Kabado siya habang naglalakad pabalik sa kuwarto ni Marco. Ramdam niya rin ang pag-iinit ng kaniyang pisngi. Kung kaya niya lang utusan ang sahig na bumuka iyon at lamunin siya ay ginawa na niya. Hindi naman niya intensiyon na sabihin iyon kay Patricia. Ngunit nasukol siya at wala siyang pagpipilian. Naroon kasi sa likurang bahagi ni Patricia si Helena. "Nice job, hija." Hindi mapigilan ni Helena na mapangiti. Hinawakan nito ang braso ng dalaga habang naglalakad. "Did you see her face? Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa." "I pity her, tita," tanging nasabi niya. "I feel like she still in love with Marco." "But Marco loves you," giit ni Helena. "Wala na siyang magagawa roon." Hindi na siya sumagot pa dahil naroon na sila sa labas ng kuwarto ni Marco. Agad iyong binuksan ng

