Kabanata 5
Lugaw
"Sigurado ka ba talaga sa desiyon mo, hijo? Bakit hindi kana lang manatili sa hospital?"
Napatingin ako kay Lola at sa lalaking iniligtas ko sa dalampasigan. Narito kami ngayon sa hapagkainan at kasama naming kumakain 'yung lalaki dahil pumayag si Lola sa 'di ko malamang dahilan. May amnesia ang lalaking ito at mas mapapabuti ang lagay niya kung nasa ospital siya. Bakit ba mas gusto niya rito? Mukha pa naman siya mayaman. Sigurado akong nagmula siya mayamang pamilya.
"Girlfriend ko po siya, hindi ba?"
Muntik ko nang mabitawan ang kutsara't tinidor na hawak ko dahil sa bagay na iyon na kanina ko pa paulit-ulit na nililinaw sa kaniya. Dapat pala ay hindi ko na sinabi sa Doktor na 'yon na girlfriend ako ng lalaking ito. Hindi naman sa ayaw ko kaniya, ayoko lamang magsinungaling.
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na hindi mo ako girlfriend. Single ako 'no!" masungit na sambit ko na ikinatawa ni Lola.
"Why?" nilingon niya ako at tinaasan pa ng kilay.
Kumunot naman ang noo ko. "Huh?"
"Bakit hindi kita girlfriend?"
Napairap naman ako. "E, sa hindi, e! Ano ba'ng magagawa mo roon ha?"
"Apo.. h'wag mo naman siyang pagtaasan ng boses.. Hindi pa mabuti ang kalagayan niya. Hindi naman kita tinuruan na maging masungit sa bisita." saway sa 'kin ni Lola.
Nagkibit balikat naman ako bago binalingan ng atensiyon ang pagkain ko.
"Talaga po bang hindi niyo ako ano ano?" binalingan ko ng atensiyon ang lalaking kaharap ko at napansin ko kaagad ang malungkot na ekspresiyon ng mga mata nito.
Umiling si Lola. "Hindi, hijo. Nakita ka lamang ng Apo ko sa dalampasigan... Wala ka ba talagang naaalala na kahit ano? Wala ka bang nakuha na kahit na ano sa damit na suot mo?"
Napayuko naman 'yung lalaki, kita ko ang bahid ng kalungkutan sa mukha niya. Dahan dahan siyang tumango. "Nakakalungkot ngunit wala po talaga akong maalala na kahit ano. Kahit pangalan ko ay hindi ko alam.."
Bigla tuloy sumagi sa isip ko iyong singsing. Sigurado ako na sa kaniya iyon. Hindi ko maisip kung dapat ko ba iyong ipakita sa kaniya o hindi. Nag-aalala ako sa magiging reaksiyon niya.
"H'wag mong pilitin ang sarili mo, hijo. Baka sumakit lamang ang ulo mo. Hindi ka pa naman masyadong magaling."
Pagkatapos naming maghapunan. Nagpaalam sa 'kin si Lola na magpapahinga na siya kaya ako na raw ang bahala sa bisita namin. Nailigpit at nahugasan ko ang mga pinagkainan namin. Nang mapadaan ako sa sala, napatigil ako nang makita ko siyang nakadungaw sa bintana.
Mula sa kinatatayuan ko, kitang kita ko ang malapad siyang likod at braso. Gumagalaw ang magkabila niyang balikat sa tuwing magpapakawala siya ng buntong hininga. Ang tangkad niya pa at ang shiny ng buhok niya. Ngayon ko lang napansin ang mga bagay na iyon. Hindi ko alam kung ilang taon na siya, pero sa tingin ko ay mas matanda siya sa 'kin.
"Anong tinitingnan mo diyan?" taas kilay na tanong ko. Nakapasok na ako sa kwarto ni Lola upang ikuha siya ng kumot at unan at pagbalik ko 'y nakadungaw pa rin siya doon. Ano kaya'ng iniisip nito?
Hinarap niya ako at tipid siyang ngumiti. "I was just looking outside. This place isn't familiar to me.. Ano nga ba ulit ang tawag dito?"
"Isla Lefevre--" hindi ko na nagawang tapusin ang sinasabi ko nang bigla niyang hawakan ang ulo niya gamit ang dalawang kamay niya. Nalukot ang mukha niya dahil sa sakit na nararamdaman habang unti-unti siyang lumulupagi sa sahig at magpakawala ng mga sigaw.
Mabilis kong inilapag ang mga dala ko sa lamesa at nag-aalala akong dinaluhan siya. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko alam kung dapat ko ba siyang hawakan.
"A-anong nangyayari sa 'yo?!" sambit ko. Parang may kung anong humahalukay sa tiyan ko dahil sa nakikitang kong sitwasyon niya. Nag-aalala ako at hindi ko alam ang gagawin. Nang hindi pa rin siya tumigil sa kakasigaw ay mabilis ko nang tinakbo ang kwarto ni Lola upang gisingin ito.
Dinaluhan ni Lola ang lalaki at inutusan akong kumuha ng palanggana na may mainit na tubig at bimpo. Inutusan niya rin ako na kunin iyong halamang gamot na nasa kabinet sa kusina. Mabilis kong sinunod ang lahat ng sinabi ni Lola.
"Lola.. Ano po bang nangyayari sa kaniya?" nakagat ko ang ibabang labi ko habang pinagmamasdan ang lalaking nakahiga ngayon sa kama ko. Wala itong malay at may nakapatong na bimpo sa noo niya. Tumatagaktak ang pawis sa katawan at noo nito kaya naman kinailangang tanggalin ang pang-itaas niyang damit. Sa sobrang tangkad niya'y kulang ang haba nitong kama ko sa kaniya.
"Kanina.. May pangalan ng babae siya na paulit-ulit binabanggit." sagot sa 'kin ni Lola habang pinupunasan ng basang bimpo ang mukha nito.
Napakunot noo naman naman ako. Natutop ko rin ang ilang daliri ko. "B-baka naman po.. May naalala na siya?"
"Siguro.." tumayo si Lola pagkatapos niyang pigain 'yong bimpo. Binitbit niya ang mga iyon at ambang lalabas na ng kwarto ngunit nagsalita ako.
"Anong pangalan po 'yung binabanggit niya, Lola?" puno ng kuryosidad na sambit ko.Mataman akong tinitigan ni Lola habang bitbit ang maliit na balde. "Itanong mo nalang sa kaniya bukas, Apo. Halika na at matulog na tayo. Anong oras na rin. Masama ang napupuyat."
Hindi ako makapag-isip ng maayos. Pagkatapos kong manatili ng isang oras sa kwarto ko para bantayan ang lalaking iyon ay naisipan kong maglakad-lakad muna sa dalampasigan. Alas nuebe na ng gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Ewan ko ba, maaga pa akong gigising bukas upang mangisda ngunit narito ako ngayon sa dalampasigan at nililibang ang sarili ko sa mga alon. Ito na yata ang naging gawiin ko tuwing may iniisip ako. Wala naman kasing ibang paglilingan dito sa Isla kundi ang alon lamang.
Yakap-yakap ko ang sarili kong tuhod dahil sa malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa dagat. Napakadaming nangyari ngayong araw at kagabi. Hindi ko lang talaga inaasahan na ganito ang mangyayari pagkatapos kong iligtas ang lalaking 'yon. Naawa ako sa kaniya, oo. Wala siyang maalala na kahit ano at wala pa siyang matutuluyan. Hindi ko nga alam kung paano siya nakalabas ng ospital, e. Baka naman sinagot na ng doktor na 'yon ang gastusin? Ewan. Itatanong ko pala ang tungkol sa bagay na iyon kapag nagawa ulit ako sa bayan kung nasaan ang ospital.
Kinabukasan, maaga akong nagising kahit puyat ako. Alas dos ng madaling araw na akong nakatulog kanina. Nagtimpla ako ng kape at umupo sa hapagkainan upang mag-agahan. Napatingin naman ako pinto ng kwarto ni Lola nang bigla siyang lumabas roon. Tabi kaming natulog kagabi dahil nasa kwarto ko iyong lalaki.
Nilapitan ako ni Lola at kunot noo itong tumitig sa 'kin.
"Ang mo yatang nagising, Apo. Papalaot ka ba?"
Tumango ako bago kinagatan ang pandesal. Nabili ko ito sa dumaang maglalako kanina. "Opo, may schedule kami ngayon, Lola. Bakit po?"
Sinundan ko ng tingin si Lola. Pumunta ito sa may likuran ko upang gumawa rin ng kape niya. "H'wag ka ng pumalaot ngayon, Era. Samahan mo nalang dito ang bisita natin."Muntik ko nang maibuga 'yong iniinom kong kape dahil si sinabi ni Lola. Kunot ko noo ko itong nilingon. "Lola.. Hindi pwede. Hindi na nga po ako pumalaot kahapon, e. Sayang naman po ang huli--"
"May schedule rin ako sa palengke, Apo. Sino'ng kasama niya rito sa bahay kung pareho tayong aalis? Hindi siya pwedeng maiwan mag-isa rito."
Napapikit naman ako. Bakit ako? Bakit kailangan ko pang bantayan ang lalaking 'yon? Oo hindi siya pwedeng iwan mag-isa rito dahil sa kondisyon niya pero may-isip na siya. Maiintindihan naman siguro niya kung sasabihin namin sa kaniya ni Lola na h'wag siyang aalis sa bahay na ito. At kung umalis man siya ay kasalanan na niya iyon.
"Lola, kaya na niya ang sarili niya." giit ko. Napairap pa ako habang nagka-kape. Nagulat naman ako ng bigla akong batukan ni Lola. Umupo ito sa harapan ko at nag-almusal din. "Lola naman.. Gusto kong mangisda ngayon.."
Pinanlisikan niya ako ng mata. "Hindi ka mangingisda ngayon, Era." nagulat ako nang padabog na inilapag ni Lola ang tasa ng kape niya bago ito kumuha ng pandesal. "Hindi ba't natanggap ka na sa Hotel sa kabilang Isla. Ano, kailan ka raw ba magsisimula?"
Napabuntong hininga naman ako. Sa klase ng akto ni Lola ay mukhang malabong pagbigyan niya. Napasingot na lang ako habang nginunguya ang pagkain sa bibig ko. "Sa isang linggo pa raw po dahil tinatapos pa 'yong establisiemento roon." sagot ko. Nakatanggap kasi ako ng tawag galing kay Miss Darcy at iyon ang sinabi niya.
"Sige, sasabihin ko kay Betty sa isang linggo na aalis na ako pwesto. H'wag kang umalis ngayon ha. Lagot ka sa 'kin kapag nangisda ka ngayon. Hayaan mo lang akong magtinda sa palengke dahil sa susunod na linggo naman ay titigil na ako." sumimsim si Lola sa kape niya at pinira-piraso ang pandesal na kakainin niya. Mahina na kasi ang ngipin ni Lola kaya hindi niya na kayang kumain ng pandesal kapag walang kape o kaya kapag hindi pinagpipira-piraso.
Nagkibit balikat na lamang ako. "Oo na, La. Basta h'wag niyong pagurin ang sarili niyo roon ha? Kapag nakakaramdam na kayo ng pagod at hindi pa nauubos ang paninda hayaan niyo. Kakainin nalang natin dito sa bahay ang matitira."
Pagkatapos naming mag-almusal ni Lola, naghanda na siya ng mga iluluto niyang kakanin. Tinulungan ko naman siya sa lahat. Ako na ang nagsindi at nagpabaga ng apoy sa kalan de uling habang si Lola naman ang bahala sa paggagawa ng pagkain na lulutuin. Mga bandang alas sais y media ng umaga ay tapos na kami sa lahat. Inilalagay ko nang lahat ang paninda sa bilao at basket habang si Lola ay naliligo. Isang bilaong palitaw at isang basket ng turong malagkit ang ititinda ni Lola ngayon. Ako ang pumilit sa kaniya na kaunti lang itinda ngayon upang mabilis maubos. Hindi rin magtitinda si Lola ngayon ng sumbrero at pamaypay dahil hindi ako nakapanguha kahapon ng tuyong kayakas sa gubat.
"Lola, mag-iingat po kayo ha. 'Yung gamot niyo dala niyo po ba?" paalala ko rito. Nasa may hamba ako ng pintuan habang si Lola naman ay nasa labas na at handa nang umalis. Nasa 'di kalayuan ang iba pa naming kapitbahay na magtitinda rin sa palengke ngayon araw. Sa kanila palaging sumasabay si Lola. May nirerentahan kasi silang sasakyan.
Isang tawa ang pinakawalan ni Lola. "Oo na, Apo. Masyado namang lukot ang mukha mo diyan. Ang tagal ko nang nagtitinda sa palengke tapos ganiyang pa rin kabusangot ang mukha kapag umaalis ako."
Mas lalo naman akong sumimangot. Lumapit ako kay Lola at hinalikan ito sa pisngi. "Tss, basta umuwi po kayo ng maaga, Lola ha? Hindi po ako mag-isa sa bahay na ito. May kasama akong ibang tao."
"Ikaw talaga, mukha namang mabait ang binatang iyon. Itrato mo siya ng ayos ha? Tandaan mo, hindi pa siya ganoon kagaling."
Pag-kaalis ni Lola, bumalik na ako sa loob ng bahay. Ala siyete na ng umaga ngunit hindi pa rin nagigising ang lalaking 'yon. Naalala ko na may lagnat nga pala siya kagabi kaya siya nakatulog agad kaya naman nagtungo ako sa kusina upang ipagluto siya ng kahit anong pagkain na may sabaw. Wala naman kaming masyadong stock ng pagkain dito ni Lola kaya naisip kong lugaw nalang ang lutuin. Atleast hindi iyon magastos. Bigas, luya, betsin, asin at itlog lang ay ayos na. Magaling naman akong magluto kaya wala akong kaprobre-problema. Bata pa lang ako ay natuto na ako ng lahat ng bagay. Naalala ko noon, walong taong gulang palang ako ay naglalaba na ako ng sarili kong damit. Tumutulong rin ako kay Lola sa pagluluto at paglalako ng paninda niya. Noong hindi pa kasi kami umuupa ng pwesto sa palengke ay naglalako lamang kami rito sa Isla.
Nang matapos akong magluto ng lugaw, inimis ko na kaagad ang lahat ng kagamitangg ginamit ko at inilagay iyon lahat sa lababo. Itinali ko ang mahaba kong buhok bago ko sinumulag hugasan at sabunin ang mga iyon. Habang naghuhugas ako'y iniisip ko kung bakit ko ipinagluto ang lalaking iyon. Nagkibit balikat na lamang ako. Siguro ay naaawa lamang ako sa kaniya.. Wala na nga siyang pera at matutuluyan, wala pa siyang pangalan..
Napailing-iling nalang ako. Kung sakaling gusto ko siyang tawagin, ano naman kayang itatawag ko sa kaniya kung wala siyang pangalan? Hays, bahala na nga siya. Dapat makaalala na siya para makabalik na siya sa pinanggalingan niya. Mahirap pa naman ang buhay dito sa Isla. Mabibigat ang mga trabaho. At isa pa mukhang may mahalaga siyang gagawin kung bakit siya napadpad dito. Pupuntahan niya siguro ang babaeng mahal niya. Obvious naman 'yon dahil doon sa singsing na nakuha ko sa dalampasigan kasama niya. Ibibigay ko nalang siguro sa kaniya ang singsing kapag maayos na ang pakiramdam niya. Baka bigla naman kasing sumakit ang ulo niya kapag ipinakita ko 'yon sa kaniya, e.
Pinakulo ko nang maingi ang lugaw na niluto ko dahil balak kong maligo muna bago ko iyon ihanda sa kaniya. Pagkatapos kong maligo. Nag suot lang ako ng simpleng pangbahay na orange na short at puting t-shirt. Pumanhik kaagad ako sa kusina pagkatapos kong magsuklay ng buhok sa takot na baka lumamig iyong lugaw. Sayang kasi sa oras kung magsisindi na naman ako ng apoy sa kalan. Kakaunti na ang kahoy naming panggatong. Kumuha ako ng sulyaw at nilagyan iyon ng lugaw. Gumawa rin ako ng tsaa na nakakawala ng sakit ng ulo. Inilagay ko iyon sa isang tray at nagtungo na ako sa kwarto ko.
Muntik na ko nang mabitawan ang dala ko nang makitang ko siyang nakatayo sa gilid ng kama ko at walang suot na pang-itaas. Hawak-hawak niya ang pamaypay na ginawa ko at pinapaypayan ang sarili ko. Napansin ko ang ilang butil ng pawis na buo-buo sa may parting noo niya. Namumula ang mukha niya at bahagya pang salubong ang mga kilay.
Tumikhim ako upang iparating sa kaniya na narito ako sa loob ng kwarto ko. Binalingan niya ako ng tingin at unti-unting nawala ang pagkaka-salubong ng makapal niyang kilay. Ipinatong niya ang pamaypay sa hita niya at hinagod niya ang itim niyang buhok gamit ang mga daliri niya. Mukha na siyang masigla ngayon kumapara kagabi. Mukhang epektibo ang gamot na ginamit ni Lola sa kaniya.
"Uh, good morning.." naiilang na bati niya sa 'kin. Hinagilap niya ang t-shirt na suot niya kagabi at nagmamadaling iyong isinuot.
"Magandang umaga rin. Kamusta? Ayos kana?" wala sa sariling sambit ko habang naglalakad patungo sa gilid niya upang ipatong ang tray na naglalaman ng niluto kong pagkain.
"Ano 'yan?"
"Lugaw," mabilis na sagot ko. Kinuha ko ang silya at umupo ako roon pagkatapos kong mailagay ang tray sa maliit na lamesa sa gilid ng kama. "Niluto ko. Kumain kana."
"Lugaw?"
Kunot noo ko siyang binigyan ng atensiyon. Nakita ko ang kuryosidad sa mga mata niya habang tinititigan ang pagkaing niluto ko na para bang sinusuri niya ang lahat ng ingredients na ginamit ko roon!
"Oo, h'wag mong sabihing hindi mo alam 'yon?" taas kilay na sambit ko. Alam kong nagbibiro lamang siya sa tanong niyang iyon. Sinong tao pa ba ang hindi alam ang lugaw ha?
Naglaglag naman ang panga ko nang umiling siya ng dahan-dahan habang sumisilay ang isang hilaw na ngiti sa kaniyang manipis at mapulang labi.
"Saan ba ang gawa ang lugaw? Is it made of rice and water?" inosenteng tanong niya na mas lalong nagpalaglag sa panga ko. Pati ang mga balikat ko'y bagsak na rin dahil sa tanong niyang iyon. Natawa siya ng bahagya dahil sa naging reaksiyon ko.
Seryoso ba siya? Lugaw lang hindi niya pa alam? Saang planeta ba nagmula ang isang 'to?!
Wala sa sariling kinuha ko ang niluto ko at tumayo upang lumabas na ng kwarto ko. Ako nalang kakain ng lugaw na niluto ko dahil baka kung ano pang masabi niya sa lasa. Ipagluluto ko nalang siya ng pagkain na pamiliyar siya. Jusko. Napaghahalatang mayaman talaga.
Palabas na ako ng pintuhan ngunit napatigil ako nang may mainit na kamay na humawak sa siko. Irita ko siyang nilingon. "Ano?"
"Gutom na 'ko." ngumiti siya. "I want to eat that."
Napabuntong hininga ako. Pa-english english pa siya, tss. Mabilis akong umiling at pinilit kong ngumiti. "Hindi ka pamilyar sa lasa nito. Ipagluluto nalang kita ng bago."
"Pero gusto kong matikman 'yang lugaw na niluto mo." giit niya. Mapupungay ang kaniyang kulay kapeng mga mata habang nakatitig sa 'kin.
"Hindi mo 'to alam.. Baka mapangitan ka sa lasa." pagkain pa naman 'to ng may sakit. "Dito ka lang. Ipagluluto kita ng ibang pagkain." tinalikuran ko siya ngunit hinigit niya muli ako na ikinairita ko na.
"Yes, hindi ko alam ang lasa niyan kaya nga gusto kong kainin 'yan para malaman ko--"
"Ipagluluto na nga lang kita ng bago." kinalma ko ang sarili ko. Bahagya ko pang inilayo sa kaniyang iyong lugaw nang tangkain niya 'yong kuhanin sa 'kin.
"Nakakahiya sa 'yo. Kakainin ko nalang 'yan--"
"Kainis! Bakit ba ang kulit mo ha?! Sabi nang ipagluluto na lang kita ng bago, e! Kung ayaw mo, e 'di ayan! Kainin mo 'yan! Pati pinggan kainin mo!" singhal ko at padabog na ibinigay sa kaniya ang tray. Sa sobrang inis ko'y binitawan ko iyon kaagad kahit na hindi niya pa nahahawakan ng ayos. Nagpatak iyon sa sahig at mabilis na kumalat 'yung lugaw sa may paa niya.
Napamura ako ng mahina nang mapasigaw siya dahil sa init ng lugaw na tumapon sa paanan niya.
"s**t! Hindi ko sinasadya!"
_______