"Diyos ko, anak!" nininerbiyos na wika ni Aling Anita. Nasa labas ito ng bahay at papaalis na sana papuntang trabaho nang matanaw na paparating si Irish kasama si Wilma. "Anong nangyari sa 'yo?" Unang napansin ng ginang ang pamamaga ng talukap ng mga mata ng kaniyang anak na si Irish. "Mano po, Inay." Kinuha ni Irish ang kanang palad ng sariling ina at nagmano saka dumiretso na sa loob ng bahay. Ramdam kasi ng dalaga na may mga tsismoso at tsismosa na nakatingin sa kanila. Nahuhulaan na niya na mayamaya lang ay siya na ang paksa ng usap-usapan sa kanilang lugar. "Mano po, Nanay Anita," wika ni Wilma. Nagtatanong ang mga mata ng ginang. "Wilma hija? Ano ang nangyari?" Mahina ang boses nito na puno ng pag-aalala. "Sa loob na po tayo mag-usap, Nanay Anita," bulong ni Wilma. Tumango si A

