Chapter 1
Ako nga pala si Ailey Novien Santos, 19 years old. Nag-aaral sa Westward University at ang kinuha kong kurso ay Accountancy nasa 2nd year palang ako. Simple lang ang buhay na meron ako, hindi mayaman, hindi mahirap at sakto lang para makapag-aral ako ng kolehiyo. Trabaho ng aking Inay ay isang maid, yung sahod niya sakto lang para sa pangangailangan namin araw-araw. Ang aking Itay naman ay sumakabilang bahay na, mas pinili niya pa ang kabit niya kesa sa amin. Nakakagalit lang dahil ganito ang nangyari sa pamilya ko. May kapatid din ako na babae na mas bata sakin ng apat na taon.
"Hoy, nakikinig ka ba sakin? Tulala ka na naman dyan Ailey e." pagsermon ni Hanna sakin.
"Pasensya kana, Hanna may mga iniisip lang ako. Hanggang ngayon hindi parin ako makahanap ng part-time job. Nais kong tulungan si Inay." sabi ko sa kanya na ikinabuntong-hininga niya.
"Try mo maglog-in sa trabahanap.com, Ailey. Mas mabilis kung doon nalang ikaw maghanap ng trabaho." sabi niya sakin at ningitian ako.
"Baka naman scam lang ang site na yan ah at baka mabudol pa ako." napakamot ako sa ulo.
"Tuturuan naman kita. Simple lang naman mag-gawa ng account dun e." hinila niya ang aking braso at tinapik ang balikat ko.
Ngumiti ako ng mapait. Gusto ko nang makahanap ng trabaho para matulungan si Inay sa mga gastusin sa bahay at sa tuition ko na din. Nagsimula na ang klase, tahimik at nakatuon lang aking atensyon sa Prof. namin. Nung matapos na ang klase, nagpunta ako sa library para isauli yung hiniram kong libro kahapon, tapos ko na kasing basahin yun.
"Oh, maghanap ka nang gusto mo dyan pasukan. Yung kaya mo lang ah, wag yung mahirap. Tandaan mo nag-aaral ka pa wag mo namang pahirapan sarili mo." sabi ni Hanna habang uminom ng tubig.
Andito ako sa bahay nila Hanna. Since may internet shop sila, dito na ako dumiretso pagkaalis namin sa school. Naghanap nalang ako ng gusto kong pasukan. Madami akong pagpipilian; Carpenter, Welding, Security guard, Saleslady, Call Center Agent, Maid.
"Kung mag maid ka nalang kaya, Ailey. Ang laki ng sahod oh! Magbabantay ka lang ng limang bata. Kayang kaya mo yan." suggests ni Hanna sakin at tinuro pa ang computer.
"Limang bata? Baka naman mga pasaway yan ah. Naku, baka sasakit lang ulo ko." pagreklamo ko.
"Hindi yan, mas maganda pag mga bata babantayan mo. Tamang timpla lang ng gatas sa kanila pag naiyak. Oh, diba?" sabi niya.
Sa bagay tama siya roon. Hindi naman siguro mahirap mag-alaga ng limang bata. May mga isip naman ata sila? Nagsend na ako ng application form ko at nagulat kami ni Hanna ng matanggap agad ako. Ni hindi man lang pinag-isipan?
"Wow. Tanggap ka agad, sis." masayang sabi ni Hanna.
Masaya ako dahil sa wakas may trabaho na din ako. Matutulungan ko na din si Inay at mapapag-aral ko na kapatid ko. Kailangan ko lang pumunta sa address na sinend sakin. So kailangan bukas na ako pupunta?
"Salamat, Hanna. Uuwi na 'ko. See you bukas!" paalam ko sa kanya.
Naglakad lang ako pauwi, malapit lang naman bahay namin kila Hanna, mga isang kanto ang pagitan mula samin hanggang sa kanila.
"Yesha, andito na si ate!" bungad ko nang makapasok na ako sa bahay.
Maliit lang ang bahay namin. Kasya lang saming tatlo,dalawa lang ang kwarto, isang sala, isang cr, isang kusina.
"Ate! Hanggang ngayon wala parin si Inay." nag-alalang sabi ni Yesha.
Napatingin ako sa orasan ko. Oo nga, dapat andito na si Inay ngayon. Mas maaga siyang umuuwi sakin pag Martes pero bakit wala siya?
"Tumawag ba siya sayo?" tanong ko at pilit pinapakalma si Yesha.
"Hindi ate e." sagot niya.
"Baka may dinaanan lang si Inay. Baka pumunta siya kila Tiyo Tasyong. Wag ka nang mag-alala, Yesha. Okay lang si Inay." tinapik ko ang kanyang balikat at ngumiti sa kanya.
Nagpaalam ako sa kanya na magbibihis lang ako. Pagkababa ko galing sa kwarto ko, tinext ko si Inay kung nasan na siya ngayon. Dahil hindi ko siya matawagan ay tinadtad ko siya ng text.
"Ate. Ano na? Nagreply na ba si Inay?" naiiyak na sabi ni Yesha.
Umiiling ako dahilan para umiyak siya ng malakas. Lumabas ako para antayin nalang si Inay sa labas. Around 9 pm nang dumating si Inay na may dalang mga supot. Nagtaka naman ako kung saan siya galing at bakit ngayon lang siya.
"Inay." bungad ko sa kanya.
"Pasensya kana, Ailey anak. Natagalan ako kasi nagkasakit ang amo kong babae. Hindi sana ako uuwi pero pinilit niya akong umuwi kasi nag-alala siya sa inyo. Ito oh (*sabay angat ng mga supot*) binigay niya para sa atin." nakangiting sabi niya.
Napahinga ako ng maluwag na okay lang si Inay at walang nangyaring masama sa kanya. Tinulungan ko siya sa mga dala niyang mga supot. Lumiwanag ang mata ni Yesha nang makita niya si Inay at tumakbo ito palapit samin.
"Bat ngayon ka lang, Inay?" tanong niya.
"Nagkasakit amo ko, anak. Pasensya ngayon lang si nanay nakauwi." niyakap ni Yesha si Inay.
Nagluto nalang ako para makakain na kami ng hapunan. Kinaumagahan, maaga akong umalis ng bahay dahil may quiz sa unang klase ko. Noong lunch break, kasama kong kumakain si Hanna sa cafeteria.
"Sasamahan ba kita mamaya?" tanong niya habang hinihigop juice niya.
"Okay lang naman kahit hindi na e. Tatawag nalang ako pag nakaramdam ako na binudol ako." sabi ko sabay tawa.
"Excuse me, mga poorasite."
Sabay kaming napaangat ng tingin sa nagsalita. Napakunot naman ako ng noo nang makita ko si Kim kasama alipores niya sa harapan namin. Sisirain na naman ba niya araw namin?
"Excuse me nga, ladies and germs." paggaya ng boses ni Hanna kay Kim.
Tumawa ako pero agad din nawala dahil sa sinabi ni Kim.
"Umalis kayo sa table na 'to." utos niya ba yun?
"Who the hell are you para mag-utos samin ng ganyan?" tapang na sabi ni Hanna.
"I'm the Goddess. You are just my slave." confident na sabi ni Kim.
Humagikhik kami ni Hanna ng tawa. Grabi, ang hangin lang e no? Sana tangayin siya ng bagyo.
"Keep aiming high, bitch." sabi ni Hanna.
-------
Nakatayo na ako sa malaking bahay ngayon. Ewan ko kung ito ba ang tamang address nang inapplayan ko. Huminga muna ako ng malalim bago pinindot ang door bell. Nakatatlong beses ako sa pagdoor bell.
"Kayo ba si Ailey Santos?" tumango ako bilang sagot.
"Tuloy ka." malamig niyang sabi.
Pumasok ako sa gate. Grabe ang laki ng garden nila, may fish pond pa. Nang makapasok na ako sa mismong bahay, namangha ako dahil ang ganda ng mga furniture at mga paintings. Sobrang yaman pala magiging amo ko nito.
"Ako nga pala si Marites, housekeeper dito. Pwede ka nang magsimula bukas. 15,000 thousand pesos ang sahod mo sa isang linggo." napanganga naman ako.
Grabe, isang linggo 15,000 thousand agad? Tinatae lang ba nila yung pera? Nilibot ako ni Ate Marites sa buong bahay para daw makabisado ko mga sulok sulok sa bahay na 'to.
"Saan po pala yung aalagaan at babantayan ko, Ate Marites?" tanong ko sa kanya na bigla naman siyang napahinto sa paglalakad.
"Nasa school pa sila. Mamayang gabi pa uwi nila. Makakasama mo naman sila simula bukas. Nacheck ko background mo, since malapit lang school mo sa mansyong ito, sabi ng amo ko na pwede kang tumira dito. Libre lahat dito, pagkain at pagtira mo dito." sabi niya at naglakad na ulit pababa ng hagdan.
"Dito ang kwarto mo simula bukas." pinagmasdan ko ang kwarto.
Hindi naman malaki at hindi din maliit. Okay na din sakin 'to, may sarili din akong cr.
"Ito ang unang sahod mo, Ms. Santos." inabot niya sakin ang puting sobre.
Nang dumilim na nagpaalam na ako sa kanya para makauwi na ako. Naabutan ko na nanunuod sila Inay at Yesha nang palabas sa tv. Nagmano ako kay Inay at hinalikan ang noo ni bunso.
"Saan ka galing? Bat ngayon ka lang?" tanong ni Inay.
Umupo ako sa tabi ni Inay. Humarap ako sa kanya. Nagtataka naman siya sa mga ikinilos ko ngayon.
"Nay." tawag ko.
"Ano anak?" tanong niya.
"Kasi, nay. May inapplayan akong trabaho tapos natanggap po ako. Hindi naman sa iniinsulto ko hanapbuhay niyo, Nay pero gusto ko lang pong makatulong dito sa bahay at syempre sa inyo." nakayukong sabi ko.
"Kung yan gusto mo, walang kaso sakin. Siguraduhin mo lang na hindi ka mahihirapan ha, lalo na nag-aaral ka pa, Ailey." hinawakan ni Inay ang kamay ko.
"Anong trabaho ba yan?" tanong niya.
"Maid po. Sabi nung housekeeper sakin pwede daw akong dun nalang tumira kasi malapit lang sa school ko. Ayoko namang iwan kay----." pinutol ni Inay ang sasabihin ko.
"Okay lang anak. Okay lang samin yun. Mas maganda nga kasi malapit lang pala yung school mo doon sa pagtatrabahuan mo e." masayang sabi ni Inay.
"Paano po si Yesha, Nay?" tanong ko at nilingon si Yesha.
"Andito naman ako. Syempre uuwi ako nang maaga." sabi ni Inay.
Tumango lang ako. Umakyat na ako sa kwarto ko pagkatapos namin kumain. Nag-impake ako ng mga gamit at damit ko. Maliit na luggage lang ang dadalhin ko, yung mga usable na damit lang nilagay ko sa maleta. Pagkatapos kong magligpit, pumunta ako sa kwarto nila Inay at binigay ang 10,000 thousand. Yung limang libo pangkonsumo ko na yun sa isang linggo.
"Salamat, Ailey anak. Basta wag mo lang pahihirapan sarili mo ah." ngumiti lang ako at niyakap siya.
Kinabukasan, dahil half day lang ang pasok ko at mamayang 11 pa ay maaga akong umalis ng bahay. Sinalubong ako ni Ate Marites pagkadating ko sa mansyon. Inayos ko ang mga damit ko at nilagay iyon sa closet. Nilagay ko din ang picture namin ng pamilya ko sa side table.
"Sana magtagal ka dito, Ailey." sabi sakin ni Manang Russell, cooker dito sa bahay.
"Ay hihi. Bakit yan po ang nasabi niyo, Manang?" awkward kong tanong.
"Kasi alam mo ba, yung mga babantayan mo ay mga suplado." napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Ate Ruth, maid din dito.
"Mga suplado?" naguguluhan ako.
"Oo at wala pang mga modo." siniko ni Manang Russell si Ate Ruth.
Hindi ko alam ang pinagsasabi nila sakin ngayon. Mas lalo pa akong naguluhan ng sinabi ni Ate Ruth na...
"College na sila pero parang bata kung mag-isip."
College?
Nakalagay sa trabahanap.com ang mga information na mga bata ang babantayan ko pero bakit naging college daw?
Huh?
Umalis na ako sa kusina at pumunta nalang sa garden para magpahangin. Ang sarap ng hangin. Napaka-kalmado ng hangin ngayon.
So refreshing.
"Who are you?" napalingon ako at napatigil sa pagmuni-muni ng may nagsalita sa likod ko.
Ang gwapo.
"I'm asking you, nigga."
Napataas naman kilay ko dahil sa huli niyang sinabi. Nigga? Ngayon lang kami nagkita pero kung makasabi sa'kin ng ganyan kala mo kilala niya buong pagkatao ko!
"Oh, you are the new yaya? So pathetic." inirapan niya ako at naglakad palayo.
GANUN?!!!!!!!!
Kawawa daw ako?! Paano?! At bakit ako kawawa?!!
Sa sobrang inis ko, pumasok nalang ako sa school ng maaga. Kinuwento ko kay Hanna ang nangyari sakin kanina at guess what? Kinikilig pa siya.
"Gwapo ba?" excited siya e no?
"Hmm. Hindi ko alam."
Oo na. Gwapo nga siya pero bagsak naman ugali niya. Sinabihan ba naman ako ng nigga? Ngayon lang ako magmumura at masasabi kong GAGO SIYA. Ngayon palang parang gusto ko nang umalis dun pero hindi pwede kasi nga nakasalalay tuition at pang-gastos namin sa bahay ang perang kikitain ko dun.
"Wait sabi mong college na sila? So it means mga ka-edad lang natin sila? Omg, Ailey! Should I apply too?" masayang sabi ni Hanna.
Napailing nalang ako sa kagustuhan niyang mag-apply 'kuno. Basta lalaki, hindi mabibingi yang si Hanna.
"Look who's here." mataray na sabi ni Kim na ikinalingon namin.
"Nangangamoy basura na naman girls." sabi ni Kim sabay tawa.
"Nangangamoy plastic na naman girls." pag-gaya ni Hanna.
Patago akong ngumisi dahil sa sinabi ni Hanna. Nainis naman yung mga plastic at kala namin aalis na sila pero hinamon nila kami makipag-away.
"Mga duwag ba kayo?" taas kilay niyang sabi.
"Ang mga duwag lang ang naghahanap ng away. Kung sa tingin mo ikinaganda mo na yang pagfeeling reyna mo well to be honest lang parang kang tae." matapang kong sabi at inirapan pa siya.
"What did you say?!" inis na sigaw niya.
"Bawiin mo yung sinabi mo sa kanya!" Alipores 1
"Ang sama mo." Alipores 2
"Bakit ko pa babawiin? Eh nasabi ko na nga e. Bobo naman, yan kasi di nag-aaral ng mabuti." sabi ko at tumayo na.
"I hate you! This is not the last time na magkikita tayo, freak!" sigaw niya at naglakad na paalis kasama mga alipores niya.
Napatingin ako kay Hanna na pumapalakpak na ngayon at nakangiti pa ng mapalad.
"You're so brave." banggit niya.
7 PM, nakauwi na ako sa mansyon. Andito ako ngayon sa kusina kasama sila Ate Ruth at Manang Russell. Naghahanda kami ng hapunan para sa limang amo namin. Hindi ko alam pero habang nagluluto ako ng pasta, kinakabahan ako. Parang may mali kasi e.
"Okay na yan, Ailey. Ilatag mo na yan dito kasi maya-maya andito na yung lima." ngumiti sakin si Ate Ruth.
Nilapag ko na sa mahabang lamesa ang niluto kong pasta. Marunong naman akong magluto since ako lang din naman nagluluto sa bahay namin. After kong inayos ang mga inihanda naming pagkain ay dumiretso na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.
Tinawag ako nila Ate Ruth kasi nasa labas na daw ang lima. At nung dumaan sila sa harapan ko, napanganga ako kasi pota ang gwapo nilang lahat. Ang astig pa nilang lumakad, lakas maka F4. Natauhan ako ng siniko ako sa braso ni Ate Ruth kaya napayuko ako bigla.
Dumiretso sila sa hapagkainin. Pinagsilbihan namin silang lima. Utos dito, utos doon. Tama nga sinabi ni Ate Ruth na suplado ang limang 'to. Ni hindi man lang marunong gumamit ng 'po at 'opo. Hindi naman sa galit ako pero hindi sila napalaki ng maayos ng mga magulang nila.
"WHAT THE FU----." nagulat ako ng makita ko yung isang lalaki na nakatayo na ngayon at pinupunasan ng panyo ang pants niya.
"Sorry, Sir. Pasensya na po talaga. Hindi ko po sinasadya." napayuko ako dahil sa kamalian ko.
Hindi ko naman kasi sinasadyang mapuno ng tubig baso niya e. Naging lutang lang ako kaya di ko namalayan na nabasa ko na pala pants niya.
"You are just new here. Nagpakita ka na nang kamalasan!" sigaw sakin nung lalaki.
"Pasensya na talaga, Sir." nakayuko parin ako.
Gusto ko nang umiyak. Ngayon lang ako pinagalitan ng ganito. Kahit si Inay hindi ako sinisigawan ng ganito kalakas. Naiintindihan ko naman kasi na iba yung mundo ng mayayaman sa may kaya lang.
"Get lost!" sigaw niya pa.
"Stop it, Hail. We're in front of the food." yung lalaking nakaupo sa center table.
Nakahinga ako ng maluwag nang matapos na silang kumain. Habang nagliligpit kami sa mga pinagkainan nila, nagke-kwento naman 'tong si Ate Ruth niyo.
"Yung sumigaw sayo kanina siya si Sir Hail. Yung umawat naman si Sir Sync. Yung katabi ni Sir Hail ay si Sir Jiro, yung magkatabi naman sa right table ay si Sir Clyde at si Rain magpinsan sila." tumango lang ako sa sinabi ni Ate Ruth.
"Kung di pala sila magkapatid, bakit nasa iisang bahay lang sila nakatira?" tanong ko.
"Kagustuhan nang mga magulang nila." sagot ni Ate Ruth.
Pagkatapos namin magligpit, kami naman ang kumain. Ako na ang naghugas ng mga pinggan. After ko maghugas, natulog na din ako at maaga din akong gumising para maglinis sa buong bahay since 10 pa pasok ko. Nagsimula ako sa 1st floor, kasunod mga kwarto sa 2nd floor at sumunod ay ang 3rd floor. Madali lang sakin maglinis ngayon, syempre wala yung mga suplado dahil maaga daw pumapasok ang mga yun.
"Tama na yan, Ailey. Anong oras na baka malate kana sa klase mo." sabi ni Manang Russell.
"Last na po 'to, Manang." ngiti kong sabi sa kanya bago niligpit ang vacuum cleaner.
Naligo na ako pagkatapos kong maglinis. Umalis na ako ng bahay bago magpaalam kina Manang. Nilakad ko lang since super lapit lang naman ng school ko. Buti hindi ako late sa first class ko.
"Hoy. Ano na kwento girl?" kinakalabit ako ni Hanna kahit nasa harapan namin si Sir Harry.
"Maya na sa cafeteria." sagot ko at nakinig nalang sa lesson ni Sir.
Pagkatapos nang tatlong subject namin ay lunch break na, andito kami ngayon sa cafeteria. Hindi naman excited si Hanna sa kwento ko no? Pag-usapang pogi kahit nasa kabilang kanto pa yan si Hanna talagang dadayo pa yan palapit sayo. Ganyan siya e.
"So ano na sis?" nagliliwanag yung mata at tenga niya oh.
"Nakita ko na yung limang sisira sa buhay ko." malamig kong sabi.
"Grabe ka naman. Baka kukumpleto ng buhay mo." sabi niya at hinampas braso ko.
"Kung alam mo lang talaga kung gaano kabigat ang atmosphere sa bahay kahapon. Gusto ko nang umiyak dahil sinigawan ako nila ng ganun." sabi ko at uminom ng tubig.
"Ano? Magreresign ka?" tanong niya.
"Syempre hindi, kailangan ko ng pera ngayon. Magtitiis nalang ako." sabi ko.
"Wag kang mahiyang tawagan ako, Ailey. Reresbak ako pag sinaktan ka nila pero kung wala namang problema video chat tayo tapos sila kakausapin ko. Ay bet ko tuloy mag-apply." nakangusong sabi niya.
"Gwapo nga sila mga wala namang kaluluwa." sabay irap ko.
"Kung papayagan man ako ni Mommy na magtrabaho, talagang dyan ako mag-aapply." sabi niya na nakahalumbaba sa lamesa.
"Gusto mo talagang mag-apply sa impyernong yun, Hanna?" napakunot naman noo ko.
"Depende." tipid niyang sagot.
Tumawa nalang ako sa sinagot niya. Pagkatapos namin kumain, nagpaalam ako kay Hanna na dadaan lang ako sa library para manghiram ulit ng babasahin. Ano bang magandang basahin? History o Philosophy? History nalang since naiintrega parin ako kung sino pumatay kay Magellan. Kukunin ko na sana yung libro pero may nakahawak din sa librong yun. Napatingin ako sa kanya at laking gulat ko nang makita ko kung sino nasa harapan ko ngayon.
Shit.
Si Sir Jiro pala?
Napabitaw naman agad ako sa libro. Dito pala sila nag-aaral? Eh bakit hindi ko sila nakikita dati dito? Ah, tanga ka naman Ailey. Ang lawak lawak ng Westward University at ang dami ba namang nag-aaral na estudyante dito.
"Hi, Sir." nakayuko kong bati.
"Call me Jiro pag andito tayo sa school. Understood?" napaangat ang noo ko nang marinig ko yun mula sa kanya.
"O-opo, Si- ay Jiro." utal kong sabi.
Naglakad na siya palayo sa kinatatayuan ko. Ako, tulala lang habang pinagmamasdan siyang naglalakad. Bat ganun trato niya sakin? So pag nasa bahay kami magtaray-taray siya sakin pero pag dito sa school Jiro tawag ko sa kanya? Ganun ba yun?
"Hoy. Kanina ka pa tulala dyan? Simula nung pumasok ka dito sa room kanina naging ganyan kana. Problema mo?" napalingon ako kay Hanna.
"Ahh... Wala lang naman 'to." sagot ko at niligpit na mga gamit ko.
-------
"WHERE IS MY f*****g TEA?!"
Nataranta akong tumakbo papuntang living room habang dala-dala ang tray ng tea na inutos sakin ni Sir Clyde ba 'to? Paglapag ko ng tray sa coffee table ay yumuko ako ng konti para magsorry. Tinaasan niya lang ako ng kilay at kala ko pa naman magpapasalamat siya pero wala ata siyang bibig.
"Suplado." bulong ko at tumalikod na.
"What did you say?" napaharap ako sa kanya ng gulat.
Narinig niya kaya? O baka hindi? Hindi naman siguro kasi nagtanong siya e. Ulitin ko ba?
"Wala po sir. Enjoy your tea po." pekeng ngiti ko at naglakad na.
"Yaya!" napalingon ako sa may hagdan dahil doon galing ang sumigaw.
Tumakbo ako papunta kay Sir Rain ba 'to? Hindi ko pa masyadong kabisado mukha at pangalan nila e. Dalawang araw pa ako dito at parang nakatira na ako sa impyerno.
"Yes po sir?" tanong ko habang nakangiti.
"Iron all my clothes." malamig na sabi niya at umakyat na, sumunod lang ako sa kanya .
Pagkadating ko sa kwarto, pinakita niya sakin ang mga damit na paplanstahin ko. Habang ginagawa ko 'to, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya. Wala po siyang damit pangtaas kaya nadidistract ako sa 6 packs abs niya. Ang ganda ng katawan niya, perfectly fit at parang minamagnet ako.
"What are you looking at?" nakataas kilay niyang sabi.
Napaiwas naman ako ng tingin at ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Nakakahiya naman at nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Bobo mo, Ailey.
Buti nalang konti lang yung mga damit na plinansta ko at natapos din ako kaagad kasi kung mananatili pa ako dito baka masunog ko na yung damit niya, alam niyo nadidistract talaga ako. Pota.
"Sir, tapos na po." nakayuko kong sabi.
"You may now leave." tumango naman ako sabay bukas ng pinto sa kwarto niya.
Bumaba na ako ng hagdan nang madatnan ko si Sir Jiro sa may living room kasama niya si Sir Clyde, nag-uusap sila about sa History. Napatingin naman ako sa hawak na libro ni sir Jiro, yung History na libro na pinakawalan ko kanina. Huhu:(((
"Yaya!" napalingon ako sa tumawag sakin.
"Po sir? May kailangan po ba kayo?" tanong ko at ngumiting nakaharap kay Sir Jiro.
"Get me some coffee please." ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Tumango nalang ako at naglakad na papuntang kusina. Lumapit sa'kin si Ate Ruth at binigyan ako ng ngiti.
"Ate Ruth? Ganyan po ba talaga ugali nila? I mean, suplado ganun?" napatingin sa'kin si Ate Ruth at tumawa.
Nagtaka naman ako kung bakit siya biglang tumawa. Baliw lang?
"Hindi ko alam e. Bago palang ako dito ganyan na daw ugali nila sabi ni Manang Russell." napatango naman ako sa sinabi niya.
"May pasok ka pa bukas diba?" tanong niya sakin.
"Opo." tipid kong sagot at nilagay ko sa tray yung tasa ng kape.
"Pwede ka nang magpahinga kung wala na silang utos sayo." tumango lang ako at naglakad na dala ang tray.
"Ito na po, Sir." inilapag ko na yung kape sa coffee table.
"Thanks." pasalamat niya.
Aba! Nagpasalamat pa siya hindi katulad ng katabi niya, wala atang bibig o putol ata ang dila.
"May kailangan pa po ba kayo sir Jiro?" tanong ko.
"No. Just rest." mahinahon niyang sabi.
Tumingin ako kay Sir Clyde na nakatingin sakin na blangko ang mukha, ngumiti ako bago ibinalik ang tray sa kusina. Naglakad ako papuntang garden. Ang linaw ng langit ngayon. Ang daming stars.
Napabuntong-hininga ako. Namiss ko na sila Inay at Yesha. Kamusta na kaya sila ngayon? Wala naman kasi akong day-off ata? Inilabas ko ang cellphone ko para tawagan sila Inay.
"Nay? Kamusta na kayo? Kumain na ba kayo dyan?" bungad ko nang sagutin ni Inay tawag ko.
[Okay lang kami anak. Kakatapos lang namin kumain, tulog na si Shasha. Ikaw bakit napatawag ka? Kamusta ka dyan anak?]
"Okay lang din ako, nay. Namiss ko lang kayo. Wala kasi akong day-off, nay." huminga ako ng malalim.
[Bakit wala? Hindi ka ba nagtanong?]
Ay? Kailangan bang magtanong? Gagi, oo nga pala hindi ako nagtanong kung may day-off ba ako. Aish, tanga ko naman.
[Matulog kana dyan, Ailey. Wag mong papagurin sarili mo ah.]
Ganito pala yung feeling na malayo ka sa magulang mo? Nakakamiss. Naninibago ako. Nothing beats home talaga. Napabuntong-hininga nalang ako.
"Ay potang----!" napatakip ako ng bibig dahil sa gulat.
"Why are you still here?" napatitig ako sa kanya.
Gagi. Ang pogi naman nito. Sync ba pangalan niya? Ah, oo si Sir Sync. Ang perfect ng mukha niya, kapal ng kilay, at kahit medyo madilim kita ko parin tangos ng ilong niya. s**t. Para siyang si Zayn Malik.
Sana all.
"Ah, may iuutos po ba kayo sir?" napatayong sabi ko.
"No." malamig niyang sabi.
"Kanina pa po ba kayo dyan sir?" tanong ko nang lumapit siya sakin at nasa bulsa yung isa niyang kamay.
"No."
Umupo siya sa inupuan ko kanina kung saan nakatayo na ako ngayon. Nakatitig lang ako sa kanya habang nakatingin siya sa langit. s**t, yung Adam's apple niya halatang halata girls. Yung panga niyang perpekto.
"Uhmm, sir?" pag-agaw ko ng atensyon niya kaya napalingon siya sakin.
"What?" nakataas kilay niyang sabi.
"Wala po ba akong day-off? I mean po, isang araw para magpahinga?" tanong ko.
Nakataas lang kilay niya at umiwas ng tingin. Ay isa din 'tong hindi maayos kausap e. Pinutulan ata ng dila sis.
"Why are you asking for day off? I pay you to work for us."
Nakatingin lang siya sa langit habang sinasabi niya yun. Napayuko naman ako dahil sa narinig ko. Ganun? Bibisita nalang ako bukas after school. Ayoko namang hindi makita sila Inay kahit isang beses lang sa isang linggo okay na sa'kin.
"Ganun po ba sir? Sigee po, mauna na po ako sa loob." pekeng ngiting sabi ko.
Hindi ko na hinintay na magsalita siya, umalis na lang ako at naglakad papasok sa bahay. Nagshower muna ako bago natulog.
Maaga akong nagising para maghanda ng breakfast nila. Kumain na din ako ng palihim, 6:30 am pasok ko kaya nakabihis na ako bago nilapag mga pagkain sa lamesa. Napalingon ako sa kanila nang magsisiupuan na sa mga pwesto nila. Nakatayo lang ako habang kumakain sila, napatingin ako sa relo ko.
Shit. Late na pala ako.
Tumakbo ako sa kwarto ko at kinuha ang backpack bag, bumalik ako sa kusina at kumakain parin sila ng tahimik.
"Mga Sir's, m-mauuna na po ako." hingal kong sabi.
"Sabay kana sakin." lahat kami napatingin kay sir Jiro. Gulat at naguguluhan ako.
"Wait me in garage." dagdag niya pa.
-----
"Uhm... S-sir?"
Pabalik-balik tingin ko kay Sir Jiro at sa apat ko pang amo. Isasabay niya ako for sure? Eh bakit?
"Let's go." sabi ni Sir Jiro na naglakad na palabas.
Hinabol ko siya hanggang living room, yung apat naman nakasunod din sa amin. Hindi naman sa ayokong sumabay ha, pero kasi nahihiya talaga ako. Hindi naman kasi makapal mukha ko, I'm not Hanna.
"Aray!" napahawak ako sa noo dahil sa sakit.
Nabunggo ako sa likod ni Sir Jiro, pano ba naman bigla nalang humihinto ng walang pasabi. E nakasunod ako sa kanya. Humarap siya sakin at hinagis niya sa'kin bag niya. Eh? Nasalo ko naman yun pero diretso sa mukha ko nga lang.
"We're going now." sabi ni Sir Jiro at nilingunan niya yung apat.
"Let's go, woman." sabi niya sabay lingon sakin at naglakad na papuntang garage.
Nagbow muna ako sa kanilang apat to show some respect. Habang dala dala ko yung bag ko at bag ni Sir Jiro, tumakbo na ako at hinabol siya. Nang makarating na kami sa school, lahat ng mata nakatingin saming dalawa ni Sir Jiro. Hanggang ngayon kasi hawak ko pa bag niya.
"Ah, sir? Yung bag niyo po pala?" nakangiting sabi ko sabay abot ng bag niya.
Kinuha niya yun at tinalikuran ako pero hindi parin siya naglalakad. Nakatalikod lang siya sa'kin kaya nagtaka ako. Anong hinihintay niya ba? Hindi pa naman pasko o bagong taon. Anong tinutunganga niya?
"Sabay na tayo uwi maya." malamig niyang sabi.
Napalingon ako sa kanya. Nakakunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. S-sabay kami? Okay na sakin na sinabay niya ako papunta dito sa school pero sabay parin kami hanggang pag-uwi is not fine for me. Char?
Hindi naman ako assuming e pero gusto ata ako nito. HAHAHA
"S-sir Jiro?" nauutal kong pagbanggit.
"It's okay if you won't agree." sabi niya at nauna ng maglakad.
Hinabol ko naman siya pero napahinto din ako nang makita ko si Hanna na naglalakad papunta sa gawi ko. Kumakaway pa siya sa'kin pero sinundan niya ng tingin si Jiro na nakalayo na sa'kin.
"Oy, sino yun ha?" kinalabit niya pa ako.
"Yung amo ko?" walang kasiguraduhan kong sambit.
"Gagi! Ang gwapo naman ng amo mo, sis! Yung ba yung nagsabi sayo ng nigga?" tanong niya sakin habang nakasakay kami sa elevator.
"Hindi. Si sir Clyde yun." sagot ko.
"Ang swerte mo naman. Puro mga engineering mga amo mo." napalingon ako sa kanya nang makalabas na kami sa elevator.
"Swerte? Swerte na pala yung makatira ka sa impyerno?" taas kilay kong sabi.
"Hindi yun ang ibig kong sabihin. I mean, swerte mo kasi gwapo na nga at maskuladong lalaki pa ang amo mo!" masayang sabi niya.
Really Hanna? Napailing na lamang ako sa sinabi niya. Magkatabi kami nang inuupuan ni Hanna kaya I pretty sure na kukulitin na naman ako nito buong period. Nagtataka nga ako e, kung pinanganak lang ba siya para kulitin at asarin ako buong buhay?
Nagsimula na ang klase at tahimik lang akong nakikinig sa prof. namin. Buti nalang at tahimik bibig ni Hanna ngayon at nagdiwang ang dalawa kong tenga dahil hindi siya talkative ngayon. After three classes, nauna na akong kumain kay Hanna since may isa pa siyang klase na tatapusin. Andito ako ngayon sa may soccer field, nakaupo lang ako sa may d**o. May naglalaro din sa mismong field, puro mga lalaki lang, siguro mga player ng soccer? Nagulat pa ako nang makita ko si sir Rain na may bola sa paa niya at sinisipa niya iyon. Basta ganun, hirap magpaliwanag pag hindi ka mahilig sa sports e.
"Ay pota!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
"Your funny." tawang-tawa niyang sabi.
Inirapan ko lang siya at hinampas sa braso. Bwiset, kala ko mamamatay na'ko sa gulat. Takte kasi 'tong si Hanna, bigla bigla nalang mangti-trip e. Hindi niya talaga makakalimutan na kulitin ako araw-araw.
"Ang lalim naman ng iniisip mo? Kumain kana ba?" umupo siya sa tabi ko at tumingin sa mga lalaking naglalaro sa field.
"Sana all may isip." sabi ko at niligpit ang librong binasa ko.
"Sira." hinampas niya braso ko.
"Ang gwapo ni Rain e no? Sporty pa." sabi niya at napalingon din ako kay Rain.
Oo, gwapo nga. s**t, naalala ko tuloy yung katawan niya. Ang maskulado niya lang e no? Napailing-iling ako dahil sa naiisip ko. s**t, mali 'to e!
"Sarap niya siguro maging jowa e no?" napairap nalang ako sa sinabi ni Hanna.