Alas dos na ng hapon pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Irish. Nakahiga lang siya sa kama at iniisip si Marco. Hindi na rin nasundan pa ang tawag ni Helena. Samantala si Aling Anita ay hindi na natuloy sa pag-alis papunta sa trabaho pati na si Mang David. Parehas silang nag-aalala sa panganay nilang anak. Naroon lang sila sa kusina at pabulong kung mag-usap nang sa ganoon ay hindi marinig ni Irish. "Masama ang pakiramdam ko sa nangyayari sa anak natin, David," wika ni Aling Anita. "Anita, kung iniisip mo na hanggang ngayon ay hinahanap pa rin—" Agad na nagsalita ang ginang. "Kailangan nating umalis dito. Masyadong mapanganib para sa mga anak natin lalong-lalo na kay Irish. Lumayo na tayo, David." "At saan naman tayo pupunta, aber? Nakailang lipat na tayo, Anita. Imposible naman

