Chapter 15- Ang Pag-alis

1975 Words
Bless Princess Pov Tumalikod na ako sa kanila at mabilis na umalis doon para makabalik sa aking kuwarto. Tuloy-tuloy rin ang pag-agos ang aking luha. Inilock ko kaagad ang pinto pagkadating sa loob, sumandal at umupo rin ako roon. Pinagmamasdan ko ang aking buong kuwarto na madilim.Dito naman talaga ako nararapat, sa isang madilim na buhay hindi ko dapat hinayaan ang aking sarili na makuha ko ang kalayaan mula sa pagkakasadlak sa dilim simula ng iniwan niya ako. Masyado kasi ako naging marupok, napakitaan lang ng konting lambing, halik at yakap bumigay na kaagad ako. Iyon naman pala iiwan na naman niya ako. Matapos niya akong pakitaan ng mga pag-asa na baka maayos pa ay iiwan niya akong muli. Gano’n na ba ako kadaling iwan at sukuan? Siguro may ugali ako na madali na lang itapon at iiwan ng gano’n- gano’n lang. Tumayo ako at nagtungo sa drawer na nasa aking side table, hinigit ko ito hanggang pinakadulo.Kinuha ko roon ang nakatago kong sigarilyo at lighter. Kumuha akong isang stick at sinubo, sinindihan ko ito at humithit doon. Akala ko pa naman kahit ngayong birthday ko man lang ay may mangyayari na special, akala ko lang pala iyon. Kinuha ko rin ang de-keypad na cellphone roon na kasama ng mga sigarilyo at lighter bago binuhay iyon. Sakto naman na sa aking pagbukas ay may pumasok na mensahe mula sa aking kakilala na si Pareng Cor. Tara inom tayo. Inubos ko muna ang sigarilyo sa aking bibig bago ako nagtungo sa aking kabinet, kahit walang ilaw ay alam na alam ko kung saan lahat nakapwesto ang mga gamit ko. Nabuhay kasi ako sa tatlong taon na madilim ang aking buhay, may liwanag man o wala ay madilim na ang tingin ko sa aking buhay. At ito na nga dumating siyang muli sa buhay ko na akala ko ay muling ng magkakaroon ng liwanag katulad ng dati na wala akong ibang pino-problema magaan at masaya lang ang lahat ngunit sa nakikita ko ngayon malabo na muling mangyari iyon. Kumuha ako sa aking kabinet ng isang ripped jeans at ipinalit sa aking pajama. Matapos no’n ay kinuha ko ang aking susing nakasabit sa likod ng pintuan, bumalik ako sa may gilid ng aking higaan at binuksan ang pinto papunta sa balkonahe. Nakakatawang isipin na balik na naman ako sa dati, dito kasi ako dumaan noon tuwing tumatakas. Pumatong ako sa patungan doon saka ako tumalon papunta sa bubong sa isang bintana sa likod, doon ko kinuha ang aking motor at inakay papunta sa gate rin sa likod. Sinikap kong hindi makagawa ng ingay at ng makalayo ako ay saka ko lang binuhay ang makina ng motor. Sumakay ako at pinaharorot papunta sa bar na lagi kong pinupuntahan kapag may problema ako. Walang ibang taong nakakaalam kung saan ang ang bar na iyon sa aming pamilya tanging ako lang ang nakakaalan no’n, natuklasan ko ang lugar na iyong ng ako ay mag-first year college. Doon ko pinapalipas ang aking galit at sama ng loob. Sa lugar rin na iyon ko pilit kinakalimutan ang lahat ng mga problema ko. At ngayon ay bumabalik na naman ako sa lugar na para sa akin ay nalilimutan ko pansamantala ang aking mga problema at isipin.Hindi ko alam kung kailan ako uuwi para harapin ang aking problema ngayon na pino-problema ko pa kahit noon. Pagkarating ko sa bar na lagi kong pinupuntahan ay bumangad sa akin ang karaniwan kong nakikita sa tuwing pumupunta ako dito. Maingay at magulo na karaniwan lang naman sa mga bar. Inilibot ko ang aking tingin upang hanapin ang mga kaibigan ko na lagi kong nakaka-inoman dito. Hindi nga ako nagkamali nakita ko sila sa isang table dito. Agad akong nagtungo roon at padaksol na umupo sa tabi ni Cor. Matanda si Cor halos kasing edad lang siya ni Papa at ni paps. Nakilala ko siya three years ago ng first time kong pumunta dito at ipinagtanggol niya ako sa mga lalaking nambastos sa akin at magmula noon ay naging magkaibigan kami at ng mga anak niyang lalaki. Siya na rin ang nakakainuman ko kapag pumunta ako dito. Wala siyang anak na babae kaya iniintindi niya ako kapag nandito sa bar, siya rin kasi ang may-ari nito kaya okay lang na mag-stay ako kahit kailan ko gusto. “Kamusta ka na pare?”tanong niya sa akin. Pare ang aming tawagan kahit malayo ang agwat ng edad naming dalawa. Ngayon ko lang din napansin na matagal akong hindi nakakapunta dito magmula ng dumating ang pesting Iann na iyon. Talaga pa lang ang manlalako lumipas man ang taon manloloko pa rin. “Ayos naman pare ikaw?Bakit parang wala ang mga anak mo ngayon?”tanong ko sa kaniya. Usually kasi ay nakaka-inuman ko rin ang tatlo niyang anak na lalaki ngunit nag-iisa siya ngayon. “Ah wala nga eh, busy ang mga iyon sa bago nilang tinatayong business,”sagot niya sa akin at sinalinan ng alak ang baso ko. Agad ko namang ininom iyon at sinalinan ko kaagad ng alak. “Tsaka pare anong sabi mong iisa lang ako?tatlo tayo, inimbitahan ko rin ang aking kumpare darating na rin siguro iyon.”Bida pa niya sa akin na tinango-tanguan ko lang naman. Akala ko ay dadalawa lang kami ngayon may inimbitahan pa pala siya. “Ang tagal mong hindi pumunta dito ah?”tanong niya pa. “May inaskaso lang.”Malamig na tugon ko habang patuloy pa rin sa pag-inom. “May problem ka?”Dahan-dahan na tanong niya na animo’y tinatantsa niya kung karapat-dapat ba ang kaniyang tanong. “Dumating na siya,” Maikling sabi ko sa kaniya habang nakatitig sa baso, batid ko naman na kahit hindi ko sabihin ang pangalan ay alam na niya kung sino ang aking tinutukoy. “Iyon naman pala pare eh, dumating na ang matagal mong iniintay pero bakit naglalasing ka?”Curious na tanong niya. “Dumating nga pero iiwan din naman ako so, sana hindi na lang siya muling dumating hindi ba?”hindi siya umimik dahil sa aking sinabi. Alam ko na alam niyang ayoko ko ng pag-usapan iyon. “Nasaan na nga pala iyong makaka-inuman natin?”tanong ko sa kaniya pagkatapos kong muling inumin ang nasa baso kong alak. “Iyan na oh,”Turo niya sa taong nasa may dance floor palapit sa amin na sa gulat ko ay si Paps. Napangisi ako pagkaparada ng aking motor sa harap ng bahay. Hindi pa rin talaga ako nagbabago kahit may inom kayang-kaya kong pa ring magmaneho. Tatlong araw akong hindi umuwi sa bahay. At sa tatlong araw na iyon ay sa bahay ako ni Paps tumuloy dahil hindi siya pumayag na sa bar lang ako magpapalipas ng sama ng aking loob. Nakakatawa nga dahil kumpare rin pala niya si Pareng Cor dahil magkababata sila at kung minsan ay ang banda ni Paps ang sa bar nito. Sa tatlong araw rin na iyon ay sinasama niya ako sa kaniyang mga gigs at sa gabi naman ay magkasama kaming iinom sa bar ni Pareng Cor na kung minsan ay binabarat pa namin ni Paps ang bayad sa mga alak na naiinom namin doon. Hindi ko maiwasang isipan na bakit mas masaya akong kasama si Paps kaysa sa aking amang si Papa Edward. Bumaba ako sa aking motor at tinanggal ang susi, eight na ng gabi ngayon kaya kokonti na lang ang mga taong nasa labas ng ganitong oras sa aming baranggay. Maliwanag na sa ilaw ang buong bahay at ihahanda ko na ang aking tenga sa mga sermon na matatanggap kayna Papa. Binuksan ko ang gate at nagderetcho akong pasok. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay tumahimik na kaagad sila sa mga kwentuhan nila at kahit hindi ako tumingin ay alam kong lahat ng mata ay nasa akin. Hindi ko sila tinapunan ng tingin at nagderetcho lang ng lakad, akala ko ay porket nasa may hagdan na ako ay makakaligtas na ako sa mga tanong ng magsalita si Papa. “Bless saan ka na naman galing?”tanong ni Papa sa akin na ikinatigil ko sa paghakbang bago sumagot. “Diyan lang.”Walang ganang sagot ko ng hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. “Diyan lang? Saan umabot nandiyan lang mo na hindi ka umuwi ng tatlong araw?” Napa-irap ako sa hangin bago ako humarap sa kanila at sa gulat ko ay nagtama ang mata namin ni Iann na nakaupo sa tabi ni Papa ngunit kahit gano’n ay hindi ko pinahalata ang aking pagkagulat at itinago ko ang aking reaksyon sa isang malamig na tingin. Bakit pa siya nandito?akala ko ba babalik na siya sa kaniyang pagsea-seaman?Hindi ba iiwan niya ulit ako? Nakataas ang kaniyang kilay na parang tinanong din niya ako kung saan ako galing. Iniiwas ko ang aking tingin sa kaniya bago ako tumingin at sumagot kay Papa. “Basta Papa riyan lang.”muling sagot ko bago ako tumalikod sa kanila, dinig ko pa na tinatawag ako ni Mama pero hindi ako lumingon at nagtuloy lang papunta sa aking kuwarto. Bukas na ang lock nito kaya hindi ko na kailangan pang susian, alam ko naman na binuksan na nila ito ng malaman nilang wala ako sa loob at tumakas na naman. Nang makarating ako sa loob ay pasalampak akong humiga sa kama at hindi na rin ako nag-abala pang buksan ang ilaw . Ang naiwan ko na kaha ng sigarilyo sa ibabaw ng lamesa ay nandoon pa rin kaya kumuha ako ng isang stick ‘tsaka sinindihan. Nakaka-tatlong hihit pa lamang ako ng may kumatok. Sa pag-aakalang si Mama ay sumagot ako, lagi kasi akong kinakausap ni Mama dito sa kuwarto kapag hindi ako umuuwi ng ilang araw. “Pasok!” Hindi ko tinapaunan ng tingin ang may pintuan ng marinig kong pumihit ito pabukas, tuloy lang ako sa paghihit ng sigarilyo at pagbuga nito. “Bakit Mama anong kailangan mo?”tanong ko sa kaniya ng hindi siya nagsalita, humithit ako bago binuga ‘tsaka siya tiningnan. At sa gulat ko ay hindi si Mama ang nasa pintuan kung hindi si Iann na madilim ang tingin sa akin ngayon. Hindi ko pinahalata na nagulat ako na nandidito siya at nakaka-takot ang kaniyang dating sa akin. Ngayon ko lang muli nasilayan ang ganiyan klase ng tingin, huli ko itong nakita noong may nambastos sa akin noong highschool pa ako. At alam kong kapag ganiyan ang kaniyang itsura ay mahirap siyang pakalmahin ng kahit na sino. Bumangon ako sa kama at tumayo, malamig ko rin siyang tiningnan”Bakit ka nandito ano ang kailngan mo?”tanong ko. Padabog niyang sinarado ang pinto at ‘tsaka niya ini-lock iyon na mas lalong nagpakabog sa aking dibdib. Ano ang gagawin niya?bakit niya nilock ang pinto? Muli niya akong tinapunan ng madilim na tingin. “Saan ka galing?”Malamig na usal niya at nagsimula na siyang lumapit sa akin, hindi naman ako nagpatinag kahit na may epekto siya sa akin at pinanatili ko ang malamig na expression sa mukha ko. “Wala ka ng pakiakam doon,”Malamig na sagot ko sa kaniya. “Ano ba ang nangyari sa’yo ha? Ayos pa tayo noong umalis ako noong gabi pero bakit bigla ka na lang nawala ng hindi nagpapaalam tapos tatlong araw ka pang hindi umuwi?Tapos makikita kita ngayon na naninigarilyo na naman?” tanong niya pang muli sa akin.Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin habang sinasabi niya iyon. Mula rin sa madilim na expression ng kaniyang mukha ay naging malambing na ito na parang nagsusumamo na maging maamo na akong muli sa kaniya katulad nitong mga nakaraang araw habang hinihaplos niya ang aking pisngi. Nanggigil ako dahil doon kaya hinampas ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. “Wala ka ng pakilam doon!sino ba kita ha?! Wala ka lang naman sa buhay ko!” Malakas na sigaw ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD