CHAPTER 17

2763 Words
"SHAINE & LANCE POV" Pagka gising ko wala na sa tabi ko si Lane. kaya bumangon na ako at naligo at nag tubras. pagkatapos ko maligo lumabas na ako sa kuwarto at sakto lang naka handa na almusal namin ni Lane. Come here "Dad wants to see you." Sabi sa akin ni Lane habang nag-aalmusal kami. Marahan kong iniangat ang aking ulo para saglit siyang sulyapan. Hindi ko napigilan ang mapakunot ng noo. "Your Dad?" Nag-aalala kong tanong. I don't know his Dad, kaya medyo kinabahan ako nang banggitin niya ito. Kagaya ba siya ni Lane na masungit? Malamig rin ba siya kung makitungo sa mga tao? Magugustuhan niya ba ako para sa anak niya? "Yes..." mabilis na sagot ni Lane. "...matagal ka na niyang gustong makita, kaya isasama kita sa office ngayon." Nakangiti niyang dagdag. lba ang pakiramdam ko kay Lane ngayon. Mas sweet siya ngayon kumpara noong mga nakaraang buwan na mag kasama kami. Lane puts a lot effort in everything that he does for me. He's sweeter than the very first time we live in the same roof. How could I let him go, if he keeps on showing me that I'm important to him? Pero buo na ang desisyon ko. Kailangan ko nang itigil ang nararamdaman ko para kay Lane. Ganiyan lang naman siguro siya kapag wala si Lyka. Sa akin niya itinutuon ang pangungulila sa taong totoo niyang minamahal. Alright, I know he promised that he'll try to love me back. Pero, ewan ko ba, mas gugustuhin ko na lang sigurong masaktan ngayon kaysa habambuhay. Pagkatapos naming kumain ay kaagad na akong nag palit ng damit dahil naligo naman ako kanina. I decided to wear a simple white dress and a yellow cardigan. Maginhawa kasi sa pakiramdam kaya ito na ang pinili ko. Wala akong balak na mag-ayos nang mabuti. Baka mairita lang ako't hindi ko makausap nang maayos ang daddy ni Lane. Ayaw ko sanang pumunta dahil talagang kinakabahan ako. Pero baka mag mukhang bastos ako sa daddy ni Lane. Ayaw ko namang maging pangit pagkakakilala nito sa akin. Tahimik na tinungo namin ni Lane ang kaniyang sasakyan. Hindi na ako naka angal nang pag buksan niya ako ng pinto. Wala rin akong imik nang siya na ang mag kabit ng aking seatbelt. lsang marahas na buntong-hininga ang aking pinakawalan. pakiramdam ko'y may nagririgodon sa aking dibdib. "Are you nervous?" Nag-aalalang tanong ni Lane sa akin nang mapansin niya ang pag papakawala kong malalalim na paghinga. "Medyo." Maiksing sagot ko habang nakatingin sa labas ng kotse. Wala akong ibang maisip na gawin para maalis ang kaba sa aking dibdib. "Mabait si Daddy." Bigla akong napalingon kay Lane. Tipid siyang ngumiti bago hinawakan ang aking kamay. Nailang ako bigla, kaya binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Napansin ko ang biglang pag kunot ng kaniyang noo. Nag hintay akong mag tanong siya sa akin pero wala akong narinig na salita mula sa kaniya. Nang makarating kami sa building na pag mamay-ari ng daddy ni Lane ay mas lalo akong kinabahan. Hindi ko rin maiwasan ang mairita nang mapansin ang mga matang nakatuon sa aming dalawa ni Lane. Napapakagat sa labing itinuon ko na lang ang mga mata sa maputing tiles ng lobby. "Hey, don't be nervous. I'm here." Bulong sa akin ni Lane sabay hawak sa kamay ko. "I'm not. Naiirita lang ako." lnis kong sabi habang nakakunot ang noo. Hindi na ako umimik haggang sa elevator. Nang makalabas ay ganoon pa rin ang pang yayari. Kung hindi babati ang mga empleyado'y titingnan nila ako ng palihim mula ulo hanggang paa. I'm very sure na ilan sa mga babaeng ito'y nangangarap na mapasakanila si Lane. Pagkapasok naming ni Lane sa kaniyang opisina'y doon lang ako nakahinga nang maluwag. Sa susunod talaga hindi na ako babalik dito kung hindi rin lang importante ang gagawin. "Parating nasi daddy." Tumango lamang ako nang sabihin niya iyon. Pilit kong iwinawaksi ang kabang nararamdaman ko. Bakit ba ako kinakabahan? Sabi naman ni Lane, mabait ang Daddy niya. Pero bakit 'di maalis ang pag-aalala ko? Habang nag hihintay ay inilibot ko ang tingin sa buong opisina ni Lane. Malinis, parang opisina lang niya sa dating noong CEO kumpanya pa siya ng tito niya. Maya-maya'y napabaling ang mga mata ko kay Lane. He's busy signing some documents on his table. Pinagmasdan ko siyang mabuti habang ginagawa niya iyon. He looks more handsome, dagdag pa ang salamin niyang suot-suot. "Okay ka lang? May kailangan ka ba? Nagugutom ka?'' Nag-aalalang tanong ni Lane sa akin habang papalapit sa kinauupuan ko. Kaagad akong napaiwas ng tingin nang mapansin kong nakatitig na rin pala siya sa akin. Napaisig ako ng kaunti nang sumagi ang siko niya sa siko ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang bigla akong nakaramdam ng kuryente sa nangyari. "Wala, okay lang ako. Doon ka na, ipagpatuloy mo na yung ginagawa mo." Nakangiwi kong sabi. Para akong tanga habang iniiwasang magtagpo ang mga mata namin. "Mamaya na lang." Sagot ni Lane sabay sandal sa couch na kinauupuan namin. Parang lalo akong kinabahan nang tumabi sa akin si Lane kaysa sa isiping makikilala ko na ang daddy niya. Mag sasalita na sana ako nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Lane. Para akong itinulos sa kinauupuan ko. Ramdam ko rin ang malakas na pag kabog ng dibdib nang makita kung sino ang pumasok. Lyka. "Babe! I mi-" Natigilsi Lyka sa pag sasalita nang makita ako sa tabi ni Lane. "Lyka, what are you doing here?" Inis na tanong ni Lane. Bakit siya naiinis? Dahil ba nandito ako at baka malaman kong nag kabalikan na sila? Sige inaamin ko, nasasaktan ako sa isiping iyon, pero kailangan kong panindigan ang desisyon ko; ang bitawan si Lane. "lkaw?" Nanggangalaiting tanong ni Lyka sa akin. Siguro naalala niyang minsan na kaming nag kausap. Noong 'di niya pa alam na ako ang na buntis ni Lane. "Lyka!" Galit na sabi ni Lane kay Lyka nang akmang susugurin niya ako. "Ang bait-bait ko sa'yo noon. Tapos ngayon malalaman kong ikaw ang taong sumira sa pag mamahalan namin ni Lane?!'' Nanlilisik ang mga matang sigaw ni Lyka sa akin habang dinuduro ako. "Enough! Pwede ba Lyka, umalis kana muna?!" Napatingin ako bigla kay Lane. Why? "Bakit ako ang aalis?! Siya ang dapat umalis Lane, inagaw ka niya sa akin! Malandi siya, makati!" Sigaw pa ni Lyka. Na biglag ako nang malakas na sumigaw si Lyka. Mariin kasi itong hinawakan ni Lane sa braso. "We'll talk later, now leave." Malumanay na sabi ni Lane kay Lyka. "No!" mariing sabi nito bago kumawala kay Lane. "Alam mo, ang bata-bata mo pa pero ang kati mona. Siguro may pinagmanahan ka, ano? Siguro katulad mo ang nanay-" lsang sampal ang ibinigay ko sa kaniya. Malakas iyon, dahil maging ang palad ko ay namumula. "Tatanggapin ko ang mga masasakit na salitang ibinabato mo sa akin. Dahil alam kong kasalanan ko naman talaga. Pero ang pag salitaan mo ng masama ang mommy ko, ibang usapanna iyon!" Mariing sabi ko kay Lyka. Naramdaman ko ang masuyong pag hila sa akin ni Lane. Pero pumiglas ako at nag mamadaling lumabas ng kaniyang opisina. "Shaine" Tawag sa akin ni Lane bago ako tuluyang makalabas. Tuloy-tuloy lang ako sa pag labas habang nakatungo. Baka kasi hindi ko mapigilan ang mapaiyak. Nakakahiya naman kung may makakakita sa akin. Dahil sa sobrang pag mamadali'y hindi ko napansin ang kasalubong. Hindi kaagad ako nakaiwas kaya nabangga ko ito. Kaagad naman akong humingi ng paumanhin. "lkaw ba si Shaine?" Bigla akong napaangat ng tingin dahil sa tanong nito. "Po? 0-0po." Nahihiyang kong sagot. "At last, nakilala na rin kita." Nakangiting nitong sabi sa akin bago ako niyakap. Natulala at nagulat ako kaya bigla akong napalayo rito. "Sorry po, pero, sino po ba kayo?" Nahihiyang tanong ko kahit na ba may ideya na ako kung sino ang kaharap. "I'm Martin Aragon. Daddy ako ng fiance mo; ni Lane." Napaawang ang bibig ko nang sabihin nitong fiance ko si Lane. lbig sabihin hindi lingid sa kaalaman nito ang plano ni Lane para sa amin ng magiging anak niya. "Ah, hello po, Mr. Aragon." Bati ko habang nakangiwi. Naiilang ako sa daddy ni Lane. Gwapo ang Daddy ni Lane, malamang nasa ama niya siya nag mana ng hitsura. lyon nga lang parang hindi niya nakuha ang ugali ni Tito Martin. Hindi man lang namana ni Lane ang pagiging mabait ng daddy niya? "Hija, you are my son's fiancee;you should call me Dad." Nakangiting pagtatama nito sa sinabi ko. Kung ganiyan lang sana ang ugali ni Lane baka tuluyan ko na talagang ipilit ang gusto ko. Pero hindi eh, may pag kasuplado kasi si Lane, at medyo bato ang puso pag dating sa akin. Kaya 'wag na lang. Tama na ang mga katangahang nagawa ko. Tama na ang sakit na paulit-ulit kong nararamdaman. Nick right. I should stop, and leave Lane. Pero hindi nangangahulugang sasama ako kay Nick. Dahil kung sasama ako sa kaniya. Parang ginawa ko na rin kay Nick ang ginawa sa akin ni Lane. ano ng gagawin ko ngayon dahil nagkita ng kmi ng daddy ni Lane. "Dad, Shaine." Pag tawag sa amin ng kalalabas lang na si Lane. I looked at Lane, Lyka's standing behind him. Hindi pa maalis ang galit ko kay Lyka dahil sa sinabi nito sa mommy ko. Anong karapatan nitong pagsalitaan ng ganoon si mommy? Does she even know my Mom, for her to say those words? Napairap ako nang makitang masama ang tingin ni Lyka sa akin. Akala mo kung sino. Pasalamat siya iiwanan ko na si Lane. Dahil kung hindi, hindi ako papayag na makuha niya pa si Lane sa akin! "Lyka, hija. What are you doing here?" Takang tanong ng Daddy ni Lane nang mapamsin si Lyka. "I visited my boyfriend, Tito." Sagot ni Lyka sabay tingin sa akin na parang iniinggit ako. Hindi pa nakuntento at iniangkla pa ang mga kamay sa braso ni Lane. Akala naman niya naiinggit ako sa ginagawa niya. Kahit lamunin niya pa si Lane sa harap ko, wala akong pakialam. "Hija, stop that. Hindi iyan magandang biro, lalo na't nandito ang daughter-in-law ko." Pag sasaway ng Daddy ni Lane kay Lyka. Buti nga sayo. Masyado kasing kapit-tuko. I smirked when I saw how annoyed Lyka was. Parang gusto ko na lang mag diwang at inisin ito. Para kahit papaano'y makabawi ako. Masyado kasing mabaho ang mga lumalabas sa bibig nito. "But-" "Lyka, please, umalis ka muna. Mag-usap na lang tayo next time." Sabi ni Lane sabay hila sa akin pabalik sa office niya. Walang nagawa si Lyka kundi ang mag papadyak dahil sa sobrang inis. Saglit pa ako nitong sinamaan ng tingin bago pairap na umalis. Hindi na ako naka angal nang mahigpit na hinawakan ni Lane ang aking braso. Gusto yatang makasiguro na hindi na ako aalis. Marahan niya akong pinaupo sa couch. Saglit niyang hinuli ang aking mga mata bago ako tinitigan nang matiim. I saw warning in his eyes. "So hija, kailan niyo ba balak ituloy ang naudlot niyong kasal ng anak ko?" Nakangiting tanong ng daddy ni Lane. I don't know what to answer. Kailan nga ba? Ay mali. Matutuloy pa ba? Tiningnan ko si Lane na nakaupo sa mesa niya. Mataman lamang siyang nakatingin sa akin. Siguro hinihintay niyang sumagot ako. Wala tuloy akong nagawa nang makitang parehas silang nakatingin sa akin ng daddy niya. I have no choice but to answer the "I don't know, Sir." Sinabi ko ang totoo. Hindi ko naman talaga alam. Baka nga wala na rin sa plano ni Lane na ituloy. Halata namang nag kabalikan na sila ni Lyka. "Hija, its daddy, okay?" Napangiti ako ng peke nang sabihin nito iyon. Bigla akong nainis nang mapansin ang pilyong ngiti sa mga labi ni Lane. Tinaasan ko siya ng kilay dahil doon. Pero ang damuho mas lalong nilakihan ang ngiti. Maikling kwentuhan lamang ang nangyari. llang sandali lang ay ipinatawag ang daddy ni Lane para sa isang emergency meeting. Sasama sana si Lane pero hindi na ito pinayagan ng daddy niya. Samahan na lamang daw ako rito. lsang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko nang tuluyang makaalis si Tito Martin. Pakiramdam ko'y pagod na pagod ako gayong ang tangi ko lang namang ginawa ay making sa mga kwento nito. "I'm sorry, medyo makulit si dad." Sabi ni Lane sabay upo sa tabi ko. "It's okay, ganoon naman talaga ang mga tatay kapag medyo may edad na." Sagot ko na lamang at nilibang ang sarili sa magazine na nahagilap ko. "Sorry din sa nangyari kanina. I promise it won't happen again." Sabi niya pa habang inaayos ang mga nalaglag kong buhok mula sa pagkakaipit niyon. Talagang hindi na iyon mauulit. Dahil iiwan na kita. "Why did you do that?" Kanina ko pa gustong itanong iyon sa kaniya. "Did what?" Takang tanong ni Lane sa akin bago pilit na ibinababa ang magazine na binabasa ko. "Ang paalisin si Lyka." Sabi kong nakatingin sa picture ni Bill Gates sa magazine. "She insulted you." "Diba mahal mo siya? Bakit hindi siya ang kinampihan mo gayong totoo naman ang mga sinabi niya tungkol sa akin." Tanong ko ulit. Nagulat ako nang kunin ni Lane sa akin ang magazine at iharap ako sa kaniya. "Hindi lahat totoo sa mga sinabi niya. Shaine, you're not a slut or a b***h. Yes, We had s*x. But that's because, you were drunk. I should be the one to blame, kasi nasa katinuan ako nang mangyari iyon." Mahabang sabi ni Lane habang nakatingin nang matiim sa mga mata ko. "Why are you doing this? Why are you being so sweet and protective to me? Hindi ka naman dating ganiyan." Seryosong tanong ko kay Lane. Matagal ko nang gustong malaman. Dahil naguguluhan na ako! Pakiramdam ko'y iyon ang nagiging sagabal sa plano kong pag-alis. "Because I cared for you; for our baby." Sagot niya sabay iwas ng tingin. I thought he's going to confess what he truly feels for me. Hindi pala, umasa na naman ako. But that's okay, at least now I already know kung ano talaga ang nararamdaman niya, and it gives me more courage na gawin ang desisyon ko. I tried to hide the pain, pero kusang tumulo ang aking mga luha. Maybe I still can't let him go. I'm still into him. Alam ko namang hindi madali ang umusad. Sinong tanga ang makakapagmove on ng higit isang araw lang? "Hey..." nag-aalalang sabi ni Lane bago ako hinawakan sa mag kabilang balikat."...why are you crying? May nasabi ba akong masama? May masakit ba sayo?" Yung puso ko masakit, gago! Gusto ko sanang isigaw iyon sa pag mumukha ni Lane. Pero hindi ko ginawa dahil alam kong ako lang din naman ang mapapahiya. Tanggap ko nang kahit kailan ay hindi masusuklian ni Lane ang nararamdaman ko. "I'm just..." sabi kong pinipigilan ang paglakas ng iyak. "...h-hungry." Malakas na halakhak ni Lane ang pumuno sa apat na sulok ng kaniyang opisina. Parang naaliw talaga siya sa sinabi ko. Kung alam niya lang ang totoong dahilan ng aking pag-iyak, makakatawa pa kaya siya? "Let's get you some snack in-" "Please Lan, ayaw kong sa canteen ng building na ito kumain. Baka mas lalo akong mainis kapag nakita ko na naman ang mga tingin ng mga empleyado ninyo." lnis kong sabi habang pinupunasan ang aking mga luha. Marahang ngumiti si Lane. Kaagad siyang tumayo't inabot ang tissue sa maliit na lamesang nasa gilid. Hindi na ako nakaangal nang siya na mismo ang nagpunas ng mga luha ko. Hahayaan ko siyang gawin ang mga ganitong bagay. Huli na rin naman ito. Bakit hindi ko sulitin, 'di ba? "Huwag mong pansinin ang mga tingin nila. They're just insecure because you're pretty." I faked a laugh. "Hindi mo ako kailangang bolahin. I still don't want to eat here." "Why?" "Gusto ko na lang umuwi, ipag luto mo ako." Nakangisi kong sabi na ikinasalubong ng mga kilay ni Lane. "I have work, sweetie. Hindi ako pwedeng umuwi." Pinilit kong kalmahin ang sarili nang marinig ang itinawag sa akin ni Lane. "Edi ako na lang uuwi mag-isa. Mag trabaho ka habam buhay!" Mataray kong sabi bago tumayo't naglakad palapit sa pinto. "Hey, Shaine!" sigaw ni Lane nang makalabas ako. Hindi ko na lang siya pinansin. Tuloy-tuloy lang akong naglakad palapit sa elevator. Hanggang ngayo'y ang takas ng kabog ng dibdib ko. Damn you Lane, masyado mo akong pinapahirapan. "Hindi mo man lang ako pinilit." Bigla akong napalunok nang humabol si Lane sa pag sakay sa elevator. Malaki ang kaniyang ngiti. Mukhang payag na siyang ipag luto ako. Hindi kuna alam gagawin ko ngayon, lalo ako napag mahal Kay Lane,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD