Bless Princess Pov
“Eh sino ba ang partner ko, gwapo iyan ha?” Pabiro ko pang sabi kay Mama.
“Simpre si Iann ba naman ang partner mo eh talagang gwapo,”
Natigilan ako dahil sa kaniyang sinabi at nanlalaki ang matang tumingin kay Iann na matagal na pa lang nakatingin sa akin dahil ng magtama ang aming tingin ay ngumisi siya na parang matagal na niyang inaabangan na tumingin ako sa kaniya.
At dahil doon ay napuno na naman ng katsawan ang sala at sino pa nga ang mangunguna? Eh di si Kuya Synonym na first runner up pagdating sa asaran.
“Iyon one point na naman kay Pareng Iann!” Inirapan ko siya dahil doon at tumayo ako para makaiwas sa usapan at para makapag-almusal na rin. Tinanghali na kasi ako nagising eh.
“Almusal lang ako.”Paalam ko sa kanila at tumayo para makapunta sa kusina ngunit talagang ayaw akong tigilan ni Kuya Synonym.
“Sus!lulusot ka lang eh, ayaw mo lang maluko riyan.” Inirapan kong muli si Kuya Synonym sa sobrang asar.
“Puro ka luko riyan Kuya kaya mukha ka ng joke eh!” Balik asar ko sa kaniya at dahil isang pa rin siyang malaking baby ay nagsumbong siya kay Mama.
“Mama oh!malaking joke lang daw ang mukha ng gwapo mong anak.” Sumbong pa nito kay Mama.
Hulukipkip ako bago ko siya taasan ng kilay. Ngumiti naman si Mama bago sumagot.
”Hayaan mo na anak,” at dahil doon ay binilatan ako ni Kuya Synonym pero sumimangot din agad dahil sa sinabi ni Mama.
”Totoo naman eh.”Dagdag pa nito.
Ako naman ang bumilat sa kaniya bago umalis, nakita ko pang binatukan siya ni Kuya Antonym kapag kasi lagi kaming nag-aaway ni Kuya Synonym ay si Kuya Antonym ang laging kumakampi sa akin, hindi niya kinakapihan ang kaniyang sariling kakambal kaya kapag nag-aaway kami ay laging asar talo si Kuya Synonym.
Tumalikod na ako sa kanila ng muling kumalam ang aking sikmura. Nagugutom na ako at gusto ko na ng kape, hinahanap-hanap na siya ng bulate ko sa tiyan parang hindi ko kasi kayang hindi uminom ng kape sa isang araw at hindi rin kompleto ang aking araw kapag hindi ako umiinom ng kape.
Nang makarating ako sa kusina ay binuksan ko agad ang food cover, bumungad sa akin ang fried chicken, fried egg at fried rice oh hindi ba?!puro fried ang alam lutuin ni Mama at syempre meron din na tinapa na fried rin.
Hayst! Naturingan pa naman na naging teacher si Mama pero hindi nag-aral ng ibang putahing ulam puro fried lang ang alam kaya ako ang gusto niya laging paglutuin dahil hindi raw puro fried ang ulam namin kapag ako ang nasa kusina.
Kumuha ako ng pinggan at baso sa aming lalagyan bago ako umupo sa harap ng lamesa, nagtimpla akong kape pagkatapos kong sumalok ng sinangag at fried chicken. Nag sign of the cross muna ako bago magsimulang kumain.
Matapos kong kumain ay tumayo ako para iligpit at hugasan sa aming lababo ang aking pinagkainan. Matapos kong gawin iyon ay laging gulat ko dahil may nagsalita sa aking likuran.
“Bless,”
“Ay kalabaw!” Pagkalingon ko kasi ay siya ring tawag ni Iann sa aking pangalan.
“ Ano ba?!bakit ba nanggugulat ka?”Inis na sigaw ko sa kaniya, pakiramdam ko kasi ay parang matatanggal ang aking puso sa sobrang kabog nito, hindi ko rin alam kong dahil ba sa sobrang gulat o dahil nasa aking harapan ko na siya ngayon.
Napakamot siya sa kilay bago nagsalita na napapangiti pa.
“ Sorry,”Hinging paumanhin pa niya sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil alam ko ang gano’ng klaseng reaction niya kapag nagkakamot siya ng kilay, iyon ay nagpagpipigil siya ng tawanin.Inirapan ko na lang siya bago nilagpasan dahil halatang natatawa pa simula sa naging reaction ko kanina.
Gusto ko muling suntukin ang aking sarili dahil nakikita ko pa rin siyang gwapo kahit na inaasar niya ako.
Oo na inaamin ko na talaga marupok ako pagdating sa kaniya, marami namang nagsasabi na ang lahat daw ng babae ay marupok sadyang ang iba lang daw na babae ay magaling magtago ng nararamdaman kaya iyon ang aking gagawin kasi wala na rin naman akong magagawa bumigay ng muli ang aking katawang lupa.
Inilagay ko sa aming lagayan ang malinis na pinggang ginamit ko. Sininara ko na ang lalagyan ng may pumulupot na braso sa aking bewang.
“Baby tinakasan mo ako kahapon,”Bulong niya sa aking tenga at dahil doon ay nagtindigan ang aking balahibo hindi lamang sa kaniyang mainit na hininga na tumatama sa aking mahawan na batok at dumagdag na rin sa pagtindig ng aking balahibo ang kaniyang mainit na kamay na humahaplos sa aking bewang na may ritmong taas-baba.
Naka-over size t-shirt lang kasi ako kaya ramdam na ramdam ko ang kaniyang mainit na kamay roon, napapikit na lang ako ng magsimula siyang humalik sa likod ng aking tenga pababa sa batok at papunta sa aking leeg.Muling bumalik ang kaniya mainit na labi sa aking tenga at bumulong doon.
“Baby bakit mo ako tinakasan kahapon at hindi ka na nagpakita?hmm?” tanong niya sa akin habang patuloy siyang humahalik sa aking puno ng tenga at pinaglalandas din niya rin ang kaniyang basang dila roon na parang sinasabi niya na sagutin ko ang kaniyang tanong dahil kung hindi ay hindi niya ako titigilan.
“I-Iann,” Nauutal at halos pabulong na tawag ko sa kaniya. Kanina pa rin kasi nag-iinit ang aking pakiramdam at mas lalong uminit ito ng magsimulang pumasok ang kaniyang kamay sa loob ng aking damit at humaplos sa akong tiyan.
“Hmm?”patanong niyang ungol habang kinakagat ang aking tenga.
“B-baka makita tayo nina M-Mama.” Parang nauubusan na hiningang sagot ko sa kaniya hindi lamang dahil sa ako’y kinakabahan kung hindi dahil na rin sa kaniyang ginagawa sa akin.
Kinakabahan din pero ginugusto ko naman ang aking nararamdaman.Kinakabahan kasi baka makita kami nina Mama sa ganitong posisyon lalo na at hindi naman kami magkasintahan sigurado kasing ipapakasal ako no’n kay Iann.
“Hindi iyan busy sila.” Kampanting sagot niya na parang siguradong-sigurado na hindi man lang siya kinakabahan na baka mayroong makakita sa aming ginagawa.
Pinaharap niya ako sa kaniya at hindi ako pinagsasalitang sinunggaban agad niya ang labi ko.
“Hmm,” Napa-ungol ako dahil sa kaniyang ginagawa lalo na at nagsimula na siyang humakbang kaya inilagay ko ang aking kamay sa kaniyang leeg at nagsimula na na ring gumanti sa kaniya. Sa aking ginawa ay napa-ungol siya at napangiti hindi kalaunan. Ramdam ko ang ngiti niyang iyon dahil hindi niya tinanggal ang kaniyang labi sa akin. Nainsandal na rin niya ako sa lababo ng gano’n kabilis at ang kaniyang kamay na humahaplos sa aking tiyan kanina ay umakyat na sa aking dibdib at madigiin na pumisil doon.
“Aray,” Daing ko at bahagya kong inilayo ang aking labi sa kaniya at nakagat ko pa nga bago ko mahiwalay dahil sa gulat na ginawa niya.
“Sorry baby.” Namumungay ang mata na hinging paumanhin niya at muling akong hinalikan at binuhat para maisampa niya ako sa lababo. Hindi na niya muling ibinalik ang kaniyang kamay sa aking dibdib at pumirmi na lang ito sa aking bewang at doon pumipisil.
Pinagparte niya ang aking magkabilang hita 'tsaka niya inilagay ang kaniyang sarili sa pagitan no’n at dahil doon ay ramdam na ramdam ko siya. Napatigil ako sa paghalik sa kaniya dahil doon.
Nagtatanong ang aking mata dahil sa aking nararamdaman sa pagitan ng aking hita, ramdam na ramdam ko siya dahil nakaboxer lang ako.
Nakatinghala akong tumingin sa kaniya at binigyan siya ng nagtatanong na mata kahit kasi nakaupo na ako sa lababo ay hindi naging hadlang iyon upang mas maging matangkad pa rin siya sa akin.
“Baby ganiyan kalakas ang epekto mo sa akin.”husky na bulong niya sa akin at mas idiniin niya ang kaniyang sarili sa akin kaya mas lalo ko siyang naramdaman.
“I-Iann ano ang gagawin ko?” Tukoy ko sa matigas na bagay na nasa may hita ko. Natataranta at kinakabahan ako kasi ngayon lang ako nakaranas nito.
Namumungay ang kaniyang mata ngumiti sa akin bago niya ako halikan sa noo.
“Wala baby,”Paos ang boses na sabi niya ‘tsaka siya nagsumiksik sa aking leeg.Hindi pa rin niya tinatanggal ang kaniyang kamay sa aking bewang at paminsan-minsan pa ring pumupisil doon. Wala sa sariling inangat ko naman ang isa kong kamay na nasa kaniyang leeg at simulan kong sinuklay ang kaniyang buhok ng sa gano’n ay kumalma siya.
Sinilip ko rin ang kaniyang mukha na nasa aking leeg at nakita kong nakapikit siya. Payapang-payapa ang kaniyang paghinga na animo’y nasa kaniyang comfort zone siya.
Mukhang nakatulong din sa kaniyang pagkalma ang aking pagsuklay sa kaniyang buhok. Mabagal lang ang kaniyang hinga at ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na iyon sa aking leeg.
Ninamnam naming pareho ang sandaling iyon. Siya na nakapikit at pinapakalma ang kaniyang sarili habang ako naman ay pinapakiramdaman ko ang aking sarili habang sinuklay ang kaniyang buhok.
Pinapakiramdaman ko ang aking sarili kong may dapat ba akong maramdaman na inis o galit sa kaniya ngunit wala kahit isa akong nararamdaman sa mga iyon. Ang tangi ko lang nararamdaman ngayon ay magaan na pakiramdam na kahit anong bad vibes ay wala.
Ang tanging importante lang sa isip ko ay siya at ako sa ngayon ngunit, maya maya ay nagsalita siya
“ Baby?”at wala sa sariling sinagot ko siya na hindi ko pa rin itinitigil ang aking ginagawang pagsuklay sa kaniyang buhok
“Hmm?”Hinapit niya ako papalapit sa kaniya kahit na magkalapit na kami, mas isinubssob din niya ang kaniyang mukha sa aking leeg at sumisinghot-singhot pa roon na nakapagbibigay sa akin ng kiliti.
Natatakot ko rin na igalaw ang aking hita dahil baka maglapat na naman ang kaniyang bagay sa ibaba na iyon at ang aking hita’t makagawa na naman ako ng bagay na makapagpagalit doon sa nagagalit na iyon.
“Date tayo babe?” Sinilip ko siya dahil sa kaniyang sinabi na naging dahilan kung bakit nalaman ko na kumalma na iyon. Naglapat kasi ang aking hita at iyon dahil sa aking paggalaw para silipin siya.
Sa puntong iyon parang gusto ko na lang na hindi maulit ang bagay na iyon. Ayoko na may mangyari na gano’n kasi sa tingin ko ay hindi pa ako handa na maghandle ng mga gano’ng bagay.
Iningat niya ang kaniyang mukha nang hindi ako sumagot sa kaniyang tanong at itinapat sa akin.
Ako naman ay sa kaayawan na mahulog kahit hawak niya ako sa magkabilang bewang ay inilagay kong muli ang aking mga kamay sa kaniyang leeg.
Tinitigan niya ako bago magsalita.
“Date tayo babe.” Hindi na pagkakatanong ang kaniyang pagkakasabi kung hindi finality.Kumunot ang aking noo dahil doon bago nagsalita.
“Kanina tinatanong mo lang ako tapos ngayon ay parang ang pagkakasabi mo ay wala na akong magagawa? Tsaka bakit pabago-bago ang tawag mo sa akin ha?minsan baby minsan babe?” Mahabang lintaya ko sa kaniya at dahil sa aking sinabi ay kumislap ang kaniyang mata sa hindi ko malamang dahilan.
“Papayag ka rin lang naman eh, ‘tsaka ang pagtawag ko sa’yo ng babe at baby kung minsan ay ibinabase ko kung ano ang tingin ko sa’yo. Bakit nagseselos ka ba?”Kumunot ang aking noo dahil sa kaniyang ipinaliwanag at sa sinabi niyang nagseselos ako.
“Ang hinayupak na ito kung anong pinagsasabi”Bulong ko ngunit dahil nga magkalapit lang kami ay nadinig niya na naging dahilan ng kaniyang paghalakhak.
“Ganito kasi ‘yon baby, kapag baby ka pa sa aking paningin ay baby ang tinatawag ko sa’yo pero kapag sexy ka naman sa aking paningin ay babe ang tinatawag ko sa’yo ‘tsaka huwag kang magseselos dahil ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ko.”Natatawa pang paliwanag niya.
“Eh Mama kung papayag ba naman ako ay may papartner ba sa akin eh tomboy ako?” Pangangatwiran ko sa kaniya, baka sakaling makalusot. Hindi kasi puwedeng walang partner ang Reyna Elena dahil siya ang lalakad sa pinakahuli ng posisyon.
“Eh papayag ba ang Mama mo na wala kang partner, pati nga gown at lahat ng gagamitin ko nabili ko na,”Tingnan mo ito si Mama planado na niya pala ngayon niya pang sinabi sa akin kung kailan wala na akong choice.
“Eh sino ba ang partner ko, gwapo iyan ha?” Pabiro ko pang sabi kay Mama.
“Simpre si Iann ba naman ang partner mo eh talagang gwapo.”