miss Joy? Sana naman wala nang mangyaring ganoon" wika pa ni Arlun. Sumang ayon naman ako sa sinabi niya, kung sino man ang papalit pansamantala ay sana maayos naman.
"Alam mo bang may mga pulis na dumating?"
"Bakit raw?"
"Aba malay ko ba"
"Basta ang iilan ay dumaan sa office ni Miss Eva pero ngayon nandoon na sila sa Class S"
"Teka, hindi ba napapasama.sila sa Class S?"
"Omg, tara na"
Halos hindi ko maiwasang tignan ang iilang mga estudyanteng nagbubulungan pero rinig mo naman. Tss.
"Ano na naman ba problema nila sa atin?" inis kong asik.
"Hayaan muna sila. Nagtext si Xyra ngayon lang, kailangan na nating pumunta sa classroom" kaagad naman kaming nagtango sa classroom at ganoon nalang ang pagkabigla namin nang makita ang mga pulis.
"I guess nandito na lahat. Maupo na muna kayo" wika pa nang isang police officer. Kilala namin siya, siya ang ama ni Nami. Ano naman kayang meron?
"Ano pong meron?" panimula ko.
"Ikinalulungkot kong sabihin na wala na ang isa ninyong guro si Miss Joy Redalgo" anito.
"Ano?"
"B-Bakit?"
"Paano, kahapon lang nakasama pa siya namin!"
Sunod sunod na wika nang mga kaklase namin. Paanong nangyari iyon?
"It's the truth. We have the permission from your Principal to tell you this. We find her earlier at her house. She killed herself, you must notice for the las few days her behavior has changed" pagpapaliwanag pa nito sa amin. She killed herself? Why?
"We're sorry"
Why is this happening?
Someone's POV
"THAT'S it! Fear it. This is only the beginning and will be your lasts" iyon ang mga salitang binitawan nito habang nakakalat ang mga litratong ng bawat estudyante nang Class S.
"Who is the uninvited? Hell is coming"