4: Cut the Ties
MARCUS POV
SINADYA kong malate sa meeting namin ni Ayana. Ganti ko sa hindi niya pagsasabi na dumating na siya ng bansa.
Casual na t-shirt and pants at white rubber shoes ang pinili kong isout. Sa isang restaurant malayo sa office building na pag-aari ko piniling makipagkita sa 'asawa ko'. Hindi matao sa restaurant na 'yon kapag umaga kaya iyon ang pinili ko. Ayaw kong may makakita sa akin na kasama ang isang babaing lumba-lumba. I am imagining her looks after six years, at hula ko mas malaki pa siya ngayon. Napangiwi tuloy ako dahil doon.
Pagpasok ko pa lang sa entrance ay umagaw na sa atensyon ko ang mga lalaking may kung anong sinisilip sa dulong bahagi ng restaurant.
And I almost choke ng mapatitig ako sa magandang babaing pinagkakaguluhan ng tatlong lalaking naroon. "My Angel.." excited kong saad.. Kaagad akong napangiti sabay lunok. Pero nasira rin ang ang isiping 'yon dahil naalala kong ka-meeting ko nga pala si Ayana. But my thought clear up again ng muli akong mapatitig sa dalagang hindi nagpatulog sa akin kagabi.
"Mukhang pumapanig sa akin ang tadhana." Saglit pa akong natulala habang pinaglalandas ko ang mata ko sa babaing may inosenting maliit na mukha, balat pa lang alam mong maalaga sa katawan ang dalaga. She was pretty last night, pero mas maganda pa siya sa maliwanag.
Nakatali ang itim na itim nitong buhok na bahagyang kulot ang dulo. She also had pouty lips na parang ang sarap halikan. Her eyes gaze look so gentle, nakatingin sa menu, saka hinawi ang buhok nitong kumalas sa pakakatali at isinabit sa sexy nitong tainga.
"Fvck!" I cursed. I could feel my pants tighten just watching her. Weird pero kakaiba ang babae. Nakakabighani talaga ang ganda niya. At sisiguruhin kong mapapasa-akin siya.
Ngayong mas nakikita ko siya sa maliwanag ay lalo akong naaakit sa kanya. At sa sandaling 'yon ang tanging laman ng isipan ko ay gusto kong i-kama ang babaing nagpapabilis ng pintig ng pulso ko.
"Totoo kayang may asawa na siya?" dinig kong tanong ng isang lalaki. "Lapitan ko kaya, baka palusot lang niya kasi ayaw niyang makipagkilala?" hirit nito sa mga kasama. Bigla na naman akong nairita sa mga lalaking nagpifiesta sa kagandahan na dapat para sa akin lang. Marami na akong nakilalang babae kaya alam kong single pa rin ang Angel ko. Mahiyain at mukhang pihikan eh.
Mukhang may dalang suwerte rin sa akin si Ayana. Naisip ko. Pero sa naisip ko ay bigla akong naasar at napilitang hanapin ng mata ko ang asawa ko. Pero wala akong ibang babaing nakita doon, maliban sa babaing gusto ko nang lapitan.
Muli na namang naagaw ang atensyon ko sa babaing mala-dyosa ang ganda sa mata ko. "Kung ganyan kaganda ang asawa ko hindi ko talaga palalabasin ng bahay 'yan." dinig kong sabi ng isang lalaki. Kulang na lang ata tumulo ang mga laway nito.
Gusto ko na sanang sumabat pero nagring ang phone ko na medyo napalakas ata kaya nag-angat nang tingin ang babaing hawak rin ang phone nito. Kumabog ang puso ko ng magtama ang mga titig namin. Pero dahil tumatawag si Ayana kaya napilitan akong sagutin ang tawag. Naipagdasal ko tuloy na sana wala siya ngayon.
Noon naman inangat ng magandang babae ang phone nito saka nagsalita. I clearly read her lips said. "I'm over here." anito at ganun rin ang narinig ko sa kabilang linya. Saka nagbeep tone na lang.
Tila ako pinagsakluban ng langit sa isiping naglalaro sa utak ko. "Is she? Oh no, imposible! Baka abogada ni Ayana." giit nang utak ko. Pero sinabi niya hindi siya magsasama ng abogado.
Natagpuan ko ang sarili kong naglalakad palapit sa magandang babae na halos ayaw kong alisin sa paningin ko.
But as I walk close to her, unti-unting nagiging pamilyar sa akin ang mga mata nito. The gentleness in her eyes remind me of my wife--Ayana. Iyon lang siguro ang natatandaan kong maganda sa asawa ko sa paningin ko noon.
Pero bakit, ibang iba ito sa Yana na nakita ko noon. Sa babaing matabang pinakasalan ko noon. Litong napatitig ako sa maamong mukha ni----
"Are you..." alanganin kong tanong nang makalapit ako dito. Sa lakas ng tambol ng puso ko parang lalabas na 'yon sa rib cage ko.
"Nasaan ang lawyer?" ganting tanong nito. May biglaang lakad ang abogado ko kaya binigyan na lang niya ako ng kopya ng annulment paper. Ayon dito kung wala namang magiging problema kay Ayana sapat nang pagpirma nito para umusad ang annulment.
"Ahmmm...teka nagkita tayo kagabi sa club diba?" kita kong natigilan ito. Bigla akong nainis sa ekspresyon niyang tila hindi ata ako naalala.
"Don't tell me ikaw 'yon... oh. Hindi kita nakilala. Ang tagal na rin kasi---six years right." she said calmly na ikinalunok ko.
YANA POV
"Tandaan mo, Yana. Huwag mong ipakita sa asawa mong mahina ka. Show him that he did missed the chance with you!" salamat sa bilin na 'yon ni Chantel, mukhang nakumbinsi ko naman si Marcus nang magpangap akong hindi ko siya nakilala kagabi.
Pero damang dama ko pa rin ang malakas na kabog ng puso ko sa sandaling 'yon. Kagabi medyo kalmado pa ang puso ko dahil nagulat lang akong naroon rin siya sa bar. Pero hindi ko inaasahang kakabahan pa rin ako ngayon.
Subalit gusto kong matuwa sa sarili ko dahil nagagawa kong titigan si Marcus ng diretso. Bakit naman hindi? I had no reason para mailang sa kanya. Sa aming dalawa siya itong walang ibang ginawa sa durasyon ng kasal namin kundi ang mamuhay binata.
Nang unang beses kong makita si Marcus. Alam ko sa sarili kong na love at first sight ako sa kanya noon. Kaya hindi na ako tumangi sa hiling ni Lolo Juancho at Lolo Frederico sa akin.
"Do you have the papers?" tanong ko, kumurap-kurap ako upang kalmahin ang sarili ko. My heart is thudding so loud that thing seems inaudible to me. But I can see his perfect white teeth almost flashing...na di ko alam kong gustong ngumiti o ngumiwi ng makita ko.
He didn't like me, at all. Naisip ko.
"So..." he started, saka tumikhim. "Are you really my wife?" tanong nitong halatang hindi naniniwala.
"Unfortunately yes, Mister Marcus Spencer" gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi man lang ako nautal sa kabila ng malakas na kabog ng puso ko. Isang marahas na paglunok ang ginawa ko. "Nasaan ang lawyer mo at ang papel." ulit ko para kasing natutulala na lang si Marcus sa akin. Natural lang sigurong magulat siya.
"Hindi kasi makakarating ang lawyer kaya... sorry kung na late ako." anito. Hindi ko alam kung sincere siya sa sinasabi niya kasi parang nalilito ito sa tingin ko.
"Ah, ganun ba? Sana tinawag mo na lang para na reschedule na lang natin. Or I can get a copy." suhesyon ko pa. Kita kong natigilan ito.
"Why the rush, we can have lunch together or...."
"Rush? Hindi ba rush na pinauwi mo ako for this. Kinailangan ko ring i-rush ang mga commitment ko dahil nagmamadali kang makipaghiwalay sa akin. I guess we can rush things now. Dapat matagal na nga natin itong ginawa." nagawa kong ngumiti sa kanya. Ibinaba ko ang menu na bigla kong dinampot kanina ng makita ko siyang nakatitig sa akin.
"Ah..." sambit nito saka ipinaghila ang sarili ng upuan.
"Kung wala naman ang documents, siguro i-reschedule na lang natin ang meeting, pero sana mas mabilis kasi may mga kailangan rin akong gawin."
"Saan ka ba nagstay ngayon, sana dumiretso ka na lang sa bahay ko." anitong tumikhim pa na ikinatawa ko. Kita kong pagkabigla sa mata niya.
"Paano naman ako pupunta sa bahay mo, hindi ko nga alam kong saan ka nakatira. And I'm sure hindi ako welcome doon." kalmadong saad ko. Mukhang nabagabag ito sa sinabi ko. Pero hinayaan ko na lang. Isinukbit ko ang sling purse ko sa salikat ko.
"Teka... Yana saan ka...." pigil nito ng aktong tatayo ako. Mabilis kong nabawi ang kamay kong hinawakan niya. Para kasing bigla akong nakuryente na hindi ko maintindihan. Kita kong nagulat rin ito.
Halatang naguguluhan.
Siguro hindi niya inaasahang ako ang asawa niya ang babaing tinawag niyang Angel kagabi, ay ang babaing nireject niya bilang asawa niya. Hindi ko alam kong dapat kong ikatuwa ang remorse na nakikita ko sa mata ni Marcus.
"I had no reason to stay. Saka may mga gagawin pa ako. Tawagan o i-text mo na lang ulit ako kung ready na ang dokumento." ani ko saka ako tumayo na. "Nice meeting you again Mister Spencer." saad ko saka ako naglakad palayo sa kanya.
May parte sa akin na masaya ako dahil pagkalipas ng anim na taon nakita ko ulit si Marcus ng malapitan. He had no idea how much I like him back then. Marcus Spencer is my saviour and my knight and shining armour back then, kaya nga kahit nakalimutan niya ako. Hinding hindi ko nagawang kalimutan ang nakaraan.
Pero ngayon kailangan ko nang bitawan ang pangarap ko. Huminga pa ako ng malalim bago ako tuluyang lumabas ng restaurant. Pababa ako ng hagdan ng di sinasadyang natapilok ako dahilan upang magulat ako. Kinabahan ako dahil matutumba ako sa harap ng maraming tao. Pero ganun na lang ang pagkabigla ko ng may matipunong braso ang biglang kumabig sa akin. Protecting me from falling and embarrassment.