Chapter 11

1020 Words

Tulog na tulog pa rin si Irish. Patuloy pa rin ang paghaplos ng palad sa buhok ng dalaga. Para siyang idinuduyan sa mga haplos na 'yon dahilan para mas lalong maging malalim ang kaniyang pagtulog. Bumukas ang pinto at mula roon ay pumasok si Helena. Maluha-luha ito sa tuwa nang makitang gising na si Marco at hinahaplos ang buhok ng natutulog na si Irish. Agad din itong lumabas para tawagin ang doktor. At dahil sa sobrang tuwa ay hindi sinasadyang mapalakas ni Helena ang pagkakasara ng pinto. Naging dahilan iyon para magising si Irish. Agad na naramdaman ng dalaga ang paghaplos na iyon kaya agad siyang umayos ng upo. "Sir Marco?" agad niyang wika nang mapansin na naimulat na ng binata ang mga mata. "Gising ka na. Saglit lang po at tatawagin ko ang doktor." Akma na siyang tatayo subalit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD