Chapter 2

4501 Words
Ang dami niyang gusto maging jowa. Hanggang tingin lang naman siya, hanggang crush lang. Maganda si Hanna at sobrang kind niya pa pero goals niya na hindi daw muna siya papasok sa isang relasyon. We have this saying 'study first'. After sight seeing, bumalik na din kami sa klase. Kasalukuyan kong nililigpit gamit ko at handa ng umalis sa room nang tinawag ako ng kaklase kong si Samuel. "Naipasa mo na ba yung project mo? Nagtatanong si Ms. Yue kong naisama mo ba yung akin at kay Roy." sabi niya. "Oo. Naipasa ko na kahapon. Bakit wala ba doon?" sabi ko at nilagay sa likod ang backpack bag ko. "Wala naman nagtanong lang si Ms. Yue." tumango lang ako at naglakad na palabas ng room. Naglalakad na kami ni Hanna sa hallway ngayon. Nagulat at napahinto ako nang matanaw ko si sir Jiro sa may bench. Nakatayo lang siya na nakapamulsa ang dalawa niyang kamay. Ang astig nang tindigan niya mga sis! Nakita din ata ni Hanna si Jiro kaya napahinto din siya at sabay napalingon sakin na gulat na gulat. ----- Habang nasa kotse kami, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa seryoso niyang mukha. Kay gandang lalaki, perpektong ilong, makapal na kilay, nag-iigting mga panga, labi na kay pula. Napailing nalang ako dahil sa mga pinag-iisip ko. Tinuon ko na lamang sa labas ang atensyon ko. Nauna na akong lumabas sa kanya kasi ipapark niya pa kotse niya sa garahe. Nagpasalamat ako sa kanya at naunang pumasok sa bahay. Nagbihis na ako bago tulungan si Manang Russell magluto. "Manang, may mga day off po ba kayo?" tanong ko habang hinihiwa ang sibuyas. "Linggo day off ko at si Ruth naman ay Sabado." sagot niya. Tumango na lang ako at tinapos na ang paghihiwa ng sibuyas. Pagkatapos namin magluto, inihain na namin yung mga iniluto namin. Katulad kaninang umaga, tahimik lang din silang kumakain. Napapansin ko pang palihim lumilingon sakin si sir Jiro pero pinagsawalang bahala ko nalang yun. Nang matapos na silang kumain, niligpit na agad namin yung mga platong pinagkainan nila. Habang naghuhugas ako, todo kwento naman 'tong si Ate Ruth niyo. Tungkol lang naman sa kabataan niya, may minahal daw siya pero hindi naging sila kasi mayaman daw yung lalaki. Basta ganun kwento niya, di ko na inintindi yung iba pa niyang kwento. "Sir tawag niyo daw po ako?" tanong ko pagkapasok ko sa kwarto ni sir Sync. "Yes, take a sit." medyo kinabahan naman ako sa boses niyang kalmado. "May iuutos po ba kayo sir?" mahinahon kong tanong. "No." sagot niya. Ang gulo naman kausap nito. Napakamot naman ako sa ulo. Ano pala gagawin ko dito? Tutunganga lang habang nagcocomputer siya? Papanuorin siya na naglalaro sa computer? Ice-cheer siya habang tinatalo mga kalaro niya? "Bakit niyo po pala ako pinatawag?" kalmadong tanong ko. "Arrange all my clothes and shoes in my walk-in-closet." malamig niyang sabi. Tumango lang ako at nagtungo na sa walk in closet niya. s**t, ang daming sapatos na meron siya. Puro mga gucci, jordan's, fila, nike, converse at iba pa. Inuna kong ayusin mga damit niya at sinunod ko naman iarrange mga sapatos niya. Kinailangan ko pang gumamit ng upuan para maabot yung mga nasa mataas. Hindi naman kasi ako mala-model ang height, ako ay ordinaryong babae lamang. Habang inaabot ko yung isang pares ng sapatos ay biglang na out of balanace ang upuan na pinatungan ko kaya napapikit nalang ako kasi alam kong mahuhulog ata ako nito sa sahig pero... "Shit." May naramdaman akong malambot sa labi ko kaya napadilat ako sa gulat nang makita ko mukha ni sir Sync, nasa ibabaw niya ako. Nagmadali akong umalis sa pagkakapatong sa kanya at umubo pa ako. Pero nakita kong ngumisi lang siya kaya napaiwas ako ng tingin. Ang init. Ang init ng mukha ko. Yung first kiss ko wala na. Hindi na ba virgin lips ko nito? s**t. Nahihiya ako sa ginawa ko, sana lamunin na ako ng lupa ngayon. Iniisip siguro nito na gusto ko siya. Iniisip niya siguro na ginusto ko mangyari yun. Ay putek naman oh! Minadali ko nalang ayusin ang mga sapatos niya at nagmadaling lumabas ng kwarto niya. Huminga ako ng malalim nang makalabas na ako. Napahawak ako sa labi ko. s**t, that's hot. Pagkababa ko nang hagdan nakita kong nakaupo mag-isa si sir Jiro sa living room, napatingin pa siya sakin ng makababa na'ko. Tumayo siya at naglakad papunta sa'kin, hawak hawak niya yung libro nang History na pinag-agawan namin nung nakaraan sa library. "Here. Tapos ko na basahin yan." sabi niya sabay abot nung libro at umakyat na nang hagdan. Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang mawala na siya sa paningin ko. Napatingin ako sa hawak kong libro. So ako magsasauli nito sa library? Obligasyon ko pa tuloy magsauli nito. Aish. Naglakad nalang ako papunta sa garden. Ayoko pang matulog, kailangan ko muna ng hangin kasi nakalimutan kong huminga pagkatapos nung nakakahiyang pangyayari kanina. Kainis ka Sync! Ninakaw mo first kiss ko! "Nigga?" napalingon ako kay sir Clyde. Napataas naman kilay ko dahil sa tinawag niya sa'kin. Sarap niya itapon sa Pasig river, sis. Mukhang bibig niya sa'king nigga na yan! Nakakainis e. "Anong meron sa inyo ni Jiro?" napakunot noo akong lumingon sa kanya. Umupo siya sa tabi ko na nakataas padin ang kilay niya. Anong sinasabi niyang anong meron sa'min ni Jiro? Wala naman ah? Bakit niya tinatanong yun? There's nothing between me and sir Jiro. Char? "Wala naman. Bakit niyo po natanong?" nakakunot parin noo ko. "There's something between you and him." napatingin ako sa kanya habang siya ay nakatingin sa malayo. "Wala po sir. Amo ko po siya katulad niyo." mahinahong sagot ko habang nakatingin sa langit. "Well, you're not worthy to be with." inaasar niya ba ako o iniinsulto niya pagkatao ko? Unang una, sinabihan niya ako nang nigga at ngayon kung makasabi siyang ganyan, kilala na niya 'ko? Judgemental masyado! Oo pogi siya pero pang impyerno ugali niya pagnamatay siya! Cursed him. "Okay." sagot ko. "Tapos kana ba insultuhin ako? Kung ganun alis na po ako." pekeng ngiti ang binigay ko sa kanya bago ako tumayo. Bago pa man ako makaalis ay nagsalita ulit siya na agad ako napalingon sa kanya habang nakakuyom ang dalawang kong kamay. Bakit ba ganyan siya? Sino ba siya para takutin ako? "Hindi ka din magtatagal dito." seryoso siyang nakatitig sa'kin. Nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay. Sumunod na din ako dahil lumalamig na yung hampas ng hangin sa balat ko. Kinabukasan maaga akong nagising dahil wala si Ate Ruth dahil day off niya, sana all diba? Pàgkatapos kong diligan ang mga halaman sa garden ay pinakain ko na din ang mga isda sa pond. Naglaba din ako nang mga nasuot kong damit, nilinis ko din kwarto ko at kwarto nila Manang at Ate Ruth. Since kakalinis ko lang ng buong bahay nung nakaraang araw ay hindi muna ako maglilinis ngayon. Minsan sa buhay mapapagod ka talaga, kadalasan naman tinatamad ka. Cycle of life ha? "Get me a coffee please." utos sakin ni Sir Hail, tumango lang ako. "Sa inyo po sir Jiro?" tanong ko kay sir Jiro. "A tea for me." ngiting sabi niya. Ngumiti din ako at tumango. Nagtimpla na ako ng kape at tea. Anong pinagkaiba nun? Parehas lang ba yun? Ang tsaa ay gawa sa dahon samantala ang kape ay gawa sa beans. Basta ganun, hindi kasi ako nakinig nung naglesson yung teacher namin nung grade 6 ako. "Ito na po mga sir." sabi ko sabay lapag nung kape at tsaa sa coffee table. "Thanks." buti ka pa sir Jiro nagpapasalamat hindi katulad ng iba dyan. "Walang anuman po sir." sabi ko pero kay sir Hail ako nakatingin habang nakangiti. Nakakunot naman noo niya. At tinaasan lang ako ng kilay. Hindi marunong magpasalamat ah! Umirap lang ako sa kanya at naglakad na pabalik sa kusina. ---- May naramdaman akong kamay na humahaplos sa buhok ko, dahan dahan kong minulat ang aking mata para makita kung kaninong kamay yun at nagulat ako dahil sobrang lapit nang mukha ni sir Jiro sa mukha ko kaya automatic akong napatayo. Ngumiti lang siya sakin at umupo sa desk table. Nakatulog pala ako dito sa library pagkatapos kong maglinis. "You fall a sleep? Are you tired?" tanong niya sakin habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay. "Ay hindi naman po sir." ngumiti ako at inayos yung mga librong binasa ko kanina bago ako nakatulog. "You can go to your room and take some rest. Wala na kaming iuutos sa'yo." sabi niya at tumayo. "O-okay na po ako sir. Gising na po diwa ko ngayon." umiwas ako ng tingin nang inoobserbahan niya mukha ko. "You look pale. Take a rest now." sabi niya at naglakad na papunta sa pinto. Pinagmasdan ko lang siya hanggang mawala na siya sa paningin ko. Inilagay ko na ulit sa book shelves yung librong binasa ko. Pumunta nalang ako sa kwarto ko at nagshower saglit, pampatanggal toxic sa katawan. Pagkatapos kong maligo, pumunta ako sa kwarto ni sir Rain para maglinis kasi madumi na 'daw kwarto niya. "Ah sir? Baka gusto niyo munang umalis dito kasi maglilinis ako?" taas kilay kong sabi. Paano ba naman, wala ata siyang balak umalis sa kinatatayuan niya e maglilinis nga ako. Bahala nga siya kung ayaw niya umalis, bobo naman! "There! Ayusin mo nga paglinis." reklamo niya. Aba! Kaya pala ayaw niyang umalis para lang obserbahan performance ko? Takte yan. Ako na nga naglilinis may paepal pang antipatiko dito! "Alam ko po sir." mahinahong sabi ko. "Oh ayan pa oh!" sigaw niya. Minsan lang ako magmumura pero pisti talaga. Hindi ako makapagfocus dahil puro siya sermon at reklamo. Bwiset e. "Nalagpasan mo na yung dumi, yaya!" tinuro niya pa yung sahig na may madumi 'daw. Arte! "Ah sir? Kayo nalang po kaya maglinis since may microscopic eyes po kayo." kalmado parin ako kahit talagang pikon na 'ko deep inside. Tinaasan niya lang ako ng kilay at nagkabit-balikat na nakaharap sa'kin. Umirap lang ako at naglinis nalang. Siya ipasok ko sa vacuum cleaner e! Paepal masyado. Siya nalang kaya maging yaya, ako taga utos sa kanya. Keri niya kaya yun? "Yaya! Ito pa oh!" napairap nalang ako ng wala sa oras. Okay lang talaga sakin na maglinis ako nang walang paepal e pero sa kaso ko ngayon parang sasabog na ako. Sinasadya niya ba 'to? Pinipikon niya ba ako? Naglakad ako palapit sa kanya para kunin ang walis, ipapalo ko lang 'to sa kanya. Char lang? "Oh san ka pupunta?" taray niya tanong. "Sasama ka?" mahinahong sabi ko at tinaasan niya agad ako ng kilay. "Where?" tanong niya. "Impyerno. Susunugin lang kita." pero syempre hindi ko yan sinabi. Baka ipatapon niya ako sa impyerno talaga. Mahirap na baka totohanin niya. "Maglilinis po? Balita ko mala- microscope mata mo, baka gusto mong tignan yung bathroom mo kung may germs o bacteria ba?" pilosopong sabi ko. Nagulat naman siya sa pagsagot ko. Naglakad na ako papuntang bathroom niya, malinis naman cr niya e. Lumabas na ako at niligpit ang vacuum cleaner at tsaka lumabas sa kwarto niya. Bahala siyang tulala don, pinikon niya ang isang Ailey Novien Santos. Char? Kinuha ko na yung mga nilabhan kong damit kanina at nilagay sa closet. Kasalukuyan akong nasa kusina kasama si Manang Russell na nagluluto para sa hapunan nila. Around 6 PM, kumakain na sila habang ako nilalagyan ng tubig mga baso nila, sana nga mabilaukan 'tong Cylde na 'to at si Rain, magpinsan talaga e. "Yaya, water." sabi ni sir Hail sa'kin habang inangat baso niya. Nilagyan ko ng tubig baso niya. Babalik na sana ako sa kinatatayuan ko kanina pero nakita kong tinititigan ako ni sir Rain kaya napairap ako sa kanya. Bwisetin mo pa ako hayup ka. Tumawa lang siya kaya napatingin yung apat sa kanya (include me) na nagtataka kung bakit siya tumatawa, lakas amats amp. "What?" taray na tanong niya sa apat. "Babo." sabi sa kanya ni Clyde. Anong babo? Bobo? Baboy? Ano yun? Pagkatapos nilang kumain ay niligpit na namin pinagkainan nila at sabay na kaming kumain ni Manang sa kusina. Ako na din ang naghugas since hindi naman ganon karami. Pagkatapos kong maghugas, tumambay muna ako sa may garden pero wala akong makitang stars kahit isa. Siguro uulan ngayong gabi. Sarap matulog sa gabi pag naulan e no? "Oh bakit napatawag ka?" tanong ko kay Hanna sa kabilang linya. ["Wala. Mangangamusta lang."] masayang sabi niya. "Kanino? Ako o yung mga amo ko?" taray kong tanong. ["Yung mga amo mo."] Ay tarantado. Taksil na kaibigan. Ngayon na nga lang tumawag iba pa ang hinahanap at kinakamusta. Hanep din e no? "Edi ikaw na walang kwentang kaibigan." pabirong sabi ko na agad naman siyang tumawa. ["Char lang. So may chika ka ba sakin? Mga happenings dyan sa mansyon?"] "Wala naman. Puro mga utos lang. Wala namang magandang nangyari." walang ganang sagot ko. ["So, kamusta naman sila? Pinapakain mo naman sila 3 times a day diba?"] "Ay taray teh! Kailan ka pa naging nanay sa kanila?" ["Hehehe ngayon lang siguro?"] tawang sabi niya sa kabilang linya. "Langya ka. Usap nalang tayo pag nakalabas na ulit ako sa impyernong 'to." sabi ko. ["Sure. Send my regards to your amo's."] Ganun? May pa-regards sa amo ko pero wala man lang sa'kin? Nakakapagtampo lang slight. Binaba ko na din yung tawag at tumingin sa langit. Tumayo na ako at naglakad ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. "Gagi." Dali dali akong tumakbo papasok pero naabutan ako nang ulan kaya ngayon buong katawan ko ay basang basa na. Ni hindi man lang ako hinintay makapasok sa loob. Look like I'm a mess now. Yes, nagsasalita po ako ng English pero sa utak ko lang. "Where have you been?" tanong sa'kin ni sir Sync at napatingin siya sa...sa...dibdib ko? Napatingin din ako sa dibdib ko, s**t halata yung bra ko. Nakalimutan ko na puting damit pala suot ko at itim na bra kaya napatakip ako sa dibdib ko gamit ang dalawa kong kamay. Nakita kong ngumisi siya na ikinagulat ko. "That's....hot." Bago niya ako tinalikuran hinagisan niya ako ng towel. Buti kami lang dalawa andito, nahihiya tuloy ako. Unang una, nagkiss kami at ngayon nakita niya ano ko...basta! --- Sobrang bigat ng aking pakiramdam nang ako'y bumangon sa pagkakahiga. Napahawak pa ako sa noo ko nang maglakad ako papuntang cr. Naligo lang ako saglit at nagbihis na parang labag pa sa kalooban kong kumilos. Ang bigat ng pakiramdam ko, promise. Anytime babagsak nalang ako nito sa sahig pero sinubukan ko paring maglakad nang maayos at nagtungo sa kusina para magluto at nakita ko si Ate Ruth. So nakabalik na pala siya at si Manang naman ay may day off? Bakit ako wala? "Bakit ganyan mukha mo, Ailey? May problema ka ba?" tanong sa'kin ni Ate Ruth. "Wala naman po?" tinuon ko sa pagluluto ang atensyon ko. "Bakit parang....ang tamlay mo ngayon?" lumapit siya sa'kin at nakatitig lang sa'kin. "Wala 'to, Ate Ruth. Nga pala, kanina ka pa ba nakabalik dito?" pag-iiba ko nang topic. "Kanina pa ako 5 andito." naglakad siya palayo sa'kin at naglapag ng mga plato sa malaking lamesa. Minadali ko nalang ang pagluluto ko nang bacon, eggs, hotdog, fried rice at nilagay na din iyon sa lamesa. Napahawak naman ako sa noo kong mainit. Bakit mainit noo ko ngayon? Kaya ba mabigat pakiramdam ko dahil may lagnat ako? Marahil siguro dahil nagpaulan ako kagabi. Aish. "Good morning." bati ni sir Hail sa apat nang makaupo na sila sa lamesa. "Morning." - sir Jiro. "What's good in morning?" mataray na sabi ni sir Clyde. "You moron." - sir Rain. "Shut up, please." mahinahong sambit ni sir Sync dahilan para tumahimik ang apat. Nilagyan ko na nang tubig ang mga baso nila bago ako pumunta sa kusina. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa init. Natigilan pa ako nang magsalita si Ate Ruth at lumapit sakin. "May lagnat ka ba?" hinawakan niya noo ko at nagulat siya. "W-wala lang po 'to, Ate Ruth." napaiwas ako ng tingin nang may kinuha siya sa bulsa niya. A paracetamol? "Inumin mo na yan, Ailey. Magpahinga ka nalang ako na kikilos para sa'yo." sabi niya at binigay sakin ang paracetamol na hawak niya. "Kaya ko pa naman, Ate Ruth e. Di ko naman ikakamatay 'to." katulad ng sinabi niya, ininom ko na yun. "Magpahinga ka nalang para agad kang gumaling." sabi niya at umalis na palayo sa'kin. Kahit labag sa loob ko sundin ang sinabi niya ay naglakad na din ako papunta sa kwarto ko at humiga. Nagkumot ako hanggang sa leeg. Ang lamig kasi e. Pag nilalagnat ako nun si Inay nag-aalaga sa'kin pero ngayon nalulungkot ako kasi ako nalang ang nag-aalaga sa sarili ko. Nakakamiss naman sila Inay at Yesha. Bibisitahin ko na talaga sila bukas, promise! Nagising ako dahil sa ingay. May kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Nagulat ako nang mukha ni sir Sync ang nakita ko. Anong ginagawa niya sa tapat ng kwarto ko? "Yaya Ruth told me that you're sick. So here, I bought you medicine." napaiwas pa siya ng tingin at nakita ko ang pamumula ng dalawa niyang pisngi. "Hindi na sana kayo nag-abalang bilhan pa ako nito." sabi ko at kinuha yung plastic sa kamay niya. "Why? Are you expecting something?" napataas naman kilay ko at inismiran siya. "You're cute." gulat akong napatingin sa kanya. What? Me is cute daw? Totoo ba? "Pardon po sir?" nagkunwari akong di siya narinig. "No need to repeat it. I know you heard it, woman." ngumisi siya habang sinasabi niya yun. "Ganun? S-salamat dito." inangat ko konti ang plastic na hawak ko. "Have you been eaten?" tanong niya na hinahaplos pa batok niya. "Nagkape lang po ako kanina." sagot ko. "Why? You didn't eat rice?" andami naman atang tanong nito? Hindi naman siya mukhang nag-alala e no? "Hindi po ako kumakain ng kanin sa umaga." napailing pa ako. "You should eat now, woman." malamig na medyo may pag-alala ang tone ng boses niya. Nagulat ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko at walang pasabing hinila ako papuntang kusina. Hindi ako makapagsalita dahil gulat parin ako. Why is he acting like he care for me? I was just a yaya here and he is my amo! "Cook for yourself now." inuutusan niya ba ako? Akala ko pa naman ipagluluto niya ako, hinila pa ako dito para ipagluto sarili ko? Aish. Hindi naman sa assuming ako pero kasi ito yung napapanuod ko sa teleserye e! Yung ipaghahain ng lalaki yung minamahal niyang babae. Ang tanong! Yaya niya lang naman ako diba? "No, not that. You must eat a healthy food like vegetables." reklamo niya. "Ako po ang magluluto at ako din ang kakain." kalmadong sabi ko. Inirapan ko lang siya at kinuha ang itlog sa fridge. "Step back." utos niya, agad naman akong napaatras. Kinuha niya sa kamay ko ang itlog, ibinalik niya iyon sa fridge at mukhang nag-iisip kung anong kukunin niya. Nag-iisip pa siya n'yan? Nagkabit-balikat lang ako habang hinihintay siyang makapili kung anong kukunin niya mula sa fridge. Matagal bago niya isinara ang fridge at hawak niya ang POTATO? "Anong gagawin ko dyan?" taray kong tanong. "Lulutuin?" pabarang sagot niya. "Bakit yan pa?" nakakunot noo kong tanong. "Lutuin mo like a potato fries." napasinghap ako dahil sa sinabi niya. "It takes time para gawin yung sinasabi mo ano ka ba." Kung itlog nalang kaya lutuin ko mas madali pa kesa sa sinasabi niya. Aayain niya akong magluto tapos siya pa 'tong mapili. Ano trip niya? Gulo niya din kausap e. "Sync." sabay kaming napalingon kay sir Hail? Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang lingunin niya ako. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni sir Sync, naguguluhan at nagtataka ang kanyang expression sa mukha. "What?" malamig na tanong ni sir Sync sa kanya. "What are you guys doing? I thought Yaya is sick?" tanong niya at nakatitig sa mga mata ko. "Yeah, but I asked her to cook for herself because she didn't eat breakfast." mahinahong sagot naman ni sir Sync. "Oh, I see." tumango lang siya. "What do you want?" tanong ni sir Sync sa kanya. "Let's talk. About..." mukhang nakuha naman ni sir Sync ang ibig sabihin ni sir Hail kaya umalis na sila. Nagluto nalang ako ng sunny side up, kumain na din ako at uminom ng gamot na binili pa ni sir Sync sa Mercury drugs. Seryoso? Bumalik na din ako sa kwarto ko at natulog. Nagising ako bandang 11 AM, hinawakan ko noo ko para i-check kung mainit pa ba ako. At masaya akong hindi na ganun kainit, di katulad nung pag-gising ko kaninang umaga. Ako na ang nagluto ng tanghalian namin dahil kasalukuyang naglalaba ng mga damit si Ate Ruth sa likod. "Are you okay?" muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong plato dahil sa gulat. "Nakakagulat naman kayo sir." sambit ko habang nakahawak sa dibdib ang kabila kong kamay. "Oh... I'm sorry." ngumiti lang ako at nilapag na ang mga plato sa lamesa. "What's that?" tanong ni sir Jiro habang tinuturo ang niluto kong sinigang at tinola. "Sinigang at tinola po." proud kong sabi. "The smell is gross." arte niyang sabi. "What the? What's that?" reklamo ni sir Clyde sa niluto ko. "Pagkain?" pabara kong sagot. Napataas nalang ang kilay ko dahil sa kaartehan nilang lima. Seryoso ngayon lang ba sila makakain ng ganyan lutuin? Mga mayayaman kasi kaya ganyan ugali. Aish. Parang sila yung langit dahil sila ay mayaman at mahirap abutin at ako naman 'tong nasa lupa dahil ako ay mahirap. Parang ganun! "Kain na kayo. Walang lason yan." sabi ko, sabay silang napalingon sa'kin. "At wala din yang gayuma." dagdag ko pa. Tahimik lang silang lahat habang tinititigan ang mga nakahain sa lamesa. Hindi ba talaga nila kakainin niluto ko? May sakit ako pero nagluto parin ako at pinagsilbihan sila. Grabe naman! "Hindi po kayo mabubusog n'yan kung mata ang gagamit niyo para kumain." pilosopo kong sabi. "Are you sure that there's no poison in your dishes?" tanong ni sir Rain. "Bakit ko po kayo lalasunin?" seryoso ang mukha ko. "You're just new here, tho." sagot naman ni sir Hail. "Aish. Ang arte niyo naman! Hindi naman ako masamang tao. If ayaw niyo kumain bahala kayo dyan." tinalikuran ko na sila at naglakad na paalis sa dining area. Nagtago ako sa counter top at nakita kong nagsimula na silang kumain. Nakita ko pang napangiwi silang lahat nang tikman nila ang sinagang na niluto ko. "It tasted so good." sabi ni sir Jiro. "Not bad at all." tumango naman si sir Sync, ngumiti ako nang tuloy tuloy na sila sa pagkain. "Yaya!" tawag sakin ni sir Rain. Taas kilay akong lumapit sa kanila. Nagulat pa akong naubos nila yung inihanda ko. Seryoso? Arte pa sa una pero chibog naman sa huli. Kunwari nandiri pero gusto pala sa huli. Napailing nalang ako nang iniangat nilang lima ang mga plato nila. Para silang mga bata, promise. "Good job, babies!" pabirong sabi ko at pinapalakpakan sila. "Babies?" sabay sabay nilang tanong at nagkatinginan pa. "Kala ko kasi mga bata babantayan ko, nabudol ako." napairap pa ako sa hangin. "Sync posted that information on the site." sabi ni sir Hail at tinuro pa si sir Sync. "I didn't posted that. Ate Marites did." kabit-balikat niyang sabi. Hinayaan ko nalang silang magbangayan at niligpit ko na lang mga pinagkainan nila. After kong maghugas, kumain na din kami ni Ate Ruth. Dahil okay naman na ang pakiramdam ko ay kumilos na ako para maglinis ng bahay. "Are you okay now?" humarap ako sa nagsalita. "Ah opo sir. Okay na okay na 'ko."nakangiting saad ko. "You should rest. I can do it."inagaw niya sa'kin ang walis. "Sir Sync okay na po talaga ako."pilit kong inagaw sa kanya ang walis. Pero dahil matangkad siya ay nasubsob ako sa matitigas niyang dibdib. Super bango niya. Naaamoy ko ang mamahalin niyang pabango. Dama ko din ang tigas nang dibdib niya. "Chansing."ngumisi siya at inismiran ko lang siya. Chansing daw? Kapal ng mukha e! "In your dreams po."tuluyan ko nang naabot ang walis sa kamay niya. "Last night I've dreamed of you." napakunot ang noo ko dahil baliw siya. "Bakit niyo naman po ako napaginipan sir?"iniwasan ko yung titig niya sa'kin. Nagwalis nalang ako at hindi siya pinapansin. Baliw e?! Lakas amats pre! "I don't know why. Maybe because I'm always thinking of you?" napalingon ako sa kanya nang nakanganga. "Baliw kayo sir."sabi ko pero may tunog respeto. "Am I?" aniya. "Trip niyo ba ako asarin buong araw sir?"taas kilay kong tanong sa kanya. "No."ikli niyang sagot. "Ano ba? Bakit gusto mo akong asarin?" taas na tono kong sabi. "Gusto kita."seryoso na malamig niyang sabi. Napatakip ako ng bibig nang sabihin niya iyon. He must be crazy. He's insane. Why does he say such thing? Did he really mean what he's saying? Or he was just joking? "........." Gago. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa pinagsasabi niya ngayon o maaasar ako kasi parang trip niya akong kulitin buong araw. Type niya daw ako? Hala, paano? Naguguluhan ako, takte. Di ko alam kung anong sasabihin ko, parang naparilisa ako. "Hey."pinisil niya ang chubby cheeks ko. Binigyan ko lang siya ng matalim na tingin. Gago siya e! Napailing nalang ako at binuksan na ang pinto habang dala dala ko ang walis. Paluin ko siya nito e! "Yaya." napalingon naman ako kay sir Jiro na pababa na nang hagdan. "Yes po sir?"tanong ko nang makalapit na ako sa kanya. "Can I ask you?"napatango naman ako agad. "Ano po iyon sir?" napahawak ako sa rehas na bakal ng hagdan. "What's your name? A real name."nahihiyang tanong niya. "Ahhh. Ailey Novien Santos po."nakangiting sagot ko. "Okay."tumango tangong saad niya. Nauna na siyang bumaba sakin at bumaba na din ako. Dumiretso agad ako sa bodega para ibalik yung walis na kinuha ko. Pagbalik ko nasa living room na silang lima, naglalaro nang Mobile legends 'daw yun. Naglalaro kasi si Hanna nang ganyan, 3 years na siyang grandmaster 1. "Stop following me, Hail." sabi ni sir Clyde at sinipa si sir Hail sa tagiliran. "You moron, I'm not following you. I'm going in the mid lane."saad ni sir Hail kay sir Clyde at sinipa ito pabalik. "Just focus guys. We're going to defeat if you guys keep on arguing."awat naman ni sir Jiro sa kanila. Ang cute nilang pagmasdan. Aakalain mo talaga na magkapatid silang lahat dahil pareho pareho silang matatangkad. Ang guwapo pa nila, may mga lahi ata sila e, ang kinis kinis pa nang mga kutis nila. Ang ganda ng mga mata nila at kapal na kilay na meron sila. Sana all makapal diba? Ako kasi, kapal ng mukha lang. At kapal ng bolbol. Char? "Bobo mo, Rain."ani ni sir Clyde. "You gago."pinakyuhan ni sir Clyde si sir Rain. Tumawa ako dahil para silang mga bata kung titingnan mo. Si sir Sync, seryoso ang mukha. Si sir Rain, parang natatae na ewan? Si sir Hail, nagkasalubong ang dalawang kilay. Si sir Jiro, kalmado lang ang mukha samantalang si sir Clyde naman ay nagmumura na yung mukha. Basta ganun!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD