Chapter 1

1165 Words
Chapter 1 Lyhanne Gustillo’s Pov NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa isang masamang panaginip. Napatingin pa talaga ako sa paligid dahil akala ko talaga ay totoo ang nangyari sa akin. Napahawak pa talaga ako sa leeg ko dahil naalala ko ang nangyari sa akin. Sinakal lang naman ako ng lalaking sinipa ko nong nakaraang linggo. Ilang araw na din ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari. Hindi ko naman sinasadya na sipain ang itlog niya. Wala lamang talaga akong choice. Ayaw ko namang makulong kaya naisip ko ang paraan na yun upang makatakas ako at hindi sa kulungan ang bagsak. Ang bata-bata ko para makulong kaya ginawa ko ang lahat para lang matakasan ang lalaking yun. Pinagdarasal ko na sana ay hindi na kaming magkita muli pero palagi ko naman siyang napapanaginipan at sumisigaw ng hustisya sa panaginip ko. Pagbabayaran ko daw ang pagsipa ko sa itlog niya. Napalimos na lang talaga ako sa palad ko sa sobrang stress ko sa lalaking yun. Palagi ba naman akong dinadalaw sa panaginip. Lagi tuloy akong kabado kapag lumalabas ako ng bahay. Baka kasi may nakakakilala sa akin. Baka pinapahanap ako ng lalaking yun at may pabuya pa talaga. Kaya natatakot akong lumabas ng bahay. Pero hindi naman pwede dahil estudyante ako. Bawal akong umabsent. Mas gugustuhin ko pang pumasok sa school kaysa tumambay dito at marinig ang stepmother kong armalite ang bibig. Nag asawa kasi si papa ko ulit at nagkaroon sila ng anak na dalawa. Kahit ayaw ko ay wala naman akong magagawa sa gusto ng papa ko. May anak din naman ang babae sa ibang lalaki, babae din ang anak niya pero hindi kami magkasundo. Ang pinapansin ko lang din ay yung dalawa kong kapatid na lalaki pero minsan ay tinuturuan ng masama ng anak ng stepmother ko kaya ayon, pati sila inaaway ako. Hindi naman ako nagsusumbong kay papa dahil alam ko naman na kakampihan lang niya ang bago niyang pamilya. Nagmumukha akong sampid dito sa totoo lang. Pero wala naman akong magagawa dahil hindi ko pa naman kayang umalis sa poder ng papa ko. Nag aaral pa lang ako kaya tinitiis ko na lamang. First year college pa lang kasi ako. Mahaba haba pa ang kailagan kong tiisin bago ako makapagtapos ng pag aaral. Balak ko sana ay two years lang ang kukunin ko pero ang papa ko ay nagpumilit na four years daw. Pero nagagalit kapag hiningian ng baon dahil sinulsulan ng stepmother ko. Kaya naisipan kong mag ipon. Gumawa din ako ng paraan para hindi lang sa baon ko manggaling ang ipon ko. Naglabas lang ako ng puhunan saka ako gumawa ng merienda na alam kong magugustuhan ng mga classmate ko. Walang hiya-hiya lalo na kapag mukhang pera. Kung ang ibang estudyante ay nahihiyang magbenta, ako hindi. Pati nga panties at brief ay nagbebenta ako sa school. Kaya nga ang ibang department ay kilala ako dahil sa akin sila bumibili. Sabi nga nila ay gusto ko daw yata talunin ang mga nagbebenta sa canteen. Bumangon na lamang ako sa higaan ko at nag inat ng katawan. Sinampal sampal ko pa ng mahina ang pisngi ko para magising ako ng tuluyan. Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Actually, meron naman kasi ang P.E namin ay sabado. Pero sinabi ni proof sa’min kahapon na wala daw kaming pasok ngayon dahil may pupuntahan daw siyang importante kaya next saturday na lang kami magkikita. Iniisip ko nga kung saan ako pupunta ngayon. Ayaw ko kasing tumambay dito sa bahay namin. Sigurado kasi akong pagagalitan na naman ako ng nanay-nanayan ko. Agad kong inayos ang higaan ko saka ko naisipan lumabas ng kwarto. Nang makalabas ako at bumungad agad sa akin ang mukha ng kunwari kong kapatid. Yung bahay kasi namiin ay maliit lang pero may tatlong kwarto. Bungalow ang style ng bahay namin. Maliit ang sala namin at ang tatlong kwarto ay malapit lang sa sala kaya bungad na bungad agad ang mukha ng hilaw kong kapatid. “Gising ka na pala,” sabi ni Seryth sa akin ng makita niya ako. Ngumiti pa siya pero halata namang peke. “Eh ano naman ngayon kung gising na ako?” Tanong ko naman sa kanya. “Wala kang pasok, diba? Maglalaba ka ngayon. Kaya baka pwedeng isali mo na rin ang sa akin. Aalis kasi kami ni mama mamaya.” Sabi niya kaya pinaningkitan ko siya ng mata ko. “Sure. Ilagay mo lang ang mga labahin mo sa likod bahay at ako ng bahala do’n.” Nakangisi kong sabi. Kaya naman pala bagong ligo ang gaga. Aalis pala sila ng nanay niya. “Thanks, Lyh. Bait mo talaga.” Pang uuto niya kaya ngiting plastic ang ibinalik ko sa kanya. Akala niya sa akin uto-uto. Lumabas ang nanay-nanayan ko kaya tinungo ko nalang ang kusina at baka utusan na naman ako. Narinig ko lang ang boses nila na nag uusap. Hindi ko nalang pinansin at nagtimpla nalang ng kape ko. Hindi ko na narinig ang mga boses nila kaya malamang ay nakaalis na ang dalawa. Hindi ko lan alam kung saan nila iniwan ang dalawa kong kapatid. Nang matapos akong magtimpla ng kape ay tinungo ko nalang muna ang likod bahay namin para maglaba habang nagkakape. Lumabas ako ng bahay at agad na naglakad sa likod ng bahay. Napamura ako dahil talagang nilagay ni Seryth ang labahan niya. Punong puno pa talaga ang basket niya kaya agad akong lumapit sa basket at inilapag na muna ang dala kong tasa sa sirang mesa na tinambak dito ni papa. Kinuha ko ang basket at agad na naglakad papunta sa damuhan. Pinaghahagis ko ang mga damit ni Seryth at ang iba ay sumabit pa talaga sa puno. Bahala siya sa buhay niya. Gusto pala niyang ipalaba eh. Ginawa pa akong katulong ng gaga. Akala yata niya mauuto niya ako. Nang matapos ako ay hinagis ko din ang basket sa damuhan para madali niyang makuha ang mga damit niya kapag nalaman niya ang ginawa ko. Bumalik ako sa mesa kung saan ko pinatong ang kape ko. Sumimsim na muna ako ng kape saka ako magsisimulang maglaba. Inagahan ko na ang paglalaba dahil balak kong umalis ng bahay. Hahanap ako ng pwedeng pagkakakitaan ngayong araw para madagdagan ang ipon ko. Ang goal ko ay madagdagan ang ipon ko at hindi mabawasan. Kaya kahit anong mangyari ay hahanap ako ng pwedeng pagkakitaan. Kung pwede ko nga lang ibenta si Seryth ay baka pati siya nabenta ko na. Wala naman kasing silbi sa bahay at nagpapalaki lang ng pvke dito sa bahay. Pero duda din ako, baka kasi walang bumili sa kanya. Aanhin naman kasi nila ang maarteng babaeng yun. Kailangan ko pang mag isip kung anong diskarte ang gagawin ko mamaya. Hindi ko na talaga uulitin ang pagnanakaw na ginawa ko nong nakaraang linggo. Yun ang una’t huli na kumuha ako ng hindi ko pagmamay ari. Natakot talaga ako kaya pinapangako ko na hindi ko na uulitin talaga kahit ano pa ang mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD