Maaga akong nagising para sana magluto ng breakfast pero nakita kong nagluluto na si Manang Russell kaya pinaligo nalang niya ako. Pagkatapos kong maligo, nagkape nalang ako at nagtoothbrush pagkatapos. Dahil maaga pa naman ay maglalakad nalang ako, nakasalubong ko si sir Jiro at sir Sync sa labas nang gate. Nagtataka ako kung bakit andito pa sila, diba dapat kanina pa sila umalis?
"Get in." malamig na sabi ni sir Sync kaya napatingin ako sa kanya.
"Sabay kana sakin, Ailey." napalingon ako kay sir Jiro.
Nagkatinginan silang dalawa. Ako, pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ano 'to? Bakit ganito? Anong ginagawa nang dalawang 'to dito? At tinawag ako ni sir Jiro sa pangalan ko? Eh beket?
Hala?
"Get in now, woman." nakakunot ang noo ko nang seryoso na ang tono ng boses niya.
"No. Sabay na kami." napabuntong-hininga nalang ako nang makita kong nakakuyom na ang kamao nilang dalawa.
"Maglalakad lang ako mga sir." sabi ko at tinalikuran na sila.
"Ailey!" tawag sa'kin ni sir Jiro.
Hindi ko maintindihan kung bakit nag-aagawan sila sa pagsabay sakin sa school. Ayokong mag-assume ha, pero bakit ganun? Hindi ako maganda, enebe nemen te! Grabe yung tensyon kanina sa pagitan nilang dalawa. Parang may kakaiba na hindi ko masabi at hindi ko malaman kung ano yun. Yung tinginan nilang dalawa parang may something.
Wait!
Baka may pagtingin silang dalawa sa isa't-isa? Hindi naman ata no? Paanong mangyayari yun? Tss. Crazy mind of mine.
"Hey." napatalon ako sa gulat dahil nasa tabi ko na pala si sir Sync.
"Sir? Kanina po ba kayo dyan?" tanong ko habang nakatitig sa kanya.
"Yes. I'm talking to you and it seems like you didn't hear me." napatingin ako sa likod namin at wala na akong nakitang kotse ni sir Jiro. Wala din yung kotse ni sir Sync.
"Saan po kotse niyo sir?" nagsimula na akong maglakad, sumunod lang siya sakin.
"I prepared to walk with you. Is that okay?" tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa.
Nang makarating na kami sa school, nauna na akong maglakad sa kanya papasok sa gate. Nagulat ako nang hawakan niya kamay ko at iniharap niya ako sa kanya. Napatingin ako sa paligid dahil pinagtitinginan na kami ng mga estudyante.
"Ano po yun sir?" bulong ko sa kanya.
Nakakunot naman ang noo nang hindi niya sinagot ang tanong ko. Nakakapagtaka na ah! Hindi naman kami ganito kung magpansinan dati ah! I'm just a nobody here while he's a famous Engineering student in this campus. Char? Panay na English speaking ko ngayon ah? Nahawaan na ako sa mga amo kong Englishero!
"Manang and Ate Ruth have the Saturday day off while you have Sunday day off. Is that okay for you?"
"Talaga sir?" manghang tanong ko.
"Yeah." napaiwas siya ng tingin pero nakita kong namula ang tenga niya. Why?
After magsink-in sa utak ko ang lahat ng sinabi niya ay napayakap ako sa kanya nang hindi ko alam. Nagulat siya sa ginawa kong pagyakap kaya napabitaw ako at ngumiti nalang nang nahihiya sa kanya. s**t. Baka isipin nitong gusto ko din siya. Hala?
"S-salamat sir. Sige po, alis na'ko may klase pa ako e." tinalikuran ko na siya at magsisimula na sanang maglakad pero napahinto din ako dahil may sinabi siya.
"Stop calling me sir. Starting today call me love instead." laglag panga akong napalingon sa kanya.
Lab dab lab dab >//////////////////////////////////////////////<
Talaga bang hindi siya hihinto sa pang-aasar sakin? Nagwawala na naman bulate ko sa tyan at nagtatakbuhan na naman lahat ng dugo ko papunta sa pisngi ko at sa mga oras na ito namumula na ako for sure. Bwiset siya!
"You're cute." sabi niya at pinisil pa ilong ko.
"Stop doing that." nagulat ako dahil sa salitang lumabas sa bibig ko.
Naki-English na din ako pota. Nahawa na talaga ako sa isang 'to. Sabi ko sa sarili ko na No to English speaking e! Tapos ngayon nakakagulat nalang. Inirapan ko nalang siya bago binuksan ko ang pinto at lumabas na. Nauna na din akong naglakad sa kanya kasi ipa-park niya pa kotse niya.
"Love." gulat akong napalingon sa mukha niya pababa sa kamay ko na hawak na niya ngayon.
"Mas makulit ka pa kesa sa bata." kalmadong sambit ko.
"Why? Do you love kids?" tanong niya.
"Oo at bakit mo tinatanong?" taas kilay kong tanong.
"Hi Mommy!" masigla niyang sabi at nagpuppy eyes pa.
Ay gago!
Napanganga naman ako dahil sa inakto niya. Hinila niya ako at sabay kaming naglakad papasok sa elevator. Sabi niya ihahatid niya daw ako sa first class ko kahit ayaw ko wala akong choice dahil hawak hawak niya kamay ko. Ang dami na ngang nakatingin sa'min e. Pinagbubulungan pa nila kami at para bang may nakakahawa kaming sakit kasi todo iwas sila samin pag dumadaan kami sa hallway.
"See you later, love."sabi niya at pinisil pisngi ko.
Kinilig naman ako dahil sa sinabi niya. Gago! Bakit ganito nararamdaman ko? Wala akong naging boyfriend simula nung sinilang ako. Kaya hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Isa pa wala din ako naging crush noon hanggang ngayon. Focus sa pag-aaral lang talaga ang ginagawa ko sa buhay.
"Hoy, babae! Ikaw ha. Sino yun?"umupo ako sa tabi ni Hanna.
"Huh? Sinong sino yun?"pinangsisingkitan niya ako ng mata.
"Yung poging lalaki. Taga Engineering yun ah! Bakit siya na padpad dito?"nakangiting saad ni Hanna sakin.
"Amo ko yun, sis."sagot ko at inilabas ang mga libro sa bag ko.
"Wehh? Gagi, ang pogi sis! Jackpot kana!"masayang sabi niya at hinampas pa balikat ko.
"Aish. Hanna, alam mo hindi ko masasabing jackpot ako kasi unang una yaya lang nila ako at nagtatrabaho at pinagsisilbihan ko lang sila."napailing pa akong humarap sa kanya.
"Talaga? Bakit ka naman ihahatid ng poging lalaking yun dito ha?"pang-aasar niyang sabi.
"Malay ko ba dun."napairap pa ako.
"Ang pogi naman ng mga amo, sis. Sana payagan ako ni Mommy na magtrabaho, talagang mag-aaral na ako nang mabuti."hagikhik niyang sabi.
"Sana nga di ka payagan."sabi ko at siniko niya ako sa tagiliran.
Nagsimula na ang unang klase namin. Nakinig lang ako kasi may quiz kaya hindi ko hinayaan na kulitin ako ni Hanna habang nakikinig ako sa lesson. Lunch break na at andito kami ni Hanna sa cafeteria, nagkwentuhan lang kami about sa dadating na Valentine's day. Since wala naman akong pakialam dyan ay pwedeng sa library nalang ako buong araw. Si Hanna naman sure akong may mag-aaya sa kanya na makipag-date.
"Aish. Sana talaga may mag-aya sakin. Nakakalungkot na maging single!"reklamo niya, kunware umiiyak pa.
"Hindi mo naman ikakamatay yang pagiging single mo forever e."sabi ko at inirapan siya.
"I'm dying b***h. Sayang naman virginity ko pag walang makatikim diba?"napatakip ako sa tenga nang sinabi niya yun, tumawa lang siya.
"Kadiri ka talaga."sabi ko at uminom nang tubig.
"I'm just telling the truth here."inismiran niya lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Nahawa kana sa panunuod ng p**n ah."sabi ko at binigyan siya nang matalim na tingin.
"Duh. Liberated na Pilipinas ngayon, sis. It's worth dying if natikman ko ang heaven no."sabi niya at nagkabit-balikat pa.
"Ewan ko sayo."inirapan ko lang siya at hagikhik lang siya nang tawa dahil halatang pikon ako.