Chapter 10-Ang Masarap na Almusal

1958 Words
Bless Princess Pov “Good morning sa inyo,” Maliit na boses na bati ko sa kanila ng makadating kami sa kusina, bahagya ko ring ikinaway ang maliit na kamay ni Blexy. Nagsilingunan silang lahat at ng makita ni Blexy si Iann ay tinuro niya ito sa akin at sinabing. “Ha?Ninang Papa?” tanong ng bata. Bakas ang gulat sa mukha ni Iann dahil sa sanabi ng bata. “Hala ka Iann!baka nga anak mo iyan Papa raw oh?!” At dahil dakilang makulit si Kuya Synonym ay inasar pa niya si Iann. Nang ibaling ko kasi ang aking atensyon dito ay merong magkahalong takot at pangamba ito sa maaari kong maging reaction ngunit hindi ko siya pinansin at umupo na lang sa katabing niyang silya habang kalong ko si Blexy na mukhang excited na kumain. “Hoy pare bibig mo! kahit naman ako ako ay umalis at nung nasa barko wala akong ibang naging babae at naging girlfriend wala rin ako nakakasiping na babae kaya bakit ako magkakaanak?” dinig kong sagot naman ni Iann kay Kuya Synonym. Natigilan ako sa sinabi niya ibig bang sabihin virgin pa siya? “Virgin ka pa?!” Malakas ang boses na sabi ni Kuya Synonym Tinapunan ko si Iann ng tingin at nahuli ko siyang nakatingin sa akin, nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay nag-iwas siya ng tingin ‘tsaka tumikhim pumula rin ang kaniyang mukha bago siya sumagot. “Oo, inaantay ko pa kasi iyong isa riyan na maging ready.” Pagpaparinig niya sa akin ngunit nagpanggap lamang ako na walang naririnig. Magsasalita pa sana si Kuya Synonym ng sawayin na siya ni Mama. “Synonym tama na iyang usapan na iyan ha?may bata dito oh, ‘tsaka pasensya ka na Iann ganiyan talaga nag batang iyan sa tuwing nakakakita ng kaedad mong lalaki tinatawag niyang Papa.”Saway at paliwanag ni Mama sa mga ito.At para na rin makaiwas sa mga topic na nakakarupok ay inintindi ko na ang batang mataba na nasa kandungan ko, mukhang ginugutom na talaga ito dahil nakasubo na ang kamay sa bibig. “Mama may extra pinggan pa po ba?”tanong ko kay Mama ngunit hindi pa nakakasagot si Mama ng may sumagot na. “Ito na lang sa akin.” sabi ni Iann ‘tsaka niya inilapag sa harap ko ang malinis pa na pinggan at ang pinggan ko na may pagkain ay inilipat niya papalapit sa tapat niya. Akala ko ay tapos na siya pero inabot niya ang pinggan na may kanin sa lamesa bago niya lagyan ang pinggan sa aking harapan na tama lang ubusin ni Blexy. Nilagyan din niya ng hotdog at manok ang pinggan.Wala kasi kaming bangko na pang bata kaya hindi ko siya malagay sa bangko na katulad namin kasi masyado pa siyang bata para roon dahil bukod sa hindi pa niya abot ay baka mahulog din siya kaya kinarga ko na lang siya paupo sa aking kandungan para masubuan ko siya ng maayos. Nakakatatlong subo pa lang si Blexy ay nagsalita siya. “Ninang talap.”tukoy niya sa pangkain na marasap daw kaya nagtawanan sina Mama. “Hay naku Bless! Sana mayroon na akong apo na katulad ni Blexy” Nangangarap na buntong-hininga ni Mama,nagpakunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. “Bakit ba Mama sa akin kayo nanghihingi ng apo andiyan sina Kuya oh! Sila ang hingan mo huwag ako!”sabi ko sa kaniya. “Eh ikaw ang may lovelife eh,” Ganting salita pa niya sa akin. “Hindi sa gano’n Mama iyon eh!”Pilit ko pa. “Hay naku!kumain ka na lang.”pinal na sabi nito kaya hindi na lang ako sumagot. Iann’s Pov Nagmamasid lang ako kay Bless na busy sa pag-intindi ng batang babae sa kaniyang kandungan. At ang bata naman ay nananambok ang pisngi sa pagnguya. Hindi pa ako kumakain kaya naisipan kong kainin na rin ang nasa pinggan ni Bless na sinalok ko kanina, madami-dami naman iyon plano ka rin na subuan siya kasi kokonti pa lang ang nakakain niya. Wala akong pakialam kong naisubo ko na ang kutsara, nahalikan ko naman na siya ‘tsaka hanggang dito na nga lang ako umaasa pagdating sa kaniya, sa mga indirect kiss. Hayst!nabisto pa nga ako kanina na wala pa akong experience, paano ba naman kasi tinawag akong Papa nitong batang nasa kandungan ni Bless at sumasandal pa sa dibdib niya. Hay! Sana all nakakakandong kay Bless at nakakasandal sa dibdib niya. Mabuti na lang batang bababe ito pero, kung hindi at lalaki ito ako ang magpapakain sa kaniya. Inaamin kong nagulat ako dahil sa tinawag ng bata sa akin at nabahala agad ako na makita ang reaction ni Bless dahil baka isipin niya na akin talaga itong batang ito pero wala namang reaction ang mukha niya. Iyon naman pala ay alam niyang tinatawag ng batang ito na Papa ang mga tulad kong edad sabagay, sino ba naman ang hindi nanaisin na maging Papa ang isang tulad ko? Inilibot ko ang aking tingin sa buong hapag at ng masiguro na busy lahat ang nga ito sa pagkain ay nilagyan ko ng kanin at kapirasong ulam ang kutsara gamit ang tinidor ‘tsaka ko tinapat sa bibig ni Bless. “Babe,”Tawag ko sa kaniya ‘tsaka ko itinapat ang kutsara sa tapat ng bibig niya ngunit tiningnan muna niya ako bago niya mabilis na isunubo ang nasa kutsara na para bang ayaw niya rin na may makakita sa aking ginawa. Masaya akong tinggap niya ang alok ko para sa akin ay malaki ng achievement iyon. Hindi kasi siya makasubo ng pagkain doon sa pinggan ng bata kasi gusto no’ng bata sunod-sunod ang kaniyang ginagawang pagkain. Matapos ko siyang subuan ay ako naman ang kumain at pagkatapos ay siya naman ulit. Napangisi ako sa loob-loob ko kasi mas masarap pala ang pagkain kapag naisubo na niya muna ang kutsara bago ako kumain. “Ay ang sweet!” Komento na naman ng bwesit sa kambal na si Synonym, napakadaldal talaga ng lalaking ito! Grade school pa lang kami hanggang highschool at college ay walang pinagbago ang bibig nito napakadaldal. Ito namang si Antonym kabaliktaran niya dahil minsan lang kung umimik. Matagal na ring pumapasok sa aking isipan sa tuwing nakikita ko silang tatlong magkakapatid na magkakasama ay parang wala si Bless na gaanong hawig sa kambal. Binalak ko na rin tanungin ang kambal about doon pero hindi ko na lang tinuloy kasi baka ako lang ang nag-iisip ng gano’n ngunit, kahit isang tingin mo lang sa kanila hindi mo kaagad na mafi-figure out na magkapatid sila. May pagkamaamo kasi ang mukha ng kambal pero si Bless naman ay may pagkamatapang ang mukha na kapag nagsalubong ang kilay ay parang manununtok samantalang, ang kambal naman ay galit na pero maamo pa rin ang mukha. “Synonym tumigil ka! Kumakain ang kapatid mo, mabuti nga sinusubuan nitong si Iann.” Suway ni tita Rebecca sa kaniya.Nahiya naman ako kasi parang masyado naman akong despirado na makuha ang anak nila pero iyon naman talaga ang aking plano pagkatapak na pagkatapak ko sa aming seaport kung saan ang huli kong sakay ng barko dahil ipinangako ko sa aking sarili na mapasaakin lang ang kompanya ng tatay ko ay hinding-hindi na muli ako sasakay ng barko para magtrabaho at iwan siya. Tama na iyong tatlong taon na nagdaan na wala siya sa aking tabi at idagdag din sa aking kaisipan na galit siya sa akin. Ang plano ko na lang ngayon ay mag-stay at makuha siya. Tutukan ko rin ang aming kompanya ng sa gano’n ay mapalago ko ito para sa aming magiging pamilya at matulungan ko na rin ang aking pamilya ngunit, ng mapatingin ako sa kamakaing si Bless mula sa isinubo ko sa kaniya at sa matabang bata na nasa kaniyang kandungan na ngumuya rin dahil sa kaniyang isinubo ay napaisip ako. ‘Ganito kaya kami ng hindi ako umalis maayos kami, may isa ng anak, masaya na kami at may buong pamilya?’ Bless Princess Pov Magta-tangahali na pero nasa akin pa rin si Blexy at nakatulog na siya ng dalawang beses sa aking kuwarto. Ayos lang naman na siya ay nandito kasi para kaming may laruan sa sobrang cute niya. Wala ring magawa ang kadaldal ni Kuya Synonym kapag siya ay napagod kakakulit kay Blexy. Tsaka naaawa rin ako sa kanilang mag-ina kaya ayos lang kung paalagaan niya muna sa akin si Blexy kasi para saan pa at naging ninang ako ng anak niya kung hindi ko naman gagampanan.At kung hindi rin dahil kay Blexy hindi ko pa malalaman na hindi pala marunong mag-alaga ng bata itong si Iann, kapag kasi mapaupo lang ng konti ang bata sa kaniya ay natataranta na siya kung paano hahawakan o di kaya ay kakakargahin. Masyado kasi siyang rich kid kaya hindi niya naranasan na magkarga kapatid o mag-alaga ng bata kaya ngayon ay hindi siya marunong ng kahit na ano tungkol sa mga bata, sa tingin ko nga ay hindi man lang niya naalagaan o nakarga ang kaniyang bunsong kapatid. Sa maghapong din na nagdaan ay hindi man lang umalis ng aming bahay namin si Iann at masyado akong kinukuli ngunit gingamit ko na lang ang kaniyang kahinaan pagdating sa mga bata kaya hindi siya nagkaroon ng dahilan para ako ay muling maging marupok sa kaniya harapan. Pababa ako ng hagdan bibit ang kagigising lang na si Blexy ay kita ko na ang nakangising si Iann sa sofa na mukhang mangungulit na naman ngunit ng may madinig akong sigaw sa labas ay alam ko na kaagad ang ilulusot sa kaniya. “Taho!taho!” Dinig kong sigaw ni Manong na medyo malayo pa sa bahay namin at sakto naman nakababa na ako sa hagdan kaya, ang kalong kong si Blexy na kagigising lang ay inilagay ko sa kandungan ni Iann na nakaupo sa sofa habang nakangisi, automatic na pagkaupong-pagkaupo ni Blexy sa kaniyang hita ay nawala ang mapang-asar na ngisi nito sa akin. “Iann sa’yo muna siya, may kukunin lang ako sa itaas.”Bilin ko sa kaniya kaya agad siyang nataranta dahil hindi alam kung paano hahawakan si Blexy na nagkukusot ng mata at walang kaalam-alam na nangyayari. “Bless hindi ko alam kung paano ito!baka malaglag siya!” Natataranta na niyang sigaw sa akin ng makita niya akong tumatakbo na pataas upang kunin ang aking wallet.Bago ako tumalikod ay nakita ko na hindi niya malaman kung paano ba hahawakan si Blexy. Mabilis din siyang umayos ng upo sa sofa upang hindi mahulog ang bata. “Hawakan mo lang, wang mong bibitawan!” Sigaw na bilin ko sa kaniya sa habang mabilis na tumatakbo papunta sa aking kuwarto. Halos matawa-tawa ako sa sa kaniyang reaction pagkapasok ko sa aking kuwarto dahil pumasok sa aking isipan na marunong siyang magkalong sa akin pero pagdating sa bata ay hindi. ‘Paano na lang kung may baby na kami?’ Agad nawala ang aking ngiti sa labi dahil sa pumasok sa aking isipan at para maibaling iyon sa ibang bagay ay ang kinuha ko na lang ang aking wallet sa aking drawer at inihampas ko sa aking noo. Ano ba namang hangin ang umihip sa akin at iyon ang pumasok sa aking isipan? “Taho!”muling sumigaw ni Manong sa labas na nakapagpagising sa iniisip ko, malakas na ang tunog ng sigaw nito kaya alam kong nasa tapat na ng gate na namin ito. Patakbo akong sumungaw sa bintana bago sumigaw “Manong pabili po!”Malakas na sigaw ko. Mabuti pang bumili na ako kung ano-ano kasing pumapasok sa isipan ko lalo na at nahagip na naman ng aking paningin ang kama kung saan may nangyari sa aming kababalagahan doon noong nakaraan na nakapagpa-init ngayon ng aking katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD