Kabanata 6
Dream
"Sorry talaga. Mahapdi pa ba?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya habang dina-dampian ng ointment para sa paso ang paa niya. Mabuti na lamang at mayroon akong gano'ng gamot sa kwarto ko. Sising-sisi ako sa ginawa kong pagdadabog sa kaniya. Dahil doon naglinis pa tuloy ako ng kwarto ko nang wala sa oras!
"Ayos lang ako. Hindi naman gano'n kainit 'yung lugaw, e. Pero sayang... Hindi ko natikman." napabuntong hininga siya at mataman akong tinitigan.
Narito kami sa sala at abala ako sa paggagamot sa paso niya. Nang makuntento na ako sa paglalagay ng ointment doon ay binitiwan ko na ang paa niya at tumayo na ako.
Sinalubong ko ang kulay kape niyang mga mata at naiilang akong ngumiti. Nakatitig siya sa 'kin at hindi ako makatagal sa titig niyang iyon kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Bakit ba gano'n siya kung makatingin sa 'kin? Parang may kung ano, e.
"Pasensiya na. Magluluto nalang ulit ako ng bago. Pero hindi na lugaw." sambit ko. Pupunta na sana ako sa kusina pero muli ko siyang nilingon. Nagtama ulit ang mga mata naming dalawa.
"Ano.. Maligo ka pagkatapos mong kumain, ihahanda ko ang isusuot mo. Alam kong binabahanas kana dahil sa dami ng pawis sa noo mo. Hindi ka siguro sana'y sa ganitong bahay." tinalikuran ko na siya at nagpunta na ako sa kusina.
Mabuti nalang at mahilig ako sa mga oversized na mga damit. May t-shirt at short ako na unisex. Binili ko iyon noong festival sa bayan sa pag-aakalang kasiya iyon sa 'kin.
Pagpunta ko sa kusina, isang malalim na buntong hininga ang ibinuga ko. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa titig ng lalaking iyon. Hiya? Bakit ako naman ako mahihiya?! Siya dapat ang mahiya dito dahil inaasikaso ko siya kahit hindi naman namin siya kilala ni Lola!
Napakamot na lamang ako sa kilay bago nagbuklat ng kabinet sa kusina. Tulad ng sabi ko kanina, wala kami masyadong stock ng pagkain dito. Mabuti na lang at may itlog at kamatis kahit paano akong nakita. Kinuha ko ang kamatis ang hinugasan. Halata naman siguro kung ano ang lulutuin ko. Itlog na may kamatis lang. Sana maisip ng lalaking iyon na hindi kami mayaman kaya kailangan niya ng alalahanin ang lahat ng tungkol sa buhay niya para hindi na siya madamay sa kahirapan namin. Nakakahiya naman sa maputi at makinis niyang balat na pinapawis dahil wala kaming electricfan at aircon dito. Psh.
Nang matapos akong magluto nagpunta na ako sa sala upang tawagin siya. Tanging 'hoy' lang ang nasambit ko dahil hindi naman namin alam pareho ang pangalan niya. Naisip ko tuloy, ano kaya kung bigyan ko siya ng pangalan? Pero kung pansamantala lang naman rito'y baka masayang lang ang effort ko sa pagbibigay ng pangalan sa kaniya. Sa totoo lang may naisip na ako, e. Hindi ko lang alam kung magugustuhan niya ba iyon.
"Ang dami mong medal. Matalino ka siguro." sambit niya. Napansin niya siguro 'yong mga medalyong nakadisplay sa dingding sa sala.
Nang sulyapan ko siya ay parang maraming tanong ang naglalaro sa isip niya ngunit hindi niya iyon masabi sabi. Sabagay, kung ako rin naman ang nasa sitwasyon niya ganiyang din ang magiging itsura ko.
Nagkibit-balikat nalang ako habang nilalagyan ng kanin at ulam ang plato niya. "Noong high school pa iyon." nag-angat ako ng tingin sa kaniya at naabutan ko siyang nakatitig sa 'kin. Nag-iwas ako ng tingin at inisod na sa kaniya ang plato niyang may laman na. "Kumain kana lang," sambit ko sa bagay tayo.
Kinuha ko ang wallet ko at tinignan kung magkano pa ang laman no'n. Wala pa naman akong binibili simula noong isang araw kaya may pera pa ako. Itatabi ko 'yong kalahati habang ang kalahati pa ay ipamimili ko ng pagkain para dito sa bahay tulad ng pagkain at kung anu-ano pa.
"Saan ka pupunta?"
Nilingon ko siya. Halata ang pagtataka sa mukha niya nang makita niya akong papalabas ng bahay. "Ibibili kita ng mga gamit pang-paligo. Ihahanda ko lang din ang damit mo."
Nakangiti siyang tumango kaya naman lumabas na ako ng bahay. Nagtungo agad ako sa tindahan ni Aling Susing. 'Yung kasama ko sa pangkat ng mangigisda. Chinika niya agad ako tungkol sa lalaking nanunuluyan ngayon sa bahay namin. Sinabi ko na sa kaniya ang totoo na sa 'min nga nakatira sa ngayon iyon. Wala naman akong dahilan na itago ang tungkol doon. Baka kapag hindi ko sinabi na may lalaking sa bahay namin tapos nakita iyon ng mga kapitbahay namin ay akalain pa nilang nobyo ko iyon.
Bumili ako ng sabon, toothbrush at shampoo para sa lalaking iyon. Pasalamat siya at mapagkawang-gawa ako. Hmp. Pero bakit gano'n? Kahit na hindi siya naligo kagabi bago matulog ay tanging mabangong panlalaking perfume ang naamoy ko sa kaniya.
Bago ako bumalik sa bahay, napadako ang tingin ko sa bahay nila Sela. Mukhang walang tao roon dahil sarado ang mga binatana at pinto. Pati ang gate. Nagkibit balikat ako. Baka naman naroon sila sa taniman nila o kaya naman ay sa bayan. May business din doon ang pamilya nila, e. Prutas.
Kaya naman pala walang chismosang pumupunta sa bahay. Usually kasi pumupunta si Sela sa bahay para tumambay at makipagkwentuhan.
Si Ophelia kaya? Tss, malamang nasa feeling ni Thadeo. Ang mag-jowang iyon, hindi na talaga mapag-hiwalay. Sa sobrang dikit ng dalawang iyon, minsan nagiging magkamukha na sila sa paningin ko, e. Natawa ako.
Nagkibit balikat na lang ako at bumalik na sa bahay. So, dahil hindi ako makakapangisda ngayong araw ibabaling ko nalang sa mga gawain dito sa bahay ang atensiyon ko. O kaya naman, ku-kwentuhin ko ang lalaking iyon. Baka sakaling may maalala siya kapag nagtanong ako ng nagtanong ng kung anu-ano. Gano'n na nga.
Nakapakunot noo ako ng madatnan ko siyang hinuhugasan ang platong pinagkainan niya. Nilingon niya ako at bahagya siyang ngumiti. Inilapag ko sa lamesa ang mga binili ko at humalukipkip.
"Marunong ka palang maghugas ng plato?" mapanuya kong sabi. Gumagalaw ang mga ugat sa braso at kamay niya sa bawat kilos na ginagawa niya. Magulo ang buhok niya at may pawis na tumatagaktak sa parteng noo niya. Kahit na pawisan siya'y hindi iyon nangangamoy sa katawan niya. Bakit naman gano'n?!
Napalunok ako.
"I feel like.. doing this." tumawa siya. "Oo nga pala, nasaan si Lola Tilda?"
"Nasa palengke." mabilis na sagot ko.
"Namamalengke?"
"Nagtitinda sa palengke." paglilinaw ko.
Pagkatapos niyang maghugas ng pinggan sinunod niya ang sinabi ko. Binigyan ko siya ng tuwalyang galing sa kabinet at itinuro sa kaniya ang banyo. Napakunot-noo pa siya ng makita ang mga gamit na nasa loob no'n. Itinanong niya kung ano ang tawag sa tabo! Damn.
Habang nasa banyo siya'y nagpasiya na akong ihanda ang isusuot niya. Pumasok ako sa kwarto ko at kinalkal ang kabinet ko. Sa sobrang laki ng damit at short na iyon ay hindi ko pa iyon nagagamit. Maswerte siya. Sa kama, inilapag ko ang kulay gray na t-shirt at dark blue na short. Sana ay magkasiya ito sa kaniya. Wala naman siyang ibang choice. Wala na akong ibang damit dito. Hindi naman pwede iyong mga lumang damit ni Lolo.
Naisip ko tuloy, paano sa mga susunod na araw? Anong susuotin niya? Wala pa siya ibang pang-paa kundi iyong itim niyang leather shoes! Hays, sumasakit ang ulo ko dahil sa kaniya.
Paglabas ko ng kwarto ko muntik na akong mapatalon nang biglang siyang lumitaw sa harapan ko. Tanging tuwalya lang ang tumatabing sa katawan niya! Nanlalaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang mga butil ng tubig na dumadausdos sa malapad niyang dibdib pababa sa waistline niya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang abs niya. Malalaman ang iyon mukhang sing-tigas ng sementadong pader.
Napalunok ako.
"Uhh.. Where are the clothes?" tumaas ang dalawang kilay niya habang hinahagod pataas ang mga basang buhok na tumatakip sa noo niya. "Uhm, Era?"
"H-huh?" wala sa sariling sambit ko. Napaayos ako ng tayo at mabilis na nag-iwas ng tingin ng mapagtanto ko kung ano ang ginawa ko. "A-ano.. Nasa kwarto ko!" sagot ko. Mabilis ko siyang tinalikuran at naglakad palabas ng bahay.
Sobrang init ng mukha at mas lalo pa iyong uminit nang marinig ko ang tawa niya. Damn!Lumabas ako ng bahay at mariing pumikit habang nakatingala sa kalangitan. Isang malalim na buntong hiniga ang pinakawalan ko. Parang guminhawa ang tensiyon na nararamdam ko nang gawin ko iyon. Sinampal-sampal ko ng mahina ang pisngi ko bago ako naglakad patungo sa gilid ng bakuran kung saan makikita ang gamit namin.
Kinuha ko ang matalas na palakol at ipinatong iyon sa kahoy na upuan dito sa bakuran. Kinuha ko ang mga kahoy na kailangang pagpira-pirasuhin at sinimulang palakulin ang mga iyon isa-isa gamit ang palakol. Simula nang magkasakit si Lola ay ako na ang gumagawa nito. Ginagamit namin ang mga kahoy na ito bilang panggatong. Trese anyos ata ako noon nang subukan ko ito. Syempre mahirap at medyo delikado. Kapag naiiyak na ako sa sobrang sakit ng mga braso ko ay ipinapatapos ko nalang iyon sa kuya ni Sela. Pero dahil busy rin naman iyon ay madalas na ako ang gumagawa hanggang sa makasanayan ko na. Wala namang ibang gagawa nito kundi ako lang. Wala namang lalaki sa bahay na ito at masyado nang mahina ang katawan ni Lola para gawin pa ito.
Napabuntong hininga ako at pinulot ang pira-pirasong mga kahoy na pinalakol ko. Inihagis ko iyon sa mga kahoy na pira-piraso na at kumuha ulit ng panibago. Pinahid ko ang pawis sa leeg ko bago inamba ang palakol sa ere ngunit bago pa iyon dumapo sa kahoy na nasa damuhan isang kamay na ang umagaw sa 'kin no'n.
Irita at pagod ko siyang tinitigan. Inilagad ko ang kamay ko upang kuhanin sa kaniya ang palakol. "Akin na 'yan. Hindi pa ako tapos dito."
Nagulat naman ako ng ilayo niya iyon sa 'kin. "No. Let me do it."
Nagpupuyos ako sa iritasyon nang balingan ko ang mukha niya. Nakakunot ang kilay niya at mukhang desidido talaga sa sinabi niya ngunit wala akong pakialam. Hindi niya alam ang tabo, ito pa kaya?
Kinalma ko ang sarili ko at isinangat ang takas na buhok sa tainga ko. "Hindi na. Wala kang alam sa ganitong gawain. Pumasok kana lang sa loob at manood ng telebisyon."
Napansin ko ang pag-igting panga niya at paghigpit ng hawak niya sa palakol. Sinuklay niya ang buhok niya palikod at tipid akong nginitian. "You looked tired."
"Malamang! Hindi biro ito 'no."
Bumuntong hininga naman siya. Nagulat ako ng ipatong niyang isang kamay niya sa ulo ko at haplusin iyon. Hindi ko alam kung bakit may kakaibang paglundag na ginawa ang puso ko dahil sa paghaplos niyang iyon kaya umatras ako.
"S-sigurado ka bang kaya mo? Hindi biro iyan.." naiilang akong ngumiwi.
Tumango siya at sinenyasan akong maupo nalang sa doon sa kahoy na upuan. Wala akong nagawa kundi sundin nalang ang sinasabi niya. Natatakot akong hawakan niya ulit ako at maramdaman na naman ang kakaibang bagay na iyon sa loob ko!
"I don't know how to this but.. I want to help you." seryoso niyang sambit.
Napalunok naman ko habang pinapanood siya sa ginagawa niya. Kada gagalaw niya ay umuusbog ang mga ugat sa braso at kamay niya. Kitang kitang iyon sa suot niyang hapit na t-shirt. Ngayon ko lang napansin na medyo hapit pala iyon sa katawan niya habang ang short naman ay sakto lang. Ang buong akala ko ay luwag pa sa kaniya ang t-shirt na 'yon. Pambihira naman ang pangangatawan ng lalaking ito!
Kinagat ko ang ibabang labi ko bago nagsalita. "Wala ka ba talagang naaalala na kahit ano? That's impossible.. Dapat kahit man lang isang bagay ay naaalala mo.."
Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at pinahid ang pawis sa gilid ng mukha niya. Bumntong hininga siya bago nagsalita. "Actually may isang bagay akong naaalala.." seryosong sabi niya.
Napaayos naman ako ng upo at hinintay ang karugtong niyang sasabihin ngunit nanatiling nakaawang ang mga labi niya. "A-ano'ng naalala mo? Baka matulungan kita na maibalik ang.. memorya mo."
Umaliwalas naman ang mukha niya dahil sa sinabi ko. He licked his lower lip before talking. "Last night.. I dreamed something about marriage.."
_________