Kabanata 7

2819 Words
Kabanata 7 Name Hindi ko alam kung may isang minuto na ba akong natulala sa sinabi niya. Kung anu-anong bagay ang naglalaro ngayon sa isipan tungkol doon at wala akong mahagilap na dahilan kung bakit ko naiisip ang mga bagay na iyon.. Damn, come back to your senses, Era. Hindi mo naman kilala ang lalaking kaharap mo! Hindi porke guwapo siya'y mabuti na siyang tao. Sandali, bakit naman napunta sa kung anong klasing tao siya? Napailing nalang ako. Nanaginip  siya tungkol sa kasal? Maganda iyon, magandang bagay iyon para sa kaniya. Atleast may naalala siya kahit kaunti tungkol sa buhay niya. Siguro tama nga iyong naiisip ko. Sa kaniya ang singsing na nakuha ko at kaya siya naririto ay dahil pupuntahan niya ang babaeng pakakasalan niya. Ilang taon na kaya siya at p-in-lano na niyang magpakasal? Mukha namang mature ang itsura niya. Isama na rin ang hubog ng katawan niya at ang katangkaran niya. Sa tingin ko'y hindi ko talaga siya ka-edad. Siguro ay may trabaho na siya at kaya na niyang bumuhay ng isang pamilya. O, baka naman mayaman talaga siya. How would I know? Maswerte siya at dito siya sa Islang ito napadpad. Mababait at matulungin ang mga tao rito. Maliban nalang sa mga tao sa bayan. Mula pagkabata ko, puro pangaral ni Lola ang tumatak sa utak ko. Strikto si Lola sa 'kin ngunit mabait siya. Napakabait niya, maalalahanin, maalaga at mapagbigay. Kaya nga gusto kong magtapos ng pag-aaral at mabigyan siya ng magandang buhay, e. Alam kong matagal pa bago ako makarating sa gusto kong tagumpay kaya, sari-saring trabaho ang pinapasok ko. Mas marami pa akong raket kumpara noon, binawasan ko lamang nang magkasakit si Lola. Gusto ko kasing magkaroon ako ng maraming oras para manatili at bahay o kaya naman ay sumama sa kaniya sa palengke. Noong elementary at high school, madalas akong apihin sa school dahil sa estado ko sa buhay. Mahirap na nga ako wala pa akong magulang kundi si Lola lang. Sinubukan kong h'wag pansinin ang pangungutya nila sa 'kin. Nagbulagbulagan ako at pinilit na mag-focus sa pag-aaral ko. Ngunit lahat naman ata ng bagay ay may hangganan. Naubos ang pasensiya ko at naputol ang pagpipigil ko sa sarili ko nang si Lola naman ang kutyain nila. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok ko ang isa sa mga estudyanteng ginagawang katatawanan ang paglalako ni Lola ng pagkain. Na-guidance ako noong araw na iyon ngunit wala akong pinagsisihan sa ginawa ko. Nilunok ko ang pride ko at humingi ako ng tawad sa mga magulang ng lalaking sinuntok ko at nakiusap ako sa teacher ko na h'wag nang ipatawag si Lola dahil matanda na iyon at may sakit pa. At isa pa, malayo ang bahay namin sa school na pinapasukan ko. Ayokong mapagod si Lola. Siya nalang ang mayroon ako. Siya ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nasa harap ko at pinilit kong ngumiti. Dahil sa sinabi niya sa 'kin tungkol sa panaginip niya'y sari-saring bagay na kaagad ang tumakbo sa isip ko. "Kasal lang?" humalipkip ako at mataman siyang tinitigan. Basang-basa na ng pawis ang suot niyang t-shirt at bumabakat na doon ang abs niya. Napahawak ako sa sentido ko nang makita iyon. Wala na nga siyang pamalit na damit tapos nag-pawis pa siya? Tss. Hindi talaga nag-iisip ang isang ito. Baka gusto niyang ipasuot ko sa kaniya iyong mga damit ko! O baka gusto niya iyong bestida nalang ni Lola! Kumunot ang noo niya. Kaka-patong niya lamang ng palakol sa kahoy na upuan at abala na siya ngayon sa pag-hihimpil ng mga kahoy na sibak na sa isang gilid. Tumatagaktak ang kaniyang noo habang naglalakad siya papalapit sa 'kin. Nagulat ako ng bigla siyang mag-squat sa may gilid ko, nakatitig sa 'kin. "What do you mean by that?" tumaas ang isang kilay niya. Nagkibit-balikat naman ako at bumuntong hininga. Imbis na tingnan ko siya ay ang harapan ko ang tinitigan ko kung saan naroon ang mga kahoy na sinibak niya. Tipid akong ngumiti. Kahit paano naman pala ay may silbi siya rito ano? Hmm, ano kaya kung isama ko siya sa gubat para manguha ng kayakas o kaya sa pangingisda? Sa laki ng kawatan niya, marami siyang mabubuhat na bagay! Napailing-iling ako sa mga bagay na iyon. Malabong pumayag si Lola roon dahil sa kondisyon ng lalaking ito. Pero mukhang ayos na naman siya, ah? Pero hindi parin talaga pwede. Mukhang siyang anak mayaman, remember? Malay ba niyang mangakyat ng mga puno o ang mangisda. Hays! "Ang ibig ko lang sabihin.. Kasal lang ba ang naaalala mo sa panaginip mo kagabi? How about your name.. O kaya naman ay 'yung itsura ng lugar sa panaginip mo? Hindi mo ba talaga naalala? Kahit kaunti wala? Subukan mong balikan ulit iyong panaginip mo.." sunod-sunod na sambit ko. Hinarap ko siya at nakita ko ang pagdidikit ng kaniyang mga kilay na para bang iniisip niya ang mga sinabi ko. "Okay, I'll try to think about that dream again.. Sana may maalala ako." seryosong sambit niya na may kasama pang pag-tango. Napalunok ako nang ipikit niya ang mga mata niya upang mag-isip. Akala ko ay makakatulong iyon ngunit bigla akong nataranta nang biglang malukot ang mukha niya at lumubas sa mga labi niya ang mga daing na tila ba may masakit sa kaniya. Hinawakan niya ang ulo niya gamit ang dalawang kamay niya shabang iniinda ang sakit. Parang may kung anong bagay ang tumusok sa dibdib ko habang pinapanood siyang mag-hysterical dahil sa sakit. Tumayo ako at tinanong kung anong nangyayari sa kaniya ngunit tanging puro mahihinang mura lamang ang lumalabas sa bibig niya. Habol-habol ko ang hininga ko matapos ko siyang akayin pabalik sa loob ng bahay. Inalalayan ko siyang umupo sa upuan sa sala pagkatapos ay tinakbo ko ang kusina upang kumuha ng malamig na tubig sa ref. Parang akong hinihipan ng malamig na hangin sa sobrang kaba. Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari. Kung hindi ko siya pinilit na alalahanin ang tungkol sa panaginip niya ay hindi naman sasakit ang ulo niya ng ganiyan. "I'm sorry.." isa-isang nagsipatakan ang mga luha ko habang pinapanood ko siyang kumu-kurap-kurap at mariing minamasahe ang sentido niya. Pinainom ko siya ng gamot para sa sakit ng ulo na binili ko sa tindahan kanina. Hindi ko alam kung makakatulong ba iyon sa kaniya ngunit nang makita kong unti-unti siyang mahimasmasan ay kumalma na ako. Iminulat niya ang mga mata niya at isang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Inalis niya ang mga kamay niya sa sentido niya at ibinigay ang lahat ng atensiyon sa 'kin. "Hindi na sumasakit ang ulo ko. Ayos na ako... pampalubag loob na sabi niya ngunit hindi ko pa rin mapigilang maging emosyonal.  Umiling ako at pinunasan ang mga luhang kumalat sa pisngi ko. "Hindi na ulit kita sasabihan na alalahanin ang memorya mo.. I'm sorry." Nang gabing iyon, naging maayos na ang pakiramdam niya. Nasa kusina kami pareho at tinutulungan niya ako magluto ng hapunan nang dumating si Lola. Umalis ako sa kusina upang salubungin si Lola at tulungan sa mga dala niya. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa 'kin ng lalaking.. Ah, ang hirap naman. Wala siyang pangalan! "Lola!" sambit ko. Nilapitan ko siya at mabilis na kinuha ang bilao at basket na dala niya. "Nagluluto na po ako ang hapunan, Lola. Sabi ko sa inyo h'wag niyo nang ipaubos ang paninda niyo 'di ba? Ayan, medyo ginabi na tuloy kayo." ngumuso ako. Tumawa naman si Lola habang tinatanggal ang balabal sa balikta niya at ang sapatos na suot niya. "Kamusta naman kayo rito, Apo? Ayos lang ba kayong dalawa?" nagpabalik-balik ang tingin ni Lola sa 'ming dalawa. Tumango naman ako. Wala akong balak na ipaalam kay Lola ang nangyari kanina dahil batid kong magagalit lang siya. "Oo naman, Lola.. Ayos lang po kami ni..." binalingan ko ng atensiyon ang lalaking nasa gilid ko. Tinaasan niya lamang ako ng kilay. "Ayos lang kami ng lalaking ito, Lola." Ngumiti si Lola sa 'min. "Mabuti naman, Apo. Ano ba ang niluluto mo at parang iba ang amoy?" Wala sa sariling napatakbo ako ng kusina dahil sa sinabi ni Lola. Nasapo ko na lamang ang mukha ko nang makitang nasusunog na ang niluluto ko. Agad kong pinatay ang apoy. "Apo, alam mo ba.. Bumili ulit sa 'kin iyong binatang si Zach kanina. Gusto niyang bilhin ulit ang lahat ng paninda ko ngunit sinaway ko siya. Masyado pa kasing maaga at ayoko pang maubos ang paninda ko." salaysay ni Lola habang abala ito sa paglalagay ng sabaw sa kaniyang kanin. Dahil nasunog iyong itlog na niluluto ko'y nagluto pa ako ng ibang ulam. Natigil ako sa pagsubo dahil sa sinabi ni Lola. Kumunot ang noo ko. Si Zach? Iyong lalaki sa palengke? Ano namang problema no'n at palagi niyang gustong pakyawin ang paninda ni Lola? H'wag niyang sabihing may pupuntahan na naman siyang ampunan at kailangan niya ulit mamili ng pagkain? "Hinahanap ka nga niya, Apo, e. Dapat pala isinama kita para naka-kwentuhan mo rin ang binatang iyon.." masayang sambit ni Lola. "Magaan siyang kausap, Apo. Nalaman ko na sa Isla Alvarado pala siya nanunuluyan ngayon. Nandito lang siya para sa isang negosyo." "Bakit naman niya ako hahanapin, Lola? Close ba kami?" kunot noong tanong ko. Sa gilid ng mata ko, alam kong nakatingin sa 'kin ang lalaking katabi ko. "Hindi ko rin alam. Baka naman gusto niyang makipag-kaibigan sa 'yo.." nangingiting sambit ni Lola. Napabuntong hininga naman ako dahil doon. Nagkibit balikat ako at iniba na lamang ang topic. "Lola, anong mangyayari sa lalaking katabi ko? Hanggang kailan siya mananatili rito? Wala siyang damit, gamit at maski pangalan ay wala siya..." "Bigyan mo siya ng pangalan kung gano'n." "Lola.. Bakit pa? Aalis rin naman siya rito kapag naaalala na niya ang lahat sa kaniya--" "Nakasalubong ko pala iyong Doktor na tumingin sa kaniya, Apo." Natigil ako sa kung ano mang pinagsasabi ko at nag-pokus na lamang sa susunod na sasabihin ni Lola. "O, ano pong sabi?" Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Lola bago nag-angat ng tingin sa 'kin at sa lalaking katabi ko. "Binayaran niya iyong bill niya sa ospital ngunit hindi nangangahulugan na libre iyon." Nabitawan ko ang kubyertos at kunot noong tumingin kay Lola. "Ano po'ng ibig niyong sabihin, Lola?" Tumingin muna siya sa katabi ko bago nagsalita. "May utang tayo sa Doktor na iyon." Pagkatapos ng gabing iyon, pakiramdam ko'y sumakit ng husto ang ulo ko. May isang unknown number ang nagtext sa 'kin kinabukasan at sinasabi doon ang tungkol sa hospital bill ng lalaking iyon. Hindi naman iyon kalakihan ngunit sumasakit pa rin ang ulo ko sa pag-iisip kung saan ako ng kukuha ng perang pambayad sa Doktor na iyon. Damn! Malay ko ba kasing utang iyon?! Parang gusto ko nalang siyang kalmutin sa mga oras na ito kahit na hindi niya naman ako inoobliga na bayaran iyon kaagad. Ang sabi niya'y contact-in ko lang daw siya kapag may pera na ako.  Ang buong akala ko pa naman ay mapag-kawang gawa rin siyang tao at naisipan niyang sagutin nalang ang hospital bill. Ano ba, Era? Malamang walang taong sasagot ng hospital bill ng taong hindi naman niya kaano-ano! Ang sabi ko kay Lola'y ako na ang bahala sa bayaring iyon kahit na gusto niya akong tulungan. May pera naman akong naipon sa bank account ko pero para iyon sa mga importanteng bagay kagaya ng pag-aaral ko at sa gamutan ni Lola! Hays. Gusto kong awayin ang lalaking iyon ngunit alam kong wala naman siyang kasalanan. Kinabukasan, nakasimangot akong lumabas ng kwarto ko. Nagulat naman ako nang makita si Lola at ang lalaking iyon na nasa hapag na at nag-aagahan. Wow, bakit ang aga nilang magising? Sa pagkakaalam ko'y walang schedule si Lola sa palengke ngayon, ah. Wala sa sariling sinuklay ko ang gula-gulanit kong buhok gamit ang kamay ko. Bago pa nila ako mapansin ay nagtungo na ako sa banyo para mag-toothbrush at maghilamos. Hindi ko alam kung bakit big deal na ang itsura ko pagkagising ko ngayon! Para dati, lumalabas ako ng kwarto ko kahit walang suot na bra. "Good morning, Era!" "Morning," mahinang sambit ko sa lalaking bumati sa 'kin. Inirapan ko siya bago ako naupo sa silyang katabi niya. Habang si Lola naman ay nasa harapan namin at isinasawsaw ang pandesal sa kape niya. "Ano'ng problema, Apo? Masama ba ang gising mo?" tanong sa 'kin ni Lola. Hindi ko alam kung bakit masaya pa si Lola kahit na naka-busangot ang mukha ko ngayon. Alam naman siguro nila ang dahilan 'di ba? "Hindi po. Nanaginip lang." sagot ko. Tumayo ako para gumawa ng sarili kong kape nang magsalita si Lola. "Oo nga pala, may pabor na hihingin sa 'yo ang bisita natin, Era.." Kunot noo kong nilingon si Lola bago ang lalaking nasa hapag. Naabutan ko siyang nakatingin sa 'kin at nakangiti pa. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano naman 'yon?" Mapupungay ang mga mata niyang nakatitig sa 'kin. "Pwede ba akong sumama sa 'yo?" Nawala ang pagkunot ng noo ko at napalitan naman iyon ng isang mapanuyang tingin. Bago ko siya sagutin ay binalingan ko muna si Lola. "Lola, ano'ng sinasabi ng isang 'yan?" "Pagbigyan mo, Apo. Na-kwento niya sa 'kin na tinulungan ka raw niyang magsibak ng kahoy kahapon dahil mukha ka raw hirap na hirap. Mukha namang maayos na ang kalagayan niya kaya--" "Wala siyang alam sa pangingisda, Lola. At tsaka kaya ko naman magsibak. Makulit lang siya kaya hinayaan ko na." napailing ako at napahalukipkip habang nakatayo sa harapan nilang dalawa. Kung mag-usap sila ay parang matagal na nilang kilala ang isa't isa. "Pero hindi naman kita pakikialam, Era. Sasama lamang ako sa 'yo dahil ayokong maiwan mag-isa--" "Hindi ka maiiwan mag-isa rito. Kasama mo si Lola Tilda. Wala kayong schedule ngayon 'di ba, La?" Napakamot sa kilay si Lola bago alanganing ngumiti sa 'kin. "May pupuntahan ako, Apo." Napaharap ako ng maigi kay Lola habang nakataas ang isang kilay. "Ano? At saan naman, Lola? Baka pwede niyong isama ang--" "Lakad ng matatanda, Apo. Inimbita kasi ako ni Betty, e. Hindi ko siya pwedeng isama roon at puro matatandang babae ang kasama ko." paliwanag ni Lola. Nasapo ko na lamang ang noo ko. Bakit naman ngayon niya 'yon nabanggit sa 'kin? Pagkatapos naming mag-almusal, dumiretso na ako sa banyo para makaligo. Dinala ko sa banyo ang damit na susuotin ko dahil nasa labas ng kwarto itong banyo namin. Hindi kakayaning lumabas ng nakatapis lang gayong may lalaki na rito sa bahay. Ang kaninang iritasyon sa sistema ko'y nabawasan na dahil sa paliligo. "Bilisan mo namang mag-lakad diyan," iritang sambit ko sa kaniya.  Nakasunod siya sa 'kin dito sa dalampasigan dala ang lambat at ang balde ng mga pain. Kita ko ang maya't maya niyang pagngiwi sa tuwing mapapasulyap siya roon. Para bang diring-diri siya sa mga bulateng iyon! Napairap nalang ako. Nakasuot ako ngayon ng kulay pink na t-shirt at itim na tokong habang siya naman ay suot ang luma kong pajama at 'yong t-shirt ipinahiram ko sa kaniya kahapon. Nilabhan niya pala iyon at hindi ko iyon napansin. Hindi ko alam kung marunong ba siyang maglaba o nagpaturo siya kay Lola. Bahala siya, ang importante'y may utak siya at may nasuot siyang damit ngayon. Ano kaya kung manghiram ako ng damit sa kuya ni Sela? "Sandali lang, Era!" Napalingon ako nang sumigaw siya. Tumigil ako sa paglalakad nang makita kong nahulog ang sumbrero niya ang kailangan niya iyong pulutin. "Itali mo kasi. Kaya nga may tali 'yan, e. Mahangin pa naman sa laot." mapanuya kong sabi. Nang makalapit siya sa 'kin ay agad ko na siyang hinila papunta sa mga bangkang nakadaong sa dalampasigan. Napansin ko naman ang gulat sa mga mukha ng mga mangingisdang narito rin sa dalampasigan upang pumalaot. Ang tatlo ay nagawa pa kaming lapitan at kausapin. "Oh, Era. Sino iyang kasama mo? Kay, guwapong binata naman." ani Mang Bernard. Nakangiti siya sa 'kin habang bitbit ang lambat niya. Sasagot na sana ako nang magsalita si Aling Susing. "Ay naku, Era! Ang gwapo naman ng nobyo mo!" Napangiwi ako sa sinabing iyon ni Aling Susing. Ang buong akala ko'y alam na niya ang dahilan kung bakit sa 'min nakatira ang lalaking ito. Hindi pala. "Ay, hindi po, Aling Susing.. Tinulunga--" "Ang gwapo mo naman, hijo! Itong si Era, h'wag mong sasaktan ha? Masipag at mabait na bata 'yan!" sabat naman ni Mang Arnold. Nilingon ko ang lalaking katabi ko at nakita kong nakangiti siya. "Talaga po?" "Oo naman, hijo! Mabuti at dito ka sa Islang ito napadpad! Teka, ano nga palang pangalan mo?" Nagkatinginan kaming dalawa at parehong napalunok. Hindi alam ng mga kapitbahay namin na may amnesia siya. Ang tanging alam lang nila ay iniligtas ang tinulungan ko siya. Kasama na roon ang pagpapatuloy ko sa kaniya sa bahay namin kaya naman hindi ko maintindihan ang mga kapitbahay namin kung bakit iniisip nilang nobyo ko ang lalaking ito. "Uhh--" "E-Eliseo! Iyon po ang pangalan niya." agap ko. Sa gilid ng mata ko'y alam kong nakatingin siya sa 'kin. Nginitian ko ang mga mangingisda. "Ah, mauna na po kami.. Mang Bernard, Aling Susing, Mang Arnold.." paalam ko at hinila na siya papunta sa bangka namin. Ayoko nang makarinig ng mga tanong mula sa kanila tungkol sa lalaking kasama ko dahil hindi ko pa alam ang isasagot ko. Siguro'y kailangan ko ring isipin ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi naman pwedeng wala siyang katauhan. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong gawin ito. __________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD