3: The Meeting
"IBANG KLASE!" bulalas ni Chantel ng makabalik sila sa hotel, four days ago ng makarating kami nang bansa. Sumama si Chantel para magbakasyon na rin dahil magpapasko na rin naman.
Hindi ko na pinaalam kay Marcus na naka-uwi na ako. Nag-iipun pa ako ng lakas nang loob na harapin siya. Pero kanina pinilit ako ni Chantel na magclub kami, para lang makita namin si Marcus.
At hindi ako makapaniwala na his hitting on me. Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa kanya. He was obviously playing his game para makapagkama ng babae. At tama si Chantel hindi nga ako makikilala ni Marcus.
Sabagay, ang pinakamatagal na encounter lang namin ay noong kasal namin. Dahil kahit noong honeymoon namin sa Hong Kong magkaiba kami ng room na tinuluyan, at nagkita lang ulit kami noong mag-usap kami tungkol sa plano niyang pag-aralin na lang ako sa New York. Alam kong excuse yon, para lang hindi kami magsama sa iisang bahay.
Pero tapos na 'yon kaya dapat ko nang kalimutan. Dahil sa mga narinig ko sa kanya lalo lang akong nakukumbinsi na tama si Chantel. That Marcus is just a face with billions in his pocket. Kaya hindi talaga nakapagtatakang madami siyang babae sa nakalipas na taon kahit kasal pa kami.
"Alam mo parang blessing na ring nakita natin siya sa club, girl." maya maya sabi nito.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.
"Ano ka ba, imagine, na love at first sight sa'yo ang asawa mo, girl. Wasn't it a good chance for your revenge on him? Natitiyak kong mawiwindang siya kapag nagkita na kayo para magkapirmahan na ng annulment. At ipupusta ko ang t*nggil ko. Hindi matutuloy ang divorce n'yo." natatawang saad nito. "Naiimagine ko na ang hitsura niyang tulo laway kapag nagkataon. Magmumukha siyang asong binawian nang masarap na buto." masayang palatak pa nitong napapailing pa.
Maging ako ay natawa sa sinasabi ni Chantel. "Pero paano kung magalit siya na hindi ko sinabi sa kanyang kilala ko siya kapag nagkita kami?" nag-aalalang tanong ko.
"Girl, hindi ka niya nakilala, kasi nagbago ka na. And six years na rin naman ng huli kayong magkita. So puwede mong gawing dahilan na hindi mo siya nakilala diba. Ilang taon kang nagmukhang tanga para sa asawa mong 'yan. It's time you slap him hard back. Kaya dapat super bongga ka sa meeting n'yo. At...." nagbabanta ang tinging ipinukol nito sa akin. "siguruhin mong ikaw na ngayon ang may hawak ng baraha, sa hitsura ng asawa mo kanina, hindi papayag 'yon ng hindi ka makuha." kompiyansang kombinsi nito.
"Hindi ba OA naman 'yon."
"It's not, it's just right, girl. Kaso kailangan kong umuwi nang probinsya kaya hindi kita masasamahan bukas. Will you be okay? At ipangako mong hindi ka magmumukhang in love pa rin d'yan sa asawa mong hudas barabas ha." may diing bilin nito.
"Siya naman ang may gusto nito eh, kaya gagawin ko. Saka pagkatapos naming magkapirmahan ni Marcus, uuwi rin ako sa Santa Catalina. Gusto ko ring makita sina Lolo. Then maybe kapag naasikaso kaagad ang annulment at naiproceso na, babalik na ako ng New York."
I had made plan ahead, dahil ayaw kong magstay ng matagal para lang masaktan pa. Alam kong hindi na ako dapat umasa sa nararamdaman ko para kay Marcus. Kapag nalaman niyang ako iyong babaing inaayawan niya noon na makasama o kahit makas*x kahit sa bangungot niya. Sigurado naman akong magbabago ang isip nito kapag nakilala na niya ko.
"Nagagawa niyang ipagsigawan sa ibang single siya. Kaya dapat ko na ring palayain ang sarili ko at magsimula ulit. Tutal wala namang nawala sa akin, diba?"
"That's the spirit. Maging masaya ka para makita ni Marcus na siya ang nawalan at hindi ikaw, hmm..." anitong ikinatango ko.
At ako ang unang babaing annulled pero virgin pa rin. Napangiti na lang ako sa naisip ko. Dahil naka-inum rin ako ng kaunting alak kanina kaya nakatulog rin ako kaagad.
Kinabukasan ay maaga nang nagpaalam sa akin si Chantel. One year ago pa nang huling umuwi ito sa ina nito sa Mindoro. Sa hotel na ako nag-almusal. Pero pagkabalik ko pa lang ng unit ko ay natangap ko na ang tawag ni Marcus.
Kaagad na kumabog ang dibdib ko, pero sinaway ko rin ang sarili ko. "Tama na yan, Yana... magmove on ka na." kausap ko sa sarili ko saka ako humugot ng malalim na paghinga upang sagutin ang tawag.
"What took you so long to answer my call, nasa bansa ka na hindi ba?" kababakasan ng iritasyon at pagkainip ang boses nito sa kabilang linya. Samantalang kagabi, Angel pa ang tawag niya sa akin.
"Sorry nagpahinga lang ako at---"
"Fine, nagset ako ng lunch meeting sa isang restaurant. May kasama akong lawyer kaya puwede kang magdala ng sa'yo." formal nitong saad.
"Ah..hindi na, okay lang," kahit 'yong lawyer mo na lang siguro. I just have to sign the documents, diba? Ikaw nang bahala sa proseso." nasabi ko. I could still feel the lumps in my throat, pero ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon. Wala na rin namang silbi na manghinayang pa ako. Sa mga nangyari kagabi alam kong dapat na talaga akong tumigil sa pangarap ko.
Hindi talaga meant to be ang mga first love lalo na kung one sided lang.
Marcus POV
NAHILOT KO ang sintido ko dahil kumikirot 'yon. Marami kasi akong nainum kagabi dahil bigo akong makuha ang aking magandang Angel.
Pagising ko kanina ang una kung ginawa ay tawagan ang detective na kilala ko. Para ipahanap ang aking future wife. Kahit kasi lasing ako kagabi hindi ako nakatulog agad dahil laman ng isipan ko ang magandang babaing 'yon sa club.
Ang weird, pero gusto ko talagang makita siya ulit. At mukhang sa kagustuhan kong makita siya ulit pati boses ni Yana parang katulad na nang magandang babae kagabi. Pero dahil tanda ko ang hitsura ni Yana kaya nasira ang imahinasyon ko.
"Okay fine, just give me your terms and conditions. At huwag kang mag-alala makakakuha ka pa rin ng alimony." nasabi ko. "Regalo ko na 'yon sa'yo para sa pagpayag mo sa annulment."
"Hindi mo kailangan magbigay nang kahit na ano, Marcus. Naging maayos naman ang buhay ko sa New York. May trabaho naman ako kaya----"
"Oh really!" di ko mapigilang bulalas. "Nagtatrabaho ka pala, I thought your just enjoying a lavished life while you're married to me." patuyang saad ko. Si Yana nagtatrabaho? Natatawa ako sa naisip ko.
YANA POV
Gusto kong sabihin kay Marcus na nabigyan na ako ng break sa fashion industry bago ko pa natapos ang Financial Course ko sa NYU. Bata pa lang ako mahilig na talaga ako sa mga damit. Nagbago lang noong tumaba ako ng husto. But still nagagawa ko pa ring namang magdesign ng mga damit na iniimagine ko lang na maisusuot ko kapag pumayat na ako noon.
I used my dummy account on a website para lang maipost ko ang mga creations ko. At maraming kumukuha sa mga design ko at nababayaran ako ng malaki. I only used Marcus money for my tuition and my apartment. Other than that, wala na. Siya naman ang nagpilit na huwag akong uuwi ng bansa hangga't kasal kami. At isang taon na rin mula nang hindi ko na ginagalaw ang pera niya.
"Anyway, don't be late sa meeting place natin, i-tetext ko na lang ang address." basag ni Marcus sa daloy ng diwa ko.
"Okay." Sagot ko na lang. Wala naman siyang interest na malaman pa ang tungkol sa akin kaya para saan pang magpaliwanag ako.
Matapos ng pakikipag-usap ko kay Marcus ay binuksan ko ang laptop ko. Nag-check ako ng ilang emails ko. At binuksan ko rin ang dummy account ko para makita ko ang mga message sa akin ng ilang followers ko. Most of them are fashion enthusiast ring katulad ko.
Pero sabi ni Chantel ako ang fashion designer na napakasimple kong manamit. Ang gusto ko lang naman kasi makitang sout ng iba ang mga design ko. Para sa akin fullfilment na 'yon. Blessings na naisusukat ko ang mga damit ko ngayong payat na ako.
Bandang alas diyes ng umaga ay nakapaligo na ako at nag-early lunch na rin ako. Dahil malamang hindi ako makakakain mamaya sa meeting namin ni Marcus. Besides kailangan ko ng lakas ng loob para harapin siya. Alam kong makakabuti na ring matapos na ang mga agam-agam ko para hindi na rin ako nahihirapan pa. Siguro kasalanan ko rin, dapat ako na mismo ang sumuko sa simula pa lang.
I chose a simple but elegant off white satin silk sleeveless dress na hindi umabot sa tuhod ko ang haba. Ako mismo ang nagdesign ng dress na 'yon. Kakulay noon ang two inches pumps ko. At tanging white gold necklace na may pearl pendant lang ang accessories ko and a mustard purse ang ipinares ko. Itinali ko lang pataas ang buhok ko na kinulot ko ng curler sa dulo. At nagpahid ako ng manipis na lipstick.
Nang makontento ay saka ako lumabas ng unit ko at sumakay sa taxi.
As soon as I enter the restaurant, alam ko na kaagad kung bakit 'yon ang pinili ni Marcus. Dahil iilan lang ang tao na naroon. Malaki at malawak ang restaurant at mukhang mamahalin. Kaya hula ko mas common na dating place iyon ng mayayaman sa gabi.
Sa isang dulong puwesto ako pumuwesto para makaiwas sa mata ng mga tao. Malinaw namang iyon ang gustong gawin ni Marcus kaya ayaw ko na siyang mahirapan pang magsabi sa akin.
Pagdaan ko sa mesa ng tatlong lalaking tanging customer lang ata ng oras na 'yon, dama kong pagsunod ng mata nila sa akin. Bigla rin kasing natahimik ang mga ito.
"Artista ba 'yon?" dinig kong saad ng isang lalaki. "Ganda pare." nag-iinit tuloy ang mukha ko dahil doon.
Mula nang maging maayos ang katawan ko madami na talaga akong natatangap na papuri mula sa mga tao lalo na sa mga lalaki. Pero ewan ko ba, ilang pa rin ako sa mga taong nakakapansin lang sa akin dahil maganda na ako.
Ang mga tulad nila walang pinagka-iba kay Marcus. Pangit at nakakasuka ang tingin sa mga matatabang babae kaya mas gusto nila nang sexy at maalindog.
Kaya sa susunod na magmamahal ulit ako, sisiguruhin kong doon na sa taong kayang tangapin ang pagkatao ko. Hindi dahil sexy at maganda ako sa paningin niya. Kundi dahil ako si Yana ang mamahalin niya ano man ang maging hitsura ko balang araw.
Ayaw ko na sa lalaking tulad ni Marcus na ipagsisigawan pa sa ibang single ito, dahil isang matabang babae ang asawa niya na hindi nga niya nagawang kilalanin ng lubos.
Hinayaan ko na lang ang bulungan ng mga lalaking naroon. Maging ang waiter na lumapit sa akin para magrefill ng tubig sa baso ko ay panay ang sulyap sa akin.
"Excuse me ho Ma'm model kayo or artista?" usisa ng waiter.
"Hindi." tipid kong sagot. Pero hindi pa rin umalis ang lalaki. "Bakit?"
"Ipinapatanong po ng boss namin kung anong name mo?" anitong itinuro pa ang tatlong lalaking nakatingin sa akin. Then kumaway pa sa akin ang isang naka dark gray na t-shirt. Guwapo rin kaya mukhang madami nang pinaiyak na babae.
"Sorry but I have a date with my husband," magalang kung saad na ikinagulat naman nang waiter. Madalas kong gamitin ang pagiging married ko para maka-iwas sa mga lalaki mula nang pumayat na ako.
Sana pala isinuot ko ang singsing na binili ko para sa sarili ko two years ago.
Lumipas pa ang ilang sandali at pumatak na ang eleven thirty na sinabi ni Marcus na oras nang meeting namin, pero lumipas pa ang halos bente minutos ay hindi pa rin ito dumarating.
Aalis na sana ako nang makita kong pumasok ito sa entrance ng restaurant. He looks dazzling as ever, habang proud na naglalakad ito makikita ang mautoridad nitong aura na umaakit sa mata ng mga kababaihan.
"At kasama ka doon Ayana.." pang-iinsulto ng utak ko na kaagad kong ikina-iling at noon naman nagtama ang titig namin ni Marcus, kita kong pagkabigla sa mata niya sa sandaling 'yon. At biglang kumabog ang puso ko nang sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi. "No! Yana don't be a pool! Makikipaghiwalay siya sa'yo dahil hindi ka maganda. Dahil hindi ikaw ang ideal wife niya." sa pagkataranta ko ay dinampot ko ang menu book sa tabi ko.