Ilang araw na simula nang mangyari ang kaguluhan sa mansiyon ni Mayor Hizon at hindi pa rin mapalagay si Patricia. Labis siyang nag-aalala kay Marco. Ilang beses na siyang nagpunta ng ospital para dalawin sana ang dating nobyo subalit maraming tauhan ang nakabantay roon. Hindi siya makapasok dahil kabilin-bilinan ni Helena na huwag magpapasok ng ibang tao maliban sa kanilang mag-asawa. Naiinis siyang isipin na hanggang ngayon ay kontrabida pa rin sa buhay niya si Helena na ina-inahan ni Marco. Ni minsan ay hindi man lang niya ito nakitaan ng pagkagiliw sa kaniya noong sila pa ni Marco. Samantalang si Irish ay puring-puri nito sa harap niya noong gabi ng party. "D*mn that woman!" galit niyang sigaw saka itinapon ang hawak na wine glass dahilan para mabasag iyon. Kanina pa siya nakaupo

