Bless Princess Pov
Mabilis akong tumakbo palabas ng kuwarto at hindi ko na isinarado ang pinto nito dahil mabilis na akong tumakbo pababa ng hagdan. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng lalagyan at nadaanan ko pa nga ang naglulumikot na si Blexy sa kandungan ni Iann kaya ito namang si Iann ay hindi alam kung saan hahawak para alalayan ang bata.
Kampanti naman ako na hindi mahuhulog si Blexy sa kandungan niya dahil alam ko ang kakayahan ni Iann pagdating sa pag-iingat, nagiging taranta lang siya kasi tinatakot ko pero deep inside ay alam kong hindi man niya alam kung paano mag-alaga ng bata pero may instinct naman siyang iingatan niya ang batang iyon. Siguro ako na mahulog ng muli ang puso ko sa kaniya pero si Blexy hindi.
At iyon na nga ng makakuha ako ng tatlong malalaking baso ay tumakbo ako papunta sa labas.Mabuti na lang at nag-iintay talaga si manong sa tapat ng aming gate.
Isa kasi talaga sa aking paboritong pagkain bukod sa ihaw-ihaw ay ang taho.
“Manong tigti-trinta po,” Inabot ko sa kaniya ang ang tatlong baso na matatangkad, at sa laki ng kamay ni manong ay sakop niya ang tatlong pwetan ng baso.
Sa paglalagay pa lang niya ng sahog at taho ay natatakam na ako lalo na kapag nilalahukan niya pa ng matamis na syrup.
Kinuha ko sa aking pitaka ang one hundred peses bago ko iabot sa kaniya ito, dahan-dahan naman niyang ibinigay sa akin ang basong may laman na taho. Akmang kukuha siyang barya ng pigilan ko.
“Keep the change Manong lagi ka pong dadaan dito sa amin kapag magtitinda ka lagi po akong bibili sa inyo,”Maligayang sabi ko kay Manong.
“Naku salamat iha!napakabuti mo,” Nagpunas ng pawis si Manong bago niya binuhat muli ang kaniyang lagayan ng taho.
Ngitian ko siya ko rin siya bago sumagot.
” Salamat din po manong mag-iingat po kayo, sana po mapaubos niyo ang iyong paninda,”Nakangiti kong paalam sa kaniya.
“Sige ija salamat ulit.”Naglakad na siya paalis bago ko siya nagsisigaw sa aming mga kapitbahay.
Halos mabitawan ko naman ang mga basong dala ko ng pagkalingon ko ay nasa likod ko na pala si Iann bibit na parang isang bagay lang si Blexy.
Hawak niya kasi ito paharap sa akin at nakahawak siya sa tiyan at binti nito. Nakasimagot din siya na parang isang malaking bagay ang kaniyang karga samantalang ang laki-laki naman ng kaniyang katawan. Ang bata naman ay walang pakialam at nakatingin lang sa akin dala.
“Ninang ano po iyan?” Inosenteng tanong nito sa akin.
“Taho,”Malimbing na sagot ko sa kaniya at nagsimula na akong maglakad papasok sa gate.
“Pagkain?” Muling tanong nito sa akin.
“Oo pagkain ito kakain tayo nito” sagot ko sa kaniya inalagpasan ko sila at tuluyan ng naglakad papasok ng bahay.
“Halika dito” Aya ko kay Iann paloob ng nasa may pintuan na ako at nandoon pa rin sila sa may pabas ng gate.
Ingat na ingat siyang naglakad habang maling bitbit pa rin si Blexy sa kaniyang braso.
Nang makatadating kami sa sala ay inilapag ko sa center table ang taho bago ako dali-daling pumunta sa kusina para kumuha ng kutsara at dali-dali rin akong bumalik sa sala.
Naabutan ko na muling inaayos ni Iann sa kaniyang kandungan si Blexy kaya inilagay ko ang mga kutsara sa mga baso ‘tsaka ko kinuha ang bata sa kaniyang kandungan dahil naaawa na ako sa kaniya at sa bata kasi parang hirap din ito sa kaniyang pwesto.
Pinaupo ko sa aking kaliwang braso si Blexy bago ko dinampot ang isang baso at umupo sa sofa sa tabi niya.
Sumandal naman siya na animong pagod na pagod sa sofa ‘tsaka tumitig sa kisame na parang ang lalim ng iniisip.
Hindi ko na lang siya pinansin at simimulan ko ng pakainin ng taho si Blexy at paminsa-minsang sumusubo ako ng sa akin na nasa isang baso.
“Kumain ka na Iann.”Imbita ko sa kaniya ng nakakalimang subo na ako ay hindi pa rin siya gumagalaw. Wala siyang kibo kaya hinayaan ko na lang at pinagtuunan ng pansin ang batang nasa aking kandungan na sa tuwing susubuan ko ay pumapalakpak sa sarap kaya natatawa na lang ako.
Kaya mataba itong batang ito eh! Masipag kumain.
Busy ako sa pag-iintindi sa bata ng magulat ako ng sumandal si Iann sa balikat ko, hindi ako nakagalaw dahil doon at pumulupot din ang kaniyang kamay sa aking bewang.
“Baby hindi pa ako marunong mag-alaga ng baby, marunog nga ako magpatakbo ng barko at kandungin ka pero hindi ko kayang magkarga ng baby. Paano na ang magiging baby natin niyan?”
Frustrated na sabi niya bago niya isinandal ang kaniyang noo sa balikat ko.
Agad na namula ang aking mukha dahil sa kaniyang sinabi, ang akala kong panalo na ako dahil hindi ako naging marupok ngunit sa huli ay ako pa rin ang talo kapag siya na ang naglambing sa akin.
Kagigising ko lang at umiinat-inat pa ako pababa sa hagdan ng makita kong nagpupulong-pulong sila lahat sa sala at mukhang importante ang kanilang pinag-uusapan dahil kompleto silang lahat na pati si Iann ay naroon.
Hindi ko alam kong umuwi ba siya sa kanila o dito na naman tumulog kagabi. Pagkatapos kasing kunin ni Vanessa ang anak niya kahapon habang kumakain kami ng taho ay tinapos ko lang ang pagkain no’n ‘tsaka na ako pumunta sa aking kuwarto at hindi na lumabas hanggang gabi.
Nagtutugtog kasi ako ng gitara sa balkonahe ng aking kuwarto at nagligpit na rin ng mga kalat ko sa loob ng kuwarto. Inayos ka na rin ang pagkakasalansan ng aking damit sa kabinet na hindi ko naman ginagawa dati, sadyang ayoko ko lang lumabas kapag nandiyan si Iann.
Inaamin ko ngayon na kahit anong gawin kong tatag ng aking damdamin at kahit patigasin ko ang aking loob ay wala talagang epekto kapag nandiyan si Iann, talagang napakarupok ko pagdating sa kaniya.
Ang tangi ko na lang magagawang pag-asa para sa aking sarili ay ang pag-iwas sa kaniya. Dumerecho ako sa kanila sa sala at umupo sa pagitan ni Mama at Papa na nakaupo sa mahabang sofa, na-curious kasi talaga ako kung ano ang kanilang pinag-uusapan kaya kaysa pumunta sa kusina para kumain ay dito ako nagpunta.
Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagiging Hermana ni Mama sa pista ng aming baranggay sa susunod na araw, pinag-uusapan nila ni Papa kung ano ang kanilang handa, palaro at maaari nilang ibahagi sa mga tao.At kapag nagpista na sa aming baranggay ay isa lang ang ibig sabihin no’n, malapit na ang pasukan huling araw kasi ng Mayo ang pista dito sa amin. June naman ang aming pasukan, may isang linggo pa namang pasobra kaya makakapagliwaliw pa ako bago ang pasukan at siguro naman ay sa saktong June 6 ay hindi ako tamaan ng katamarang pumasok.
Second semester naman na namin at malapit-lapit na akong mag-graduate bilang isang Chef.
Isinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Mama, ngayon ko lang naramdaman na medyo inaantok pa pala ako.
“Sus!naman Bless naglalabing pa kay Mama dalaga na eh!” Puna na naman ni Kuya Synonym sa akin.Inirapan ko lang naman siya at ipinulupot ko ang aking dalawang kamay payakap sa bewang ni Mama.
“Inggit ka lang eh,”Bara ko naman pabalik sa kaniya. Natatawa lang naman si Mama sa paglalambing ko sa kaniya.
“Nagpapababy ka pa kay Mama eh may baby ka na.” Ganti pa nito.
Kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi.
“Sino namang baby?”Inirapan ko siyang muli at mas niyakap ko pa si Mama.
Hindi naman umalma si Mama at tumatawa lang ng mahinhin.
Naiisip ko na naman tuloy kung bakit ako hindi gano’n kahinhin ang tunog ng tawa aking tawa kahit tumatawa ako ng malakas. Sa tuwing tumatawa kasi ng malakas si Mama ay napakahinhin pa rin samantalang mapahina o mapalakas ang aking tawa ay parang tawa ng lalaki sa kanto.
“Si Iann mandin ang baby mo lambingin mo naman miss na nito ang lambing mo.”at dahil sa kaniyang sinabi ay nagsitawanan sina Papa.
Napasimangot ako dahil doon at pasimpleng tiningnan si Iann na nakangiti at binabatukan si Kuya Synonym. Si Kuya Synonym naman ay happy na happy kahit na binatukan siya ni Iann ay patuloy lang siya sa pagtawa at nakipag-apir pa kay Kuya Antonym na nakangisi rin.
Nang bumalik ang aking tingin kay Iann ay nakatingin na siya sa akin kaya kunwari ay inilagay ko ang aking noo sa balikat ni Mama para makaiwas sa kaniyang tingin.
Tingin pa lang kasi ni Iann natutunaw na ang matigas kong puso. s**t!hindi maganda ang takbo ng isip ko,kailangan ko na talagang umiwas hanggang maaari pang pigilan ang aking nararamdaman.
“Mama oh! Inaaway nila ako.” Nagpapakampi na sambit ko kay Mama.
Muli siyang tumawa ng mahinhin bago niya ako lingunin.
“Lambingin mo nga naman si Iann Mahal hindi mo pa nga naman siya nilalambing simula ng siya ay dumating pati usap ayaw mo.” At dahil sa sinabi ni Mama ay naghiyawan silang muli para tuksuhin ako.
“Mama naman.”Reklamo at simangot ko kay Mama. Tumawa lang naman siya at hinalikan ako sa pisngi. Inalis niya ang aking kamay sa kaniyang bewang at ako naman ang kaniyang niyakap, inilagay niya ang kaniyang kanang kamay sa aking bewang at gamit ang isa niyang kamay ay pinaunan niya pasandal sa kaniyang dibdib.
Muli kong tinapunan ng tingin si Iann at nakita ko na namumula ang kaniyang tenga.Sinasapak ni Kuya Synonym ang kaniyang braso samantalang si Kuya Antonym naman kinakalog ang kaniyang magkabilang balikat.
Hinalikan ako sa noo ni Mama bago nagsalita”Tama na ang asaran napipikon na ang ating prinsesa ha?” Natigilan siya bago muling nagsalita”Ay! Reyna ka na nga pala.”
Napakunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi at sa wakas din ay tumigil na ang pang-aasar nila Kuya pati ang bunganga ni Kuya Synonym na parang radar ay tumahimik na rin.
“Anong reyna Ma?”
“Reyna Elena, ikaw ang magiging Reyna Elena ngayong taon.”
Nanlaki ang mata dahil sa kaniyang sinabi pati ang aking balahibo ay tumindig.
“Mama!ayoko!”Tanggi ko, isang malaking no ang sagot ko riyan. Hindi ba nakikita ni Mama na tomboy ako?tapos pagre-reynahin niya ako.
“Bless sumali ka na dahil nailista ka na ng iyong Mama sa listahan ng mga reyna na magpro-prosesyon sa gabi ng pista.” Seryoso na sabi ni Papa, nalukot ang aking mukha dahil doon. Wala na akong kawala nito.
“Mama naman!wala ka na bang ibang mapili riyan at pati akong tomboy ay sasali mo riyan?!” patuloy na reklamo ko.
“Anak isipin mo iyang mga sinasabi mo, parang tinanggihan mo na rin ang Mahal na Ina kapag hindi mo siya tinanggap nasa tradisyon na ng ating baranggay na kung sino ang ang anak na babae ng Hermana ay siya na ang Reyna Elena.”Paliwanag pa niya.
Napasimangot ako dahil wala na akong choice.