"You are so harsh on her," komento ni Irish nang makalabas na sa pinto si Patricia. Nakatayo lang siya sa may paanan ng kama, nakakurus ang magkabilang braso sa harap ng kaniyang dibdib habang nakatingin pa rin sa nakasaradong pinto. "She deserve that." Matigas ang boses ni Marco. Makulit ang babaing 'yon." Lihim siyang nagpasalamat nang tumunog ang kaniyang cellphone. Ibig sabihin ay makakaiwas siya sa pakikipag-usap kay Marco. Isa pa ay hindi niya gusto ang ginawa nito kay Patricia. Tila isang basura ang huli na basta na lang nitong itinapon. For Irish, Marco is a walking red flag. Oo, guwapo ito, may pinag-aralan at tinitingala sa lipunan, subalit hindi iyon rason para mambastos ito ng tao ano mang oras nito gustuhin. Iyon ang pinakaayaw niya sa isang tao. "Hello," saad niya sa ka

