"You have every right to be angry, Rish," mahinang wika ni Marco habang nakatitig sa mukha ng dalaga. Nakaupo ito sa gilid ng kama. "But I won't regret what I did that night." Halos isang linggo na ang lumipas simula nang maospital si Marco. Bumuti na ang kaniyang kalagayan at naghihintay na lang siya kung kailan ma-di-discharge. Si Irish ang matiyagang nagbabantay sa kaniya sa mga nakalipas na araw. "Let's not talk about it, Marco," aniya. Nasanay na siya na tawagin ang boss niya sa pangalan nito. "Ang importante ay nakaligtas ka na sa tiyak na kapahamakan." Tipid siyang ngumiti at pinagmasdan ang tama ng bala sa balikat ng binata. Nakabenda iyon pati na ang kabila nitong braso. May bahid iyon ng dugo kaya napangiwi siya. Hindi talaga siya sanay na makita sa ganoong ayos ang kaniyang am

