Chapter 2
Lyhanne's Pov
PAPASOK na naman ako sa school. Lunes na lunes kasi ngayon kaya kailangan pumasok na naman kahit tinatamad ako.
Bawal akong tamarin dahil kapag hind ako pumasok ay mukha na naman ng nanay-nanayan ko ang makikita ko. Napagalitan pa naman niya ako nong sabado nang malaman niyang tinapon ko ang damit ng anak niyang magaling.
Sinumbong ba naman ako ng bruha nang mapansin niyang hindi nakasampay ang mga damit niya sa sampayan kaya ayon, inaway ako ng stepmother ko. Halos paulanan niya ako ng mura. Pero nang dumating si papa ay kung umasta ay napakabait na tupa. Sa sobrang bait niya kapag nandyan si papa ay kulang nalang hilingin ko na sana kunin siya ni Lord.
Pero naalala ko na masamang damo nga pala siya kaya malabong mawala agad.
Hindi na ako sumakay ng tricycle papunta sa school. Nilakad ko nalang para makatipid ako. Nadaanan pa ako ng musang kong stepsister na nakasakay sa tricycle. Hindi man lang niya ako pinasakay, bagkos ay inirapan lang nya ako. Akala naman niya maiingit ako sa pasakay sakay niya sa tricycle. Exercise nga 'tong paglalakad eh. Panay kasi ang gastos ng bruhang yun. Panay ba naman hinigi kay papa.
May binebenta na naman ako ngayong araw. May binili ako kahapon kaya ibebenta ko 'to sa classroom. Mahilig kasi ang mga classmate ko ng pagkain. Lalo na kapag bored ang klase, patago silang kumakain para lang mawala ang antok nila.
Kaya kinukuha ko din ang pagkakataon na yun para naman kumita ako ng pera.
Umiiwas talaga ako sa gastos kaya kung ano-anong pagtitipid ang ginawa ko. Kailangan ko kasing makuha ang goal ko na makapunta ng Maynila. Mukhang hindi naman kasi ako kailangan ni papa dito sa probinsya kaya sa Maynila na lang ako pupunta.
Ang balak ko kapag nakarating na ako do'n ay maghahanap ako ng work. Kahit ano basta kapalit ay pera. Bahala na kung ano ang mapasukan kong trabaho. Gusto ko din mag apartment kahit mag isa lang ako. Yung tipong sarili ko lang talaga ang iniisip ko. Gusto ko kasing masubukan mamuhay mag isa, yung wala akong iniintindi kundi sarili ko lang.
Malapit na ako sa sakayan ng jeep kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Mas makakatipid kasi ako kapag jeep ang sinakyan ko. 8 lang ang pamasahe, samantalang sa tricycle ay 25 pesos kapag special. Sayang din yun kung sasakay ako. Hindi naman ako katulad ng stepsister ko na feeling mayaman.
Natatanaw ko na ang sakayan ng jeep. Nakikita ko na din ang aso na si Brownie. Kilala ako ng asong 'to dahil tuwing umaga ay binibigyan ko siya ng tinapay na pandesal. Hindi ko talaga nakakalimutan ang asong 'to kaya kapag may tirang tinapay ay dinadala ko at binibigay ko sa kanya.
"Brownie.." tawag ko pa sa aso kaya agad siyang lumapit sa akin. Maamo naman ang aso kaya hindi ako natatakot na kagatin ako.
Habang naglalaro kami ng aso ay binibigay ko na din sa kanya ang dala kong pandesal. Agad naman niyang kinain habang hinahaplos ko ang ulo niya. "Good boy, Brownie. Papasok na muna ako sa school ha! Wag kang mambubuntis ng kapwa mo aso ha!" Sabi ko pa sa aso saka ako naglakad patungo sa sakayan ng jeep.
May pila pero sanay naman na ako. Yakang yaka ko na 'to. May darating at darating na jeep kaya hindi ako natatakot na malate.
Ngunit agad naglaho ang ngiti ko ng makita ko ang lalaking naglalakad sa kabilang kalsada. Kinusot ko pa talaga ang dalawa kong mata upang makasiguro kung totoo ba talaga ang nakikita ko o baka naman namamalikmata lang ako.
Naka ilang beses na akong kusot sa mata ko ngunit nakikita ko pa rin ang lalaking humabol sa akin sa hacienda.
Sakto naman na lumingon siya sa gawi ko kaya para bang nagtagpo ang tingin namin dalawa. Mabilis kong iniwas ang tingin ko at baka maalala niya ako. Sana naman hindi. Langya talaga!
Napalunok ako ng laway at hindi alam ang gagawin. Dapat pala nag tricycle na lamang ako at hindi na nagpumilit pa na sumakay ng jeep eh 'di sana hindi ko makikita ang lalaking 'to.
Sakto naman na may dumating na jeep kaya agad na sumakay ang ibang pasahero na nag aabang. Dahil sa wala ako sa hwesyo ay hindi ako nakasakay dahil naunahan ako ng ibang pasahero.
Napamura nalang talaga ako at kinutusan ang sarili dahil sa katangahan.
Tumagilid nalang talaga ako para hindi ako makilala ng lalaking nasa kabilang kalsada. Ayaw kong mahuli niya ako at baka ipakulong pa niya ako.
Pinagdarasal ko nalang talaga na may dumating na jeep para makaalis na ako sa lugar na 'to.
Tatlo nalang kasi kaming pasahero na nag aabang ng jeep. Malas talaga!
"Hoy!" Bigla akong may narinig na boses ngunit hindi ako lumingon. Ang siga ng boses nito at pamilyar sa akin. Kahit anong mangyari ay hindi talaga ako lilingon.
"Hoy, babaeng paslit!" Sabi na naman ng lalaki kaya nalukot ang mukha ko at mabilis siyang hinarap.
Ngunit napaatras ako ng bahadya dahil ang lapit pala niya sa akin. Nakapameywang pa talaga siya sa harapan ko at magkasalubong ang kilay niya.
"Tama nga ako, ikaw nga yung babaeng pumasok sa hacienda ko." Sabi niya habang masamang nakatingin sa akin.
Pilit kong hinahalukay ang isipan ko kung anong dapat isasagot ko sa kanya. Anong palusot ang sasabihin ko.
Hanggang sa may pumasok sa isipan ko. Wala na akong choice talaga. "Nyah.. nyahh.. nyahh.." sabi ko pa at may pa action-action sa kamay para magkunwaring hindi nakakapagsalita, sound lang. Hindi ko nga alam ang ginagawa ko. Nagmumukha na akong tanga dito.
Agad na kumunot ang noo ng lalaki. "Wag ka ngang magkunwari! Alam kong nagsasalita ka!" Aniya sa matigas na boses.
Tinigil ko ang pagpapanggap ko at napanguso. Bakit kasi nagkita kami nito ulit. Napakamalas ko naman ngayong araw.
"Magbabayad ka sa ginawa mo sa pulang manok ko pati na sa itlog kong binasag mo!" Galit na galit niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko sa takot.
"Brownie.." tawag ko sa aso na binigyan ko ng tinapay. Hindi ko alam kung gagana ba pero kailangan kong subukan.
"Habulin mo ang lalaking yan, Brownie.." sabi ko sa aso at kunwaring pinapaalis ko ang lalaki sa harapan ko.
Tumahol naman si Brownie habang papalapit sa akin. Nang makalapit siya sa akin ay tinahulan niya ang lalaking nasa harapan ko.
Panay tuloy ang tingin ng lalaki kay Brownie at para bang kinakabahan siya. Hindi na magkasalubong ang kilay niya, nakikita ko sa mukha niya na natatakot siya sa aso.
Ang galing pala, dapat pala kaibiganin ko ang mga aso para pwede kong utusan.
"Umalis ka na! Baka utusan ko pa 'tong aso na kagatin yang itlog mong bugok, tanda." Sabi ko naman dahil hindi ko makalimutan ang tawag niya sa akin kanina na paslit daw ako. Porke't matangkad siya, nang aalipusta ng height.
"Anong tawag mo sa akin? Tanda? Wow! Inaasar mo talaga akong bata ka?" Hindi makapaniwala niyang sabi at gusto pa akong saktan.
"Brownie.. habulin mo!" Utos ko sa aso kaya nagulat ako dahil sumunod ang aso at hinabol ang lalaki na kumaripas ng takbo.
"Walangya ka, batang paslit! Magkikita pa tayo! Sisiguraduhin kong himas rehas ka sa akin sa susunod!!" Sigaw niya habang tumtakbo para takasan si Brownie na tumatahol at hinahabol siya.
Tawang tawa naman ako dahil nakaligtas ako ngayong araw. Mabuti nalang at dito kami nagtagpo kundi wala akong backup. Mabuti nalang din at nandito ang aso na binibigyan ko ng pagkain. Niligtas niya ako sa kapre na tanda na may bugok na itlog. Akala niya ha! May pa sabi-sabi pa siyang himas rehas. Neknek niya!
A/N: Sa mga bagong nagbabasa dito sa story ni kuya Nix pa add po sa library ninyo ang story para may matanggap po na notif kapag may update po ako. Salamat po :)