Bless Princess Pov
“Kapal mo sino ang nagseselos?”Singhal ko sa kaniyang sinabi upang itago ang isang kilig na bumalot sa aking puso dahil sa kaniyang sinabing endearment sa akin. At para na rin makaiwas sa kilig sa sinabi niya ay nagkunwari na lang akong nagreklamo pilit niya rin kasing hinuhuli ang aking tingin ngunit hindi ko hinahayaan.
“Iann nangangalay na ako sa pwesto natin puwede mo na ba akong ibaba?” Pakiusap ko sa kaniya, sa kabila kasi ng lahat kahit na inaasar niya ako ay naisip ko na sa loob ng tatlong taon ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng kapayapaan sa aking puso nagmamatigas man ay naalis dahil lang sa isang sitwasyon na nangyari kanina.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung ano ba itong aking nararamdaman, ito ba iyong sinasabi ni Migo sa akin na go with the flow lang?Isang malaking hindi ko alam ang aking sagot diyan, samantalang ibinaba niya naman ako mula sa aking pagkakaupo sa lababo pagtapos niya akong halikan sa noo.
Akala ko ay wala na siyang sasabihin ngunit nagsalita siya.
“Papakawalan muna kita ngayon ngunit mamaya na lang kita susunduin sa iyong kuwarto okay?” Inangat niya ang aking panga ng sa gano’n ay magtama ang aking mata.
Tumango naman ako dahil gusto ko ng makaiwas sa kaniya, hindi ko pa alam kung ano ba itong aking nararamdaman kaya kailangan ko muna na dumistansiya sa ngayon at aking ginawang pagtango ay ngumiti siya bago muling hilikan ang aking noo at pisngi.
Ang kaniyang ngiti ngayon ay kakaiba dahil kung dati ay ngiti na may determinasyon na makuha ako ay ang ngiti niya naman ngayon ay ngiting nagsasabi na konti pa at maibabalik na niya ako sa dati. Umabot kasi ang kaniyang ngiti sa kaniyang mata hindi katulad ng dati na nakangiti man siya ngunit malungkot naman ang mga mata.
“Bless hinanap ka ni Mama!”Malakas na sigaw ng kakapasok lang na si Kuya Synonym sa kusina saktong tapos ng aming pag-uusap.
Tumango ako bago umalis sa kusina at narinig ko pa ang reklamo niya kay Iann na napakatagal daw nitong umihi ay pupuntahan pa raw nila aming susuotin sa patahinan.
Napangisi ako dahil sa pagre-reklamo nito kay Iann, kung alam lang niya ang ginagawa nitong kalukuhan may sumaludo pa nga.
Alas-kwatro na ng hapon ng may kumatok sa aking pintuan habang ako naggui-guitarang nakaupo sa kama.
Ang buong akala ko ay si Mama kaya binuksan ko kaagad ang pintuan ngunit ang bumungad sa akin pagkakabukas ay si Iann na nakasuot ng v-neck t-shirt na kulay gray at nakaboardshort na kulay itim. Preskong-presko rin ang itsura nito na mukhang kaliligo lang. Ngumiti siya sa akin bago nagsalita.
” Good afternoon baby,” Maligayamg bati niya sa akin at pagkatapos no’n ay walang sabi-sabing pumasok siya sa loob ng aking kuwarto.Wala na akong nagawa ng umupo siya sa kama at talagang tinukod pa niya ang kaniyang magkabilang kamay sa kaniyang likod.
Isinara ko ang pinto at tinaasan ko siya ng kilay, siya naman ay itinaas din ang kaniyang dalawang kilay bago nagsalita.
“Bakit hindi ka pa nakabihis baka gusto mo ay ako pa ang magbihis sa’yo o di kaya naman ay pili ka na lang baby, huhubaran kita o bibihisan kita?”Malanding tanong pa niya.
Inirapan ko siya dahil doon at nagtungo ako sa harap ng aking kabinet para kumuha ng damit na pamalit. Pinili ko ang isang maong na tokong short at isang itim na v-neck shirt. At napakunot ang aking noo ng maglahad siya ng kaniyang kamay sa akin pagharap ko papunta sa cr para magpalit.
“Bakit?”tanong ko.
“Lapit ka dito bibihisan kita.”Nanlaki ang mata ko na ikinatawa niya.
“Manyak na ito!”Nanggigil na sabi ko.
Tumawa lang siya bago sumagot”Manyak lang naman ako sa’yo baby, sa’yo lang ako nagiging ganito.” Inirapan ko siyang muli bago ko ako nagderetcho sa cr para makapagbihis matapos no’n ay lumabas na ako at nakita ko siya na nililibot ang kaniyang tingin sa buong kuwarto ko na para bang naninibago siya roon.
Sabagay malaki na talaga ang pinagbago ng aking kuwarto, ang dating malinis, makulay at magandang kuwarto ko ay napalitan na ng makalat, puno ng vandalism ang dingding at walang buhay na kuwarto. Sa paglibot ng kaniyang tingin ay nadaan niya ako ng tingin na nakasandal sa hamba ng pinto na pinagmamasdan din siya.
Ngumiti siya sa akin at tumayo” Tara na babe?” hindi ako umimik at pina-shoot ang aking maduming damit sa basket ng labahan na nasa may gilid ng pinto ng cr bago ako nagtuloy sa aking pintuan para makalabas, hindi ko iyon sinara at hinayaan din siya na lumabas.
Dinig ko na maingat ang ginawa niyang pagsara ng pinto at sumunod no’n ay ang kaniyang yapak at naramdaman ko ang mainit niyang braso na bumalot sa balikat ko, sa takot ko na makita kami nina Mama lalo na at parehas din kaming lumabas sa aming kuwarto ay tinaggal ko ang kaniyang braso sa aking balikat.
“Paakbay lang eh,” Bubulong-bulong na pa niyang reklamo sa aking likuran na rinig ko naman.
Halos lumuwa ang aking mata at tumaas ang aking tenga ng dalhin niya ako sa lugar namin na puro ihaw-ihaw ang tinitinda.
Sinabi niya rin sa akin na kunin ko raw lahat ng aking gusto kaya kumuha na ako ng tiglilima na isaw,dugo,ulo,paa at iba pa na umabot halos ang hawak ko ngayon ng thirty piraso.
Nang makontento ay binalingan ko siya na nakatingin na pala sa akin kaya walang hiya-hiya akong ngumit sa kaniya at ipinakita sa kaniya ang hawak ko.
“Ito lang,” Masaya at malambing sabi ko sa kaniya, masasabi kong ito ang pinakaunang beses na naging malambing ako simula ng iniwan niya ako.
“Ito lang talaga?wala ka ng idadag?”Malambing na sambit niya matapos kunin sa aking kamay ang hawak kong lalagyan na may hilaw na iihawin. Tumango lang naman ako sa kaniya.
Hindi ko alintana ang mausok, matao, at nakatayo lang basta makakain lang ng inihaw.Sikat din kasi ang pinuntahan naming ihawan sa pinakamasarap na nag-iihaw dito sa amin kaya talagang dinadayo.
Hinalikan niya ako sa noo bago nagsalita na puno ng emosyon ang mata niyang tumitig sa akin. Inilagay niya rin ang kaniyang kanang kamay sa aking pisngi habang ang kaliwa naman ay hawak ang lalagyan ng aking mga napili.
“Baby masaya akong nabibili ko na ang mga gusto mo, hindi tulad ng mga estudyante pa tayo na kailangan mo lang limitahan ang pagbibili ko sa’yo dahil sabi mo ay kailangan kong tipirin ang baon ko,”ang masaya at malambing kong ngiti ay nauwi sa mapait. Tumalikod na ako sa kaniya bago tumulo ang luha ko pero siguro dinadaya lang ako ng mata ko na nakita kong tumulo rin ang kaniyang luha bago ako tumalikod.
“Ipaihaw mo na iyan at maghahanap ako ng puwede nating upuan.”Huling bilin ko sa kaniya bago ako tumalikod at habang papalayo roon ay agad kong pinigilan ang aking emosyon.
Ayoko ko na kasi sa aking nararamdaman na galit at sakit dahil nagsasawa na ako, kumakapit na lang ako sa pag-asa na nandito na siya.
Iyon na lang ang pinang-hahawakan ko. Ayoko na muling maramdaman ang sakit na nararamdaman ko noon na kailangan kong maging okay sa harap ng iba pero sa loob-loob ko ay pinapatay na ako sa sakit na nararamdaman.
Sa mga sinabi niya kasi na iyon ay naalala ko lang kung gaano kami kasaya noon bilang isang magkasintahan kahit na estudyante pa lang kami ngunit nasira ang lahat ng iyon dahil sa kaniyang pag-iwan sa akin.
Nang makakita ako ng bakanteng aming puwedeng upuan ay nagtungo ako roon at umupo. Hindi ako lumingon sa aking pinanggalian dahil gusto ko munang kastiguhin ang aking nararamdaman ngayon.
Nalilito kasi talaga ako sa aking dapat maramdaman na kung dapat ba akong magalit sa kaniya,bigyan siya ng pagkakataon na magpaliwanag o sundin ko lang ang aking nararamdaman para sa kaniya ngunit kaakibat naman no’n ay ang takot na baka iiwan na naman niya ako at maulit na naman ang sakit naramdaman ko tatlong taon na ang lumipas. Natatakot ako na itayang muli ang aking nararamdaman para sa kaniya.
Napatinghala ako ng may tumapat sa aking mukha na isang bungkos ng kulay putting bumalaklak na siyang paborito ko sa lahat.
Pag-angat ng aking tingin ay bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Iann na parang hindi rin siya naging emosyonal kanina.
“Advace happy birthday babe.” Sabi niya na ikinagulat ko.
Nakasimangot ako habang nagpoprosisyon at nakahawak sa matikas na braso ni Iann. Ito na ang araw kong saan ako ang Reyna Elena at ang ibig sabihin lang no’n ay birthday day ko rin na naalala ko lang ay noong binigyan ako ni Iann ng bulalak noong nakaraang araw lang.
Naka-suot ako ng kulay royal blue na lacey gown na napakabukad at napakahaba kaya hindi kita na rubber shoes lang ang suot ko sa paa.Binilhan ako ni Mama ng heels pero ito pa rin ang aking isinuot. Hindi niya alam na dali-dali kong pinalitan ng rubber shoes kanina ng makalingat siya sa akin.
Nakalugay rin ang aking mahabang buhok at may nakalagay sa aking ulo na maliit na flower crown na kulay puti. At mangali-ngali kong kamutin ang aking make-up na pahirapan na inilagay ni Mama sa aking mukha kanina.
Si Iann naman ay napakagwapo at maraming humahanga sa suot niyang barong na Chinese collar na kulay blue rin.
Nagkagulo pa nga kanina sa bahay ng matapos akong ayusan ni Mama dahil gusto nila na magpapicture sa akin, mukha na raw kasi akong babaeng-babae. At syempre ka pa hindi papahuli ay may maligalig na bungangang si Kuya Synonym.
Special din kasi para sa kanila ang araw na ito kasi sabi nila ay birthday raw ng kapatid ni Mama at syempre birthday ko rin ngayon.
Wala namang special sa birthday ko dahil sa para sa akin karaniwang araw lang ito na nadadagdagan ang edad ko. Magmula kasi ng iwan ako ni Iann sa mismong araw ng aking birthday ay wala ng halaga para sa akin ang birthday simula ng araw na iyon, naghahanda sila Mama pero hindi ako umuuwi dahil maalala ko lang na wala naman akong dapat ikasaya dahil nadadagdagan lang ang taon na wala pa rin siya sa akin. Umiinom lang ako sa tuwing sumasapit ang araw na ito.
Nakatigil ang prosisyon ng may tumawag sa akin.
“Ham!”tawag nito, ko naman ang aking paningin at nakita ko ang papalapit sa akin na si Migo kasama si Paps na nakasuot na naman ng kaniyang paboritong ripped jeans at white t-shirt na pinatungan ng leather jacket.
“Oh?”tanong ko ng lapitan ako ni Migo kasama si Paps.
“Paps,”bati ko sa kaniya.
Tinanguan niya ako bago ngumiti.
“Babaeng-babae ka ngayon ah?”Puna ni Migo, tinanguan din niya si Iann na nakapulupot na agad ngayon ang kamay sa aking bewang.
Sumimangot ako bago sumagot.
“Kung hindi lang ako pinilit ni Mama hindi ako mapipilitan” sagot ko sa kaniya.
“Papicture kami ni Manager sa’yo mamaya ha?” Paalam niya ng makitang umuusad na ang aming mga nasa una.
Tinanguan ko siya at si Paps na ngumiting muli, tinanguan din naman ni Paps si Iann bago tumalikod.
‘Bakit mukhang magkakilala sila?’