Bless Princess Pov
“Iann magkakilala ba kayo ni Sir Argus?” tanong ko sa kaniya habang ako ay nakatalikod at siya naman ay busy sa aking gown.
Nasa kuwarto ko siya ngayon at nagpapatulong ako sa ribbon ng aking damit dahil hindi ko kayang tanggalin ang ekis-ekis na ribbon sa likod nito.
Maaga kaming umuwi kaysa sa ibang mga kasali kasi ayoko sa mga sayawan, may sayawan pa kasing magaganap pagkatapos ng prosisyon. Ito namang si Iann ay pinipilit kong iwan doon para siya ay makapag-enjoy ay ayaw rin, mas gusto raw niya sumama sa akin at mas mag-eenjoy pa siya.
“Oo magkakilala kami, nagkakilala kami ng minsan ay lapitan niya ako at nagpapatulong siya tungkol sa record ng aming trabahador sa barko. Tiningnan niya kung nagtrabaho pa rin ba ang kaniyang girlfriend noon na sa pakiwari niya ay buntis ito sa kanilang anak ng maghiwalay sila. Actually tagarito rin sa inyong baranggay iyong babae pero, nakaka-lungkot isipin na hindi na niya natagpuan ang kaniyang mag-ina,”Napasimangot ako dahil doon.
Ang lungkot din pala ng nakaraan ni Paps. Akala ko ay porket na masayahin siyang tao at makulit pagdating sa akin ay may pinag-dadaanan din pala siya.
“T-tapos na babe,”sabi niya, kaya humarap ako sa kaniya pero ng makita niya iyon ay bigla siyang tumalikod na ikinataka ko.
Humakbang ako papunta sa aking kabinet para kumuha ng pamalit. Pinili ko ang isang pajama na itim at isang putting t-shirt kumaha rin ako ng isang sports bra sa aking drawer dahil pinilit ako ni Mama na magsuot ng isang bra na strapless at hindi ako komportable roon kaya magpapalit akong bra.
Nilingon ko si Iann para sana sabihin sa kaniya na huwag siyang titingin ng makita ko na nakatalikod siyang nakaupo sa aking gawi at nakasapo sa kaniyang dalawang palad ang kaniyang mukha na parang pinagbagsakan siya ng mundo.
Sinamantala ko naman iyon para magpalit dahil natatamad akong pumunta sa cr sa layo ng nilakad namin kanina.Dali-dali kong hinubad ang aking gown na suot kaya ang natira na lang sa akin ay ang strapless na bra at boxer. Isinuot ko ang pajama at dali-dali ko ring tinanggal ang strapless kong bra at pinalitan ko ng sports bra.
“Tangina,” dinig kong malutong niyang mura na naging dahilan ng paglingon ko sa gawi niya af nanlaki ang aking mata ng makita kong nakatingin siya sa akin.Sa pakiwari kong itsura niya ay nakita niya akong hinuhubad ang hinayupak na bra na iyon.
Mabilis siyang tumalikod kaya mabilis ko rin na inayos ang aking sports bra na medyo wala pa sa ayos dahil sa aking pagmamadali matapos kong magawa iyon ay isinuot ko ang t-shirt.
Dinig na dinig ko rin ang kaniyang mga malulutong na mura habang ginagawa ko ang pagpalit kaya matapos kong magpalit ay humakbang ako papalapit sa kaniya para tingnan kung ano ang kaniyang problema at bakit siya nagmumura.
“Iann anong problema mo?”tanong ko sa kaniya ng maradating ako sa kaniya harapan, mula sa kaniyang pagkakasapo sa kaniyang mukha ay nag-angat siya ng kaniyang tingin sa akin.
“Hay salamat naman at nakabihis ka na,”Bulong niya na rinig ko naman na para bang nabunutan nga siya ng tinik sa kaniyang lalamunan na nakita niyang nakabihis na ako.
Pansin ko rin na namumula ang kaniyang tenga masyado rin siyang pinagpapawisan na para bang tumakbo siya ng malayo dahil talagang nagbubutil-butil ito.
Nakakapagtaka naman na hinubad na nga niya ang kaniyang barong at putting t-shirt ‘tsaka slacks na lang ang natira pinagpapawisan pa rin siya.
“Bakit?ano bang nangyayari sa’yo?”Naguguluhang tanong ko sa kaniya.
“Wala.”Maikli niyang sagot muntikan pa nga akong mapatalon ng bigla niya ako hapitin papalapit sa kaniya saka siya sumubsob sa aking tiyan.
At dahil sa kaniyang ginawa na iyon ay muli ko na namang naramdaman ang pang-iinit ng aking mukha at ang mumunting kiliti sa aking tiyan na hatid ng mainit niyang hinga sa aking tiyan, idagdag pa ang kaniyang mainit na palad na pumipisil na naman sa aking bewang.
“Iann ano ba talagang nararamdaman mo?bakit ka nagka-kaganiyan may masakit ba sa’yo?”medyo nag-aalala ng tanong ko, wala naman siguro siyang nakain na masama.
Hindi siya umimik at mas sumubsob siya sa aking tiyan bago sumagot.
“Masakit sa puson baby, ikaw naman kasi eh hindi nagsasabi na nagbibihis ka pala iyan tuloy may sumaludo ng may makita ako sa’yo,”
Pakiramdam ko ay mas lalong uminit ang aking mukha ng makuha ko ang kaniyang sinabi, hindi na lang ako umimik dahil wala akong kaalam-alam kung paano ko siya papakalmahin.
Ganoon ba kalakas ang epekto ko sa kaniya na masulyapan niya lang ang aking hinaharap ay nangangalit na iyon?
Hinayaan ko siyang pumisil sa aking bewang kung iyon ang magpapakalma sa kaniya, nakaka-limutan ko kasi minsan na hindi na nga pala kami mga bata na nagagawa ko pang maghubad sa iisang lugar na kasama siya dahil marami na ang nagbago sa amin na makakapagbigay ng reaksyon sa katawan ng isa’t-isa.
Tatandaan ko na rin simula ngayon na sa tuwing pumipisil siya sa aking bewang ay kinakalma niya ang kaniyang sarili.
Matagal ko siyang napapansin simula noon na kapag nga may ginagawa akong kamangmangan sa kaniya ay pinagpapawisan siya at pumupisil din sa aking bewang. Ngayon ko lang na-realize na pinapakalma pala niya ang sumasaludo na iyon.
Halos limang minuto rin siyang nakasubsob sa aking tiyan bago siya nagsalita.
“Baby tulog ka na, gabi na.”Iniangat niya ang kaniyang mukha saka siya ngumiti, tumigil na ang kaniyang pagpisil sa aking bewang at nakahinga ako na maluwag dahil doon, mukhang kumalma na ito pero kahit hindi na siya pumipisil ay nakahawak pa rin siya roon.
“Oo na tutulog na basta ba umalis ka na dito,”Walang preno na sabi ko.
Tumayo siya at akala ko ay aalis na ng bigla niya ako buhatin pahiga sa kama kaya napasigaw ako.
“Iann ano ba?!” At sa gulat ko ay tumabi siya sa akin at inangat ang kumot sa aming dalawa at hindi pa roon na kontento, bahagya rin niyang akong inangat paunan sa kaniyang malapad na dibdib. Hindi na ako nakapalag dahil niyakap na kaagad niya ako sa aking bewang.
“Hindi ako aalis dito hanggang hindi ka pa nakakatulog, lalo na wala ka pang kasama dito. Hindi ako papayag.”Pinal na sabi niya.
Wala kasi akong kasama dito kapag umalis siya lalo na at busy sina Mama sa pag-iintindi sa daloy ng pista dahil sila ang punong abala para dito.Gustuhin ko mang tumulong pero ayaw nila kasi mapapagod daw ako at birthday ko rin.
Napagkasunduan din nila na bukas na lang daw kami mag-celebrate at pumayag naman ako kasi parang wala naman na sa akin kung mag-celebrate man o hindi kasi wala namang special sa aking birthday.
Nakapag-desisyon na rin ako para sa aking sarili ukol sa nararamdaman ko kay Iann. Pinili ko na maging go with the flow na lang ako sa nararamdaman ko para sa kaniya,mahirap man at nakakatakot na mag-risk muli pero nakapag-desisyon na akong susugal muli ako para sa amin.
Hindi man ito ang ugali ng bagong Bless pero sa aking nararamdaman para sa kaniya ay kaya kong isandabi kung ano ako ngayon.
“Tulog na.”muling babala niya at sinimulan na niyang sukalayin ang buhok ko at dahil doon ay napa-isip ako na baka meron naman na special sa birthday ko kasi nandito na siya na lagi kong inaantay sa tuwing sumasapit ang araw na ito.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa kaniyang ginagawang paghaplos sa aking buhok. Namalayan ko na dahan-dahan niya ako inilalapag sa unan mula sa pagkakahiga ko sa kaniyang dibdib ngunit kahit na nagising na ako ay hindi ko pa rin iminulat ang aking mata at pinakiramdaman ko lang ang kaniyang gagawin.
Nadidinig ko na rin na may mga ingay na sa baba, mukhang nandiyan na sina Mama.
Ramdam na ramdam ko ang kaniyang pag-iingat na hindi ako magising at dahil magkalapit lang kami ay nararamdaman ko ang kaniyang malalalim na hinga.
Nang mailapag niya ako ng maayos ay gustong-gusto ko na imulat ang aking mata upang tingan kung ano ang kaniyang ginagawa pero pinigilan ko ang aking sarili. Maya maya lang ay naramdaman ko ang kaniyang mainit na labi sa aking noo at nagtanim iyon ng isang maingat na halik doon.
Bahagya rin niyang itinaas ang aking kumot.
“Sana baby mabura na sa alaala mo ang mga naranasan mong sakit sa ginagawa ko, sana simula ngayon ay magagandang alaala na lang ang matatandaan mo kasi gagawin ko ng muling masaya ang mga birthday mo na kasama ako. At sana rin bigyan mo ulit ako ng pangalawang pagkakataon kasi may mga dahilan din naman ako baby,” Madamdaming sabi niya bago ako halikan sa pisngi at sa noo.
“I love you,” huling sabi niya bago ko narinig ang mga magagaan niyang hakbang at ang pagbukas-sara ng pinto.
Sa kaniyang sinabi ay pumasok sa aking isipan na napakamakasarili ko pala na hindi ko man lang naisip na hindi lang ako ang nahirapan sa kaniyang pag-alis, na parang sa boses niya kanina ay napakahirap rin sa kaniya ang ginawa niyang paalis ng araw na iyon.
Siguro nga ay kailangan kong tanungin ang kaniyang dahilan ng sa gano’n ay malaman ko kung karapat-dapat ba talaga ang second chance para sa kaniya.
Iminulat ko ang aking mata at nagmadali na bumaba sa kama para siya ay maabutan ko pa, kailangan ko siyang makausap tungkol sa kaniyang dahilan na iyon at gusto ko rin sabihin sa kaniya kung maiintay ba niya ang buong tiwala kong muli sa kaniya pagkatapos kong pakinggan ang paliwanag niya.
Halos madapa ako sa pagmamadali dahil madilim sa buong second floor at ang tanging ilaw lang sa ibaba ay sa kusina.
Sa may pintuan ng kusina ay may bulto ng dalawang tao na nag-uusap kaya binagalan ko ng paghakbang dahil ayoko na mapansin nila ako, mukha kasing seryoso rin ang kanilang pinag-uusapan.
Nang nakarating ako sa kalahati ng hagdan na tama lang para hindi ako makita dahil hindi natatapunan ng liwanag iyon ay nakita ko kung sino ang nag-uusap.
Si Papa at si Iann.
At halos bumagsak ang aking pag-asa sa aking narinig at ang naipon kong pagpapatawad ay bigla na lang naubos at napalitan ng galit.
“Tito babalik na po ako sa aking trabaho,” sabi ni Iann.
“Iyan ba ay ang pagta-trababo mo bilang seaman?”tanong naman ni Papa.
“Opo, magta-trabaho na po ulit ako babalik-balik pa naman po ako rito paminsan-minsan,”Paliwanag pa nito.
Tinapik ni Papa ang kaniyang balikat bago tumango.
“Sige kung iyan ang gusto mo.”