Sabado ng hapon. Nasa bahay lang si Irish at nagpapahinga. Kahapon pa nakalabas ng ospital si Marco at mamaya ay plano niyang dumalaw sa mansiyon nito gaya ng pangako niya. "I'm glad na nakalabas na sa ospital si Sir Marco," wika ni Wilma. "Sa wakas, hindi na ako magpapabalik-balik sa ospital para alagaan at bantayan si Marco," tugon ni Irish. Kanina pa sila nag-uusap ni Wilma sa cellphone. "Marco?" ulit nito. "First name basis, huh?" panunukso nito. "May dapat ba akong malaman, bes?" Agad na nagsalita si Irish. "Nothing." "E, bakit wala ng 'Sir', aber? Di ba dapat, e, Sir Marco ang itatawag mo sa kaniya?" Uminit ang kaniyang pisngi. Hindi niya kayang sabihin kay Wilma ang mga napag-usapan nila ni Marco sa ospital. Natitiyak niya na puro panunukso ang aabutin niya sa kaibigan niya.

